Chapter 2

76 5 2
                                    

Irah Beatrix POV

Nakabusangot ako dahil wala akong kasama kumain. Si Jefferson kasi ay pinuntahan na naman niya ang crush niya kaya hinayaan ko na kasi mukhang pumuporma siya. Ayoko namang ipagkait sa kaniya iyon kaya pinalayas ko na siya.

Nakita ko naman ang bise namin na kasalukuyang nag-aayos ng gamit niya. Napapansin ko kasi na wala siya masyadong kinakausap dito sa classroom saka tahimik lang talaga siya.

Hindi ako nagdalawang isip na lapitan siya. Napatigil naman siya sa pag-aayos niya ng gamit niya at nag-angat ng tingin. Ngumiti naman ako para maibsan ko ang hiyang nararamdaman ko. "Mikaela May, right?" tumango naman siya sa tanong ko. "Irah Beatrix" inilahad ko ang kamay ko na tinaggap naman niya.

"It is okay lang ba na sumabay ako kumain sayo?" I tossed my finger in my foot.

Nakahinga naman ako ng maluwag ng tumango siya. "Thank you talaga girl" masaya kong sambit saka ako bumalik sa upuan ko para kunin ang bag ko.

Pagkalapit ko sa kaniya ay lumabas na siya ng room.

"Saan ka pala kumakain?" tanong ko sa kaniya.

Actually sa tatlong buwan na kami magkasama ay ngayon ko lang siya nakausap. Hindi ko nga alam bakit ngayon ko lang siya nakausap. Siguro ay nahihiya rin ako makipag-usap sa kaniya.

Kasi piling ko sa kaniya na ang taas-taas niya. Ang hirap niyang abutin, parang ganon ang tingin ko sa kaniya. Hindi ko pa nga siya nakikitang nakangiti sa classroom namin. Siguro ngumingiti naman siya baka hindi ko lang napapansin talaga.

"Sa may labas pa ako kumakain kasi hindi ko gusto mga pagkain dito" lumingon lang siya saglit at ibinalik na ang tingin sa daanan. "Okay lang ba sa iyo?" tanong niya sa akin.

Ngumiti naman ako. Piling ko isa siya sa magiging close ko, feel ko na magiging swak kaming dalawa.

Tumango naman ako sa tanong niya. "Oo naman, okay lang sa 'kin na kumain tayo sa labas" nakangiti kong sambit sa kaniya. "Saka parehas tayo na hindi ko rin gusto mga pagkain dito sa loob" natatawa kong sambit.

Hindi kasi ako nakabili ng pagkain ko kanina bago pumasok dahil late akong nagising kaya wala na akong oras para bumili pa. Buti na nga lang talaga ay malapit lang ang bahay ko rito sa school kaya hindi ko kailangan magmadali.

Sinusundan ko lang siya, nahihiya kasi akong magtanong kung saan banda siya kumakain. Hindi naman ako mapili sa mga lugar na kakainan, mapili lang ako sa ulam. Hindi kasi ako kumakain ng mga gulay, I mean karamihan sa gulay ay hindi ko kinakain. Ang kinakain ko nga lang na gulay ay ang kalabasa at ang carrot lang. Kaso minsan, kapag ayon ang ulam namin ay hindi ko trip kumain kasi ayoko lang. Kaya nga inis na inis sa akin ang Mama ko sa tuwing kumakain kami.

Huminto naman siya sa paglalakad kaya tumigil ako. "Dito ako kumakain" itinuro niya ang katapat na kainan.
"Mukhang masarap ah" sambit ko habang nakatingin sa kainan.

Ang dami kasing tao saka dagsa rin ng mga estudyante. Siguro student budget meal kaya marami rin ang kumakain dito.

"Oo, masarap din naman dito" sagot niya sa taong ko.

Pumila na kami para makapag-order. Tumingin naman ako sa estante at nakita ko ang mga putahe na mayroon. Nagningning naman ang aking mata ng makakita ako ng dinakdakan.

"Ilan daw ang kanin mo?" tanong sa akin ni Mikaela.

"Ay, isa't kalahati po" nahihiya kong sagot.

"Isa't kalahati, ano'ng ulam nito?" tanong nung tindera.

"Dinakdakan po" nakangiti kong sagot ko.

Paborito ko kasi ang dinakdakan. Ayan nga ang ulam ko tuwing gabi, hindi naman ako nagsasawang ulamin iyan.

Lost in Love (Book 1 of Love)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon