Bloody 13: The Duo
Roen Astrid.
Pumasok kami ni Captain sa unang interrogation room kung nasaan si Nora Kint, the shadow girl.
Hindi mapakali ang mga mata niya at bahagyang nanginginig ang kanyang kamay.
Umupo si Ryu sa kanyang tapat. He crossed his arms below his chest as he gazed at Nora. Pilit nitong iniwasan ang mga titig ni Ryu dahilan upang mas lalong nanginig ang kanyang kamay. I can smell her fear.
Imbis na sa upuan ay sa mesa ako umupo. I tilted my head to look at her.
"Hi Miss Shadow, how do you feel? Or should I say Miss Invisible?" I asked with nonchalance.
"W-what? N-no. Nagkakamali ka! I-I-I'm just a human!" Nanlalaki ang kanyang mga mata habang nakatingin sa akin ngunit di nagtagal ay umiwas rin siya. Liar.
"Sit down, Sangria." Napalingon ako kay Captain. He looked at the chair beside him, ordering me to sit there.
I just shrugged as I followed him. Naisipan ko siyang inisin kaya inusog ko palapit sa kanya ang upuan bago umupo. Our shoulders touched as I sat down. Narinig ko ang buntong hininga niya at muntik na ko mahulog nang mag isang umusog pabalik sa dating pwesto ang upuan ko.
"Whoa, is that one of your dragon's trait?" I asked with an amused smile.
"Maris is your friend, right?" Ryu asked the helper, ignoring my question. Napakurap si Nora at dahan dahang tumango.
"Everyone knew that she was being abused by the assistant. Lagi siyang pinagiinitan ng ulo at lagi rin siyang pinagbubuhatan ng kamay kahit wala siyang ginagawa." Dugtong pa ni Captain at tumango muli si Nora.
"The assistant entered the room at exactly 6:15 together with Maris. You're aware of that so you followed them to the room. You entered at 6:20, saktong binuksan ni Maris ang pinto kaya ka nakapasok. You used your ability that enables you to be invisible." Mahabang paliwanag ni captain.
"N-no... P-paano niyo naman nasabing ako yoon? Wala akong k-kapangyarihan! At kung ako man yun at naging invisible ako, p-paano niyo naman ako makikita?!!" She yelled.
"You casted a shadow on the floor, Nora. You didn't know how to control your full trait well, letting us see your shadow." Nakapangalumbaba ako sa mesa at ngumisi sa kanya, dahilan upang magngitngit ang kanyang ngipin. Umiwas siya sa mga mata ko at napayuko.
Ilang segundo pa ang lumipas ay bigla siyang tumawa nang malakas. Her lips slowly formed a hideous smile as she stared at me.
"There's no way you can identify whose shadow you've seen, lady guard. Stop your nonsense accusations!" Her eyes burned with anger, making me grin. Kahit ganyan siya ay ramdam ko pa rin ang takot na nananalaytay sa kanyang dugo.
"How can you be so sure, Nora?" Ryu said in a provocative manner. His voice alone sent shivers down my spine. How scary.
"W-what d-do you mean..." Nora stuttered. Hindi siya makatingin kay captain at habang tumatagal ay unti unti na siyang nawawala sa sarili.
"The shadow we've seen wore a big ribbon, Nora. Just like yours." Dugtong ni Ryu. Tuluyang nanigas si Nora at dahan dahan siyang napahawak sa buhok niyang may malaking ribbon. Her jaw dropped as her eyes trembled.
"You're the only one who wears that, Miss Invisible." Mapangasar ko pang sambit.
"N-no! Hindi maaari! W-wala akong kasalanan... s-si Maris! Siya ang pumatay kay Miss Fern! T-tama siya nga! Lagi siyang sinasaktan ni Fern kaya napuno siya at humugot ng maliit na kutsilyo sa kusina.... malamang ay t-tinago niya yun sa damit niya at ginamit para saksakin si Fern sabay tapon sa bintana... t-tignan niyo rin ang suot niyang damit! S-siguradong nandoon ang a-ang dugo ni Miss F-fe.." napatakip siya sa bibig nang mapagtanto ang mga sinabi niya. I grinned. Bravo. She just explained the crime precisely.
BINABASA MO ANG
The Blood Empress
FantasyShe wears an innocent smile to conceal her murderous thoughts. She looks harmless with her angelic face but behind it lies a bloodthirsty demoness. A sly demoness that loves to play with her enemies, Tricking them by gaining their trust while slowly...