Chapter 16

36 2 2
                                    

Irah Beatrix POV

"OH MY GAS, GIRL!" nagtititili kong sambit kina Nicoleen at Mikaela.

"Sabi sa iyo, masaya si Beatrix na bubungad sa atin ngayong araw" natatawang sambit ni Nicoleen.

Inilapag ko ang bag ko at nilabas ko 'yung file case ko tapos ay pinakita ko sa kanilang dalawa. "Ang gwapo talaga ni Eric Nam" kinikilig kong sambit.

Idinikit ko kasi sa file case ko 'yung banner ni Eric Nam. Buti na nga lang kulay white ang file case ko dahil kitang-kita ang mukha ni Eric Nam.

Sino ba naman kasi ang hindi kikiligin sa nangyari kasi kahit na GA lang 'yung kinuha ko ay parang abot kamay ko lang si nung Friday.

"Alam mo ba parang nasa heaven ako nung Friday!" nagtititili kong sambit.

Nandito na kami sa classroom namin at nagagawa ko pang tumili dahil kaming tatlo pa lang ang nandito kaya malaya akong magligalig ngayong oras. Maaga kasi kaming pumasok para magkwentuhan.

Kahit na hindi sila interesado sa kwento ko ay iku-kwento ko pa rin dahil hindi ko makakayanang hindi i-share sa kanila ang experience ko nung Friday.

"Dahil nakakita ka ng anghel?" natatawang tanong ni Mikaela.

"Hindi lang siya anghel dahil isa siyang gwapong anghel na nasa stage at kumakanta. Ang boses niya ay parang lullaby sa akin" iniyakap ko ang file case ko. "Kakaiba talaga feeling kapag nakita mo 'yung dating pinapanood mo lang sa screen"

"Halos maubusan ako ng boses kakatili at kakasabay sa pagkanta ni Eric Nam" napasalampak ako sa sahig. "Tapos sumabay din kaming mga fans niya sa pagkanta ng Pag-Ibig Na Kaya Korean Version! Ang hot niya talagang kumanta"

Iba talaga sa pakiramdam 'yung makita mo 'yung taong nagbibigay ngiti sa iyong mga labi.

"May naging kaibigan ka naman?"

"Oo, 'te girl!" inilabas ko ang cellphone ko. "Ang kapal pa nga ngmukha ko kasi inaaya ko si Ate na kumain kami habang naghihintay" natatawa kong sambit.

"Friendly ka?" natatawang sabi ni Nicoleen sa akin.

"Oo, friendly ako"

"Literal na tinakbuhan mo si Zackary"

Biglang naglaho 'yung kasiyahan ko nung narinig ko ang pangalan na iyon.

"Gustong-gusto ka niyang ihatid nung Friday tapos ikaw itong tinakbuhan siya na akala mo may sakit na nakakahawa 'yung tao"

"Sabi ko nga gusto ko muna siyang layuan. Ngayon pa nga lang lunod na lunod na ako sa kaniya, paano pa kaya sa mga darating na araw?"

"Nagmo-move-on ka na ba sa kaniya?"

"Parang ganon na nga" napasinghap naman 'yung dalawa kong kaibigan. "I don't have a reason to stay, the only reason for me is to let him go"

"Hindi mo sasabihin sa kaniya bago ka mag-move-on?" pangungumbinsi ni Mikaela.

"Ayoko lang lalong saktan ang puso ko dahil lang sa pagmamahal ko ng sobra sa kaniya"

"Hindi ka pa ba nasasaktan ngayon?"

"Nasasaktan pero kaya ko pa naman indahin 'yung sakit ngayon"

Kayang-kaya ko pa naman itago ang sakit na nararamdaman ko ngayon. Alam ko naman na hindi madali ang magmahal ng palihim mas lalo na sa taong kaibigan lang ang turing sa iyo.

"Ikaw bahala pero nandito lang kami sa tabi mo kung kailangan mo ng karamay"

Ngumiti ako sa kanilang dalawa.

Lost in Love (Book 1 of Love)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon