Irah Beatrix POV
Aligaga akong naghahanap ng susuotin ko para sa event namin ngayon.
Today is the opening month for our celebration month.
"Mag-iingat ka sa byahe mo" I stopped what I am doing.
Mamaya kasi uuwi rin ako sa Bulacan para bisitahin ang Mama at ang dalawa kong fur baby. Simula kasi nung umalis kami sa tinitirhan namin dati at nalipat nga si Mama sa Bulacan.
May nagbigay sa akin ng tuta at pina-alaga ko kay Mama. Ang boring daw kasi kapag siya lang mag-isa kaya naman pinaiwan ko na lang kay Mama para may kasama siya roon.
Ngayon kailangan ko munang pumunta sa school para maging Photographer sa event na magaganap ngayon. Opening kasi ng month namin kaya kailangan namin ng mga pictures. Isa ako sa nag-volunteer para kumuha ng mga litrato.
Masyado silang nag-aalala sa akin sa tuwing bumabyahe ako. Wala naman sila dapat ikabahala kasi sanay na ako at hindi naman na rin ako bata. Siguro kasi hindi sila sanay na akong lang bumabyahe mag-isa pero kasi ang tagal ko nang bumabyahe mag-isa.
"Opo, mag-iingat po ako"
Tinignan ko naman ang shoulder bag ko baka kasi may gamit akong hindi ko nailagay dito sa shoulder bag ko. May backpack din ako na naglalaman ng mga iba kong gamit.
"Huwag mong kakalimutan na dalhin ang dalawa sa vet para maturukan at matignan kung may sakit ba sila para malunasan agad" I just nodded at her.
"Opo, Madame" umiiling si Ate dahil sa sinabi ko.
Nung una ayaw ni Ate na may alaga kaming aso kasi nga makukulit daw sila at baka magkalat lang daw ng balahibo. Eh, kaso mo ngayon ay todo na siya paalala sa dalawa na akala mo siya ang nag-aalala.
"May pera ka ba pamasahe?" tanong niya sa akin.
Napatigil naman ako sa ginagawa ko at nilingon ko si Ate agad. Ngumiti ako na nagpapahiwatig 'pahingi ako pera kahit pamasahe lang' at nakita ko ang unti-unting pagsilay ng ngiti sa kaniyang labi.
Inilahad niya ang kamay niya kaya naman inilahad ko rin ang kamay ko. Inabot niya sa akin ang three hundred pesos.
"Thank you, ate! You are the best talaga" masayang sabi ko habang hawak ang pera.
"Malamang, ako lang naman ang nagbibigay sa iyo kapag kailangan mong manghingi ng pera" umiiling-iling niyang sambit.
Ngumiti ako ng sobrang tamis. Umalis na sa pintuan si ate sa may pintuan. Baka magpupunta siya sa kwarto niya para maghanda na rin.
Nang makita ko na wala naman na akong nakalimutan ay lumabas na ako ng kwarto ko. Tinignan ko na lang ang pinto ng kwarto ng ate ko.
Hindi na lang ako magpapaalam baka kasi busy na iyon. Kailangan niya na rin kasi maghanda para maayos na nila ang kasal nila ng longtime boyfriend niya. Naging sila kasi ng ate ko nung 2nd year highschool sila at ngayon ay 12 years na silang magkarelasyon.
Umalis na ako sa bahay. Habang naglalakad ay kinuha ko ang earphone ko at pinatugtog ang playlist ko na KDrama OST. Sorry na, masyado kasi akong nahumaling ngayon sa KDrama. Susunod na rin ang pagkahumaling ko sa mga Chinese Drama.
Nakalagay ang dslr sa bag ko, nakakatakot kayang maglakad na may dala kang mamahaling gamit. Hindi rin naman sa akin ang dslr kaya kailangan kong ingatan. Ayokong bumili ng dslr para lang ipampalit sa nanakaw sa akin na dslr na hindi naman sa akin.
Pagkadating ko sa school ay nilista ko muna ang dslr na dala at pumasok na.
Kinakabahan ako.
Hindi ako kinakabahan dahil sa kukuha ako ng litrato kundi hindi ako proud sa suot ko. Iniisip ko kasi na makikita ako ni Zackary ngayong araw parang gusto ko na lang na dumertso papuntnang Bulacan.
![](https://img.wattpad.com/cover/227472725-288-k793808.jpg)
BINABASA MO ANG
Lost in Love (Book 1 of Love)
RastgeleMay pag-ibig talagang dumarating kahit na hindi naman dapat. Parang 'yung pagmamahal ng bida sa lalaki.