Chapter 18

39 3 0
                                    

Irah Beatrix POV

"Sister"

Tumigil ako sa paglalakad nung narinig ko ang boses ni Jefferson.

"Oh, bakit nandito ka?"

"Bawal na ba ako maglakad dito sa city hall?"

"Hindi naman kasi iyon ang gusto kong iparating eh" inis kong sambit sa kaniya. "Ang gusto ko lang naman sabihin doon ay bakit dito ka naglalakad? Eh, sumasakay ka naman ng jeep na deretso hanggang sa school"

Nagsimula na kaming maglakad daalawa ni Jefferson.

"Cut trip"

"Wala kang masakyan na pa-Taft?"

Umiling siya. "Punuan ang mga sasakyan na pa-Taft kaya nag-cut trip na lang ako"

"Kaya pala" tumatango-tangong sambit ko.

Nung tumawid kami ay inalalayan niya ako.

"Oo nga pala. Bakit hindi mo kasama si Papa mo?"

"Ah. Straight siya every Friday para makauwi siya sa Bulacan"

"Ikaw lang mag-isang naglalakad papasok?"

"Yez, waeyo?"

"Ingat ka lagi ah"

"Yes po"

Pinauna niya akong pumasok ng school at sumunod siya.

"Ako lang ba ang nakakaramdam ng antok ngayon?"

"Karamay kita, Sister"

Sino ba naman kasing hindi aantukin na imbes na 7 am ang klase namin ay ginawang 10 am.

Nakakatamad pa namang pumasok ng ganitong oras dahil hindi nakikisama ang katawan ko sa bagay na dapat kong gawin.

"Uwi na kaya tayo" seryoso kong suggestion sa kaniya.

Tumawa ng malakas si Jefferson. "Napapansin ko sa iyo lagi mong gustong umuwi"

"Ay, napapansin mo pala iyon?"

"Sino ba naman kasi ang hindi mapapansin sa kaka-ungot mo na gusto mong umuwi kahit na kapapasok mo pa lang?"

"Sorry naman po, Brother"

"Okay lang iyon, Sister"

"Deretso na tayo sa room dahil bukas na rin naman na ang room"

"Tara"

Tahimik kaming naglalakad.

Ngumingiti ako kapag may mga kakilala akong nakakasalubong.

"Parang hindi mo na masyadong pinapansin si Junathan"

"Hindi ko na masyadong pinapansin?"

"Dati kasi parang halos araw-araw—ay minu-minuto mo siyang hinahanap. Kaso ngayon para ang tahimik mo na"

Ang tinutukoy ni Jefferson na si Junathan ay ang crush kong bakla. Hindi naman talaga Junathan ang pangalan niya kundi Jonathan. Nagkamali lang kasi ako ng tawag sa kaniya kaya nauwi sa Junathan ang name niya.

"Jonathan iyon, hindi Junathan"

"Sabi mo nga dati Nathaniel ang pangalan niya"

Hindi ko na lang pinansin 'yung pang-aasar niya sa akin. "Siguro, nawala na 'yung pagtingin ko kay Jonathan"

Simula kasi nung inamin ko sa sarili ko na mahal ko si Zackary ay hindi ko na binibigyan pansin 'yung mga crush kong bakla.

Pagdating namin sa room ay pinagbuksan niya ako ng pinto at pinaunang pumasok.

Lost in Love (Book 1 of Love)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon