Bloody 10: Remy Astrid

1.9K 148 0
                                    

Bloody 10: Remy Astrid

Roen Astrid.

"S-si Miss Fern.."

"Sinong pumatay sakanya?"

"K-kanina lang nakita ko pa siya t-tapos-"

"TABI NGA KAYO!" I heard Claire shouted. Narinig ko ang yabag niya palapit sa akin. Naramdaman ko agad ang presence niya sa tabi ko. I saw how her eyes turned shocked when she saw what's inside my room.

"Oh fuck. M-miss Fern?!" Nanghihina siyang napaupo sa sahig. Napahawak siya sa kanyang bibig at humikbi. Inalalayan rin siya ng mga helpers para tumayo ngunit di siya gumalaw.

"Get her out of here and call Chief Harris." I ordered. Agad silang tumango at pilit pinatayo si Claire para alalayan palabas ng aking kwarto.

Nang mawala sila ay inobserbahan ko muli ang paligid. Why does it always have to be my room?

Bumuntong hininga ako at naglakad patungo sa walang buhay na katawan ni Fern. May butas ang dibdib niya at iyon ang dahilan ng kanyang pagkamatay. I turned to look at the splattered blood on the wall and  analyzed the position of her body. I calculated her distance from the wall and I immediately knew how she died.

She was stabbed by a short blade, a dagger? Possible. Or it could be a simple knife. Tumingin ako sa mga patak ng dugo sa sahig. The killer wiped it but there's still traces of blood.

The killer must be stupid. Halatang ito ang unang beses na pumatay siya ng tao. Ang dami niyang iniwan na traces na ikakapahamak niya. Anyway, I'm certain that the killer is a woman. The guards were trained to protect the royal family so all of them were experienced in using blades. Lahat ng helpers sa palace ay babae. The killer was inexperienced and she panicked after doing a crime. Marami siyang nabanggang gamit sa kwarto bago umalis. My room is a mess.

Dumako muli ang tingin ko sa katawan ni Fern. Ang isang kamay niya ay nakalapag sa sahig habang ang isa naman ay nasa bandang tiyan niya.

I squinted my eyes and saw a piece of paper she's holding. It was left by the killer. I bended my knees and reached the paper from her hand. I made sure that I didn't touch her.

Binuksan ko ang nakafold na papel upang makita kung anong nakasulat sa loob.

Remy Astrid.

I gritted my teeth. Agad nandilim ang aking paningin nang makita ko ang pangalan ng aking ina na nakasulat sa papel. It was written using a thick black ink. So, she knew my mother's name huh? I'll find you, stupid killer.

Ayokong mabahiran ng dumi ang pangalan ng aking ina. She's already suffering a lot because of those fucked up royalties. Hindi ko hahayaang madamay siya sa krimen na wala naman siyang kinalaman. She's been locked up like a criminal for fuck's  sake! Kinulong siya nang walang dahilan at nagpakulong naman siya nang wala man lang reklamo. What the fuck did my mother did to be involved in this stupid crime?

I shut my eyes tightly as I inhaled deeply. Narinig ko ang mga yabag ng paa papunta sa aking kwarto. The guards are here.

Kinalma ko ang aking sarili at binulsa ang papel. Simula nang tumapak ako sa palasyong ito ay lagi na akong nakakaramdam ng matinding uhaw sa pagdanak ng dugo. I badly want to murder everyone I see in this place.

"I heard what happened, Sangria. Kami na ang bahala dito." I heard West's voice. Humarap ako sakanya at nakitang may mga kasama siyang guards. Nakita ko rin si Velius na nasa likuran ni West.

"Miss Fern was killed in my room." I moved to the side so they can clearly see Fern's body. Nabaling ang kanilang tingin sa likod ko. Tinanguan ako ni West at tumabi para bigyan ako ng daan palabas.

The Blood EmpressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon