Chapter 20

52 4 2
                                    

Irah Beatrix POV

Nakapag-inat ako nung natapos ko na ang final exam namin. Naamoy ko na ang nalalapit na bakasyon namin! At mas lalo kong naramdaman na makakapagpahinga ang napapagod kong puso dahil sa mga nangyari nitong nakaraan.

Muli ko munang tinignan ang test paper ko baka kasi mamaya may nakaligtaan ulit ako katulad na lamang nung mga nakaraan kong exam na ang dami kong nalagpasan. Nang natapos na ako sa pagtingin ay tumayo ako at ipinasa ko ang test paper ko sa nagbabantay sa amin habang may ngiting nakasupil sa aking mga labi.

Masaya lang ako kasi finally ay makakalayo muna ako sa taong nanakit sa akin ng sobra. Kahit hindi niya talaga intention na saktan ako ay nasasaktan ako.

Ito na lang kasi talaga ang hinihintay ko ay 'yung mapagpahinga at hindi siya makita para lang maayos ko ang sarili ko. Ang lumayo at magpakalayo sa kaniya, baka kasi sakaling sa paglayo ko ay makalimutan ko siya.

Bumalik na ako sa upuan ko. Bawal pa kasi kaming lumabas hangga't hindi pa natatapos ang lahat na sumagot. Kaya pinili kong yumuko na lang para matulog kaysa tignan ko ang mga kaklse ko na busy pa sa pagsagot ng kanilang test paper.

Naalimpungatan ako nung may naramdaman akong kumakalabit sa akin kaya inangat ko ang ulo ko para makita kung sino ang gumigising sa akin. Ngumiti ako ng alanganin nung nakita kong gumigising sa akin ay si Jefferson.

"Ginising lang kita baka kasi dito ka na abutan ng umaga" natatawa niyang biro sa akin.

Tumayo ako at nag-inat. "Ang sarap matulog, sa tagal-tagal ko nang nakakatulog ngayon ko na lang ulit naramdaman ang ginhawa" inaantok ko na sabi na ikinailing niya.

Iginala ko ang tingin ko at nakita ko na iilan na lang pala kami na nandito sa classroom. Wala sila Mikaela at Nicoleen pero nakita ko ang kanilang bag na nasa upuan pa rin nila.

"Nasaan sila Mikaela at Nicoleen?" nagkibit-balikat si Jefferson sa tanong ko.

"Baka pumunta lang sa comfort room" balewala niyang sagot.
Tumango lang ako.

"Oh, siya" tinapik niya ako sa balikat. "Mauuna na ako, may pasok pa ako sa trabaho mamayang hapon eh" sambit niya.

"Oh, sige. Ingat ka" tanging sambit ko.
Nilisan na niya ang silid namin at ako ay hinintay ko na lang sila Mikaela rito sa classroom. Napagdesisyunan ko na namaupo na lang muna habang hinihintay ko silang bumalik.

"Señorita" naramdaman ko ang tibok ng puso ko na biglang bumilis dahil sa boses na iyon.

Hindi ko pinansin iyon kasi alam ko na hindi lang ako nag-iisang Binibini na nandito sa classroom baka kasi mamaya iba pala ang tinatawag nito. Ayokong mag-assume kasi masasaktan-nasasaktan na nga pala ako. Nanahimik lang ako habang nakatingin sa lapag.

May naramdaman ako na may nag-urong ng upuan palapit sa akin at naupo ang tao na nag-urong ng upuan. "Señorita" mahinang tawag niya sa akin kaya tinignan ko ang taong mahal ko. "Sama ka sa amin ni Mikaela" kumunot ang noo ko sa sinabi niya. "Nagpapasama kasi ako sa kaniya, may pupuntahan akong lugar sa Quezon City" aniya habang nakatingin sa akin.

Ngayon ko lang napagtanto na kapag tinitignan ko ang mga mata niya parang may nararamdaman akong lungkot. Hindi ko muna siya sinagot bagkus ay pinakatitigan ko muna ang mga mata niya na may lungkot at sakit. Sa ilang buwan ko na siyang nakilala, hindi ko pa siya nakikitang umiiyak.

Kinalabit niya ang kamay ko. "Dali na kasi mukang ito na ang huling aya ko sa iyo na gumala" pangungumbinsi niya sa akin.

Gustong-gusto kong sumama pero hindi pwede. Kaya umiling ako. "Hindi na, mas gusto kong umuwi sa bahay" ngumiti ako ng pilit sa kaniya. "May tinatapos kasi akong gawain sa bahay" pagdadahilan ko sa kaniya.

Lost in Love (Book 1 of Love)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon