Chapter 9

45 4 5
                                    

Irah Beatrix POV

"Nakuha mo na ba dslr ni Sir?"

"Hindi pa" tumawa ako. "Nakalimutan ko kasing kuhain kanina"

Nagmamadali akong naglakad papunta sa faculty. Nandoon daw kasi ang camera ni Sir at pinaiwan niya sa Secretary ng faculty.

"Kaya pala hindi ka pa pumupunta" narinig kong sambit ni Jude.

Pagkarating ko sa pintuan ay humiga muna ako ng malalim bago ko buksan.

"Nandito ka na" ngumiti naman ako nung narinig ko ang sambit ni Ma'am Eva.

"Sorry po, Ma'am" nahihiya kong sambit.

Nakalimutan ko kasi na kuhain ang dslr kanina dahil napasarap sa paglalaro ng 'truth or dare' kasama ang iba kong kaklase pati na rin si Mikaela.

Ibinigay na sa akin ang dslr. "Sa akin mo na lang ibalik ulit" tumango ako.

"Sorry po talaga" yumuko ako. "Maraming salamat po sa pagpapahiram" umalis na ako sa faculty.

Pagkarating ko ng room ay nakita kong tapos na sila maglaro ng truth or dare.

"Ano'ng sabi sa iyo?" natatawang tanong ni Jefferson sa akin.

"Wala naman" umupo na ako sa isang bakanteng upuan.

Kailangan ko na kasing ayusin ito dahil malapit ng magsimula ang event sa lobby namin.

"Sobra kang makakalimutin ngayong araw"

Hindi lang kasi itong pagkuha ko ng dslr ang nakalimutan ko ngayong araw. Kasi pati ang ID ko nakalimutan kong dalhin dahil hindi sa nakalimutan ko iyong bitbitin kundi nakalimutan ko kung saan ko na isuksok kahapon.

"Nakita niyo ba sina Sam at Zackary?" hinihingal na tanong ni Jazlyn.

"Hindi eh"

"Hinahanap na kasi sila sa baba" umalis na si Jazlyn pagkatapos niyang sabihin iyon.

"Malapit na atang magsimula" kinuha ni Jefferson ang kaniyang cellphone. "Tara na" aya niya sa akin.

"Mikaela, tara na" tumayo naman si Mikaela.

Sabay na kaming tatlong bumaba.

Pagkarating namin sa lobby ay nandoon na ang mga staff ng library namin at ang mga visitors namin.

"Marami palang inimbitahan na bisita sila" mahinang sambit ko.

Akala ko kasi kaunti lang ang visitors namin ngayong araw. Ayon pala marami pala.

Nandito rin ang ibang Prof from other faculty.

May tumingin sa banda naming isang bisita. Napayuko ako bilang paggalang ko sa kaniya at pagbati. Tumango ito nung nakita niya ang ginawa ko.

"Punta na muna tayo sa mga kaklase natin" aya ni Mikaela sa akin.

Kung hinahanap niyo si Jefferson ay nawala na siya pagkababa namin dahil nakita niya kasi ang crush na crush niya from other major.

Pagkarating namin sa mga kaklase namin ay nag-uusap sila tungkol sa event ngayon.

"Kinakabahan ako" natatawang sambit niya.

Kahit din ako kinakabahan dahil this is our first time na gumawa ng event. Kami ang nag-asikaso kaya hindi ko namin alam kung magugustuhan ba ng mga bisita at ng mga Prof namin ang ginawa namin.

"Tara na, simulan na natin ang trabaho natin" tumango ako bilang sagot sa sinabi ni Mikaela.

Naghiwalay na kaming dalawa.

Lost in Love (Book 1 of Love)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon