Chapter 5

51 4 2
                                    

Irah Beatrix POV

Excited na excited na ako umuwi dahil manonood nga raw kami ni Zackary.

Hinihintay ko na lang dumating si Zackary dahil umalis siya para samahan ang kaniyang kaibigan. Sabi niya hintayin ko siya kaya hinihintay ko siya ngayon.

Kumaway ako nung nakita ko ang isa sa mga close ko sa room namin.

"Bakit hindi ka pa umuuwi?"

Umupo naman si Sam sa tabi ko.
"Hinihintay ko si Zackary" ngumiti ako. "Manonood kasi kami ng movie. Gusto mo sumama sa amin?" aya ko sa kaniya.

Kahit na matagal na kaming magkakilala ni Sam nagkaroon ng pagkakataon na makapag-usap na hindi related sa school.

"Maganda ba palabas?"

Napa-isip naman ako.

"Ang alam ko, oo" alanganin kong sagot.

Hindi ko naman kasi sigurado kung tungkol saan ba ang palabas. Nabasa ko lang kasi ang review na maganda naman daw ang palabas.

"Sige, pag-isipan ko muna" ngumiti naman ako sa sagot niya.

Tumango-tango naman ako.

Makalipas ang ilang minuto nakita ko ang isa sa mga kaklase namin na lalaki. Kumaway naman siya sa akin nung nakita niya ako at lumapit siya sa akin.

"Hindi ka pa uuwi?"

Umiling ako. "Hindi pa, sasama kasi ako kay Zackary ngayon. Manonood kami ng palabas" kinalabit ko naman siya. "Gusto mong sumama sa amin?" tanong ko naman sa kaniya.

"Aalis muna ako, kapag bumalik ako tapos nandito pa kayo" tumango-tango naman siya. "Sige, sasama ako sa inyo"

"Paano kapag hinintay ka talaga ka namin?" natatawa kong tanong.

Hinampas naman niya ako na para bang kinikilig sa narinig niya. "Pinakikilig mo naman ako.

Tinaasan ko naman siya ng kilay.
"Alam mo Jude, huwag kang ambisosya" naiinis na sambit ni Sam.

Hinawakan naman ni Jude ang dibdib niya na parang nasasaktan.

"Grabe ka naman sa akin, Sam" tila umiiyak na sambit niya.

Umiiling ako habang naka-ngisi. Kapag talaga sa kalokohan ang sarap niyang asarin.

"Umalis ka na, kahit huwag ka na bumalik dito" pangtataboy ni Sam kay Jude.

Natatawang umalis naman si Jude sa tabi namin.

"Kahit kailan talaga iyon" natatawang sambit ni Sam.

Tinignan naman naming dalawa si Jude na ngayon ay may kausap na kaibigan niya.

"Pero, ang sarap pa rin maging kaibigan ni Jude" tumango naman si Sam dahil sa sinabi ko.

Kahit na kaunti lang kasi ang lalaki sa room namin ay talagang magiging close mo sila. Hindi sila 'yung namimili ng kinakaibigan nila dahil parang halos lahat naman ata ng lalaki naming sa room ay close naming. Makikita mo talaga na sa kaming pamilya.

Pwera na nga lang kapag kailangan naming magdesisyon sa isang bagay. Doon talaga hindi mo malalaman kung ano ba ang gusto ng marami. Syempre, ang laging nananalo ay kung ano ang mas convenient para sa aming lahat.

Nakita ko naman ang papalapit na bulto ni Zackary.

"Wait lang, Señorita" paghingi niya ng paumanhin. "Hindi ko kasi alam kung kanino koi to ibibigay" nakita ko naman ang hawak niyang mga costume.

"Okay lang iyon" naka-ngiti kong sambit at tinuro ko si Sam. "May kasama naman ako kaya okay lang"
Tinignan naman ni Zackary si Sam.
"Sasama ka sa amin?"

Lost in Love (Book 1 of Love)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon