Irah Beatrix POV
"Dahil game na game kang makipaglaro sa amin. Maglalaro tayo ng truth or dare"
Nagpapahinga na kasi kami ngayon at dahil nga sa sobrang bored na namin ay naisipan na lang namin maglaro.
Nandito lang kami sa room namin at nag-iingay.
"Oy, huwag na natin laruin 'yung truth or dare na nilaro natin nung nakaraan" angil ko sa kanila.
"Ayoko rin laruin iyon. Nasisira ang pagiging inosente ko" sabay-sabay kaming nagtinginan kay Jefferson.
"Weh?" pang-aasar ni Nicolas.
"Inosente naman talaga ako" natawa ako sa pagiging defensive ni Jefferson. "Hindi ka naniniwala sasinasabi ko?" nagkibit-balikat ako.
Sa panahon ngayon mga lihim na tinatago niyo ay malalaman at malalaman pa rin iyon ng taong close niyo.
"Charot lang" hinampas ko siya. "Naniniwala ako sa iyo na inosente ka. Masyado ka kasing defensive kaya ka nagmu-mukhang nagsisinungaling"
"Kasi 'yung mga tinginan niyo sa akin iba ang dating eh"
"Kumalma ka lang, naniniwala naman sila. Gusto ka lang talaga nilang asarin" nagtawanan naman ang mga kasama namin.
"Bakit hindi na lang maging kayo?" natigilan kami sa pag-uusap ni Jefferson.
"Huh?" magkapanayam naming sambit ni Jefferson.
"Para kayong mag-jowa kung mag-usap" sabi ni Violet.
"Oo nga, para kayong mag-jowa kung nag-uusap" sinegundahan naman ni Katrina.
"Oo mas lalo na kapag may lecture. Diba nasa likuran nila ako, tapos kapag may lecture lagi silang nag-uusap. Minsan nagtatawanan pa na akala mo mag-jowa sila"
Nagtinginan kaming dalawa ni Jefferson at sabay kaming napa-iling.
Another day of explanation to my classmates again.
"Wala talaga kaming relasyon" sagot ko.
"Wala naman talaga" sagot ni Jefferson.
"Kapag nag-reunion tayo, silang dalawa ang hihintayin kong makita baka kasi inililihim lang nila na may relasyon sila kasi nga classmates sila" hindi ki napigilang matawa.
"Sige, abangan niyo. Isa lang ang sigurado ako at si Jefferson, never magiging kami. Period" paliwanag ko.
Parang hindi ata nila kami titigilang asarin kapag nakita lang nila kaming magkasama o kaya naghaharutan.
Ito pa naman kasing si Jefferson sobrang lakas mang-asar. Kaya lagi akong nababanas sa kaniya.
"Huwag kang magsalita ng tapos dyan 'te girl"
"Hayaan mo na sila Sister" tumango ako.
Hayaan na lang namin sila sa gusto nila. Hindi naman nila kami pinaniniwalaan kaya tatahimik na lang kaming dalawa.
"Maglaro na tayo. Bawal kj ah!"
"Oo, hindi naman kami kj ah"
Nagsimula na kaming maglaro.
"Paiikutin ko itong bote na ito tapos kung kanino tumututok itong may takip ng bote ay siya ang maglalaro"
"Deal na 'yan!"
Nagsimula na kaming maglaro.
"Nicolas, ikaw ang bwena-mano"
"Truth or dare?"
"Truth muna, baka mamaya may gawin kayong kalokohan" mataray na sambit ni Nicolas.
Nag-taas ako ng kamay. "May itatanong ako" tumango naman ang mga kalaro namin.
BINABASA MO ANG
Lost in Love (Book 1 of Love)
RandomMay pag-ibig talagang dumarating kahit na hindi naman dapat. Parang 'yung pagmamahal ng bida sa lalaki.