Bloody 15: Boring Days are Over
Roen Astrid.
"Oh my! Hey driver, can you be a little slower please?! Late dapat tayo para sa akin lahat ng atensyon!" Maarteng utos ni Lily kay Velius na siyang nagdadrive ng limousine na sinasakyan namin. Isa lamang ito sa mga sasakyang pagaari ng royal family.
Nasa frontseat ako habang nasa likod naman si Lily kasama ang apat pang guard. Panay ang ayos niya sa kanyang buhok at di maalis ang kanyang tingin sa hawak niyang salamin. She kept putting a lot of stuff on her face. Hindi ba siya nangangati? Sa labanan kami pupunta pero mukhang sa party ang direstso niya.
"Sangria! Ikaw magbukas ng pinto later pagdating natin sa academy, tapos tsaka lang kayong lalabas na apat. Alam niyo na ang formation right?" Ilang beses na rin niya yan sinabi mula pa sa palace. Nakakarindi na, buti nalang talaga at di kami magkatabi kung hindi ay naingudngod ko na ang mukha niya sa pulbos.
Velius handed me a pack of caramels. Kahit papaano ay umayos ang lagay ko. I smiled at him as I ate one candy.
"We're here, Princess Lily." Sambit ni Velius habang bumubukas ang malaking gate ng academy. Dallas Academy was written in gold above it.
Labas palang ay halatang mayayaman lang ang nakapapasok sa eskuwelahang ito.
Pagpasok ay malawak na daanan ang sumalubong sa amin. This academy is huge. Maraming buildings ang nakita ko at sa pinakagitna ay may malaking open air arena.
I saw bunch of people entering the arena. May mga media na nagaabang sa entrance at nakita ko kung paano sila nabuhayan nang huminto na ang limousine namin doon.
Marami ring estudyante na nagaabang sa pagbaba ni Lily. I already expected this but I was still startled to see lots of people. Ngayon lamang ako nakakita ng ganito karaming tao.
The corner of my mouth quirked up as I opened the door to come down.
"Andyan na si Princess Lily!"
"Tumabi nga kayo!"
"Princess Lily!!!"
"Sino yung babaeng bumaba?"
"Is she one of the helpers??"
Binuksan ko ang pinto at tumabi. Nagsilabasan ang apat na guard at luminya sa dalawa. Dahan dahang bumaba si Lily at may maaliwalas na ngiti sa kanyang mukha habang kumakaway sa mga camera.
What a grand entrance. Sigurado akong kahit nasa labas pa kami ay napapanood na kami sa screen ng mga tao sa loob ng arena. Well, Lily is the princess after all, kahit saan siya pumunta ay siguradong pagkakaguluhan siya.
"Princess Lily! Totoo po bang kasama ka sa mga test bosses ngayong entrance exam?"
"Ano pong relasyon niyo ni Young master Ryu?"
"Magiging parte na po ba kayo ng Genesis?"
"Sino po ang babaeng kasama niyo?"
Pinigilan kong ngumisi nang marinig ko ang huling tanong na nanggaling sa isang lalaking nerd na reporter. Sinadya kong tumabi kay Lily upang makita ako sa screen sa loob ng arena.
Tumikhim si Lily ngunit hindi pa rin nawawala ang ngiti sa kanyang labi.
"Well yes! It's true na isa ako sa mga test bosses na makakalaban ng mga enrollees. Yun lang muna ang masasagot ko." Mahinhing sagot ni Lily sa mga reporter. Halos masilaw na ako sa ilaw na lumalabas sa bawat click ng mga camera.
"Kung ganon sino po ang babaeng kasama niyo?" Tanong muli ng nerd kanina. Ramdam kong gusto na akong paalisin ni Lily ngunit dahil maraming tao ay hindi niya magawa. How lovely.
BINABASA MO ANG
The Blood Empress
FantasyShe wears an innocent smile to conceal her murderous thoughts. She looks harmless with her angelic face but behind it lies a bloodthirsty demoness. A sly demoness that loves to play with her enemies, Tricking them by gaining their trust while slowly...