Chapter 13

44 3 0
                                    

Irah Beatrix POV

"Ako lang ba o talagang iniiwasan mo si Zackary?"

"Iniiwasan ko talaga si Zackary"

Kasalukuyan kaming nagre-rereview para sa finals namin ngayon. Ito na na ang last day namin at Christmas break na namin.

Maaga pa lang ay pumasok na kaming dalawa ni Mikaela para mag-review sa dalawang major namin na ngayon ang finals. Kaso nga lang itong si Mikaela ay gusto akong tanungin about nga sa pag-iwas ko kay Zackary.

"Mamaya na lang natin siya pag-usapan. Ang kailangan natin ngayon ay mag-review. Natatakot akong bumagsak sa cataloging natin"

Cataloging talaga ang kinababahala ko dahil natatakot ako na baka bumagsak ako dahil hindi naman kataasan ang mga score ko nung may pa-quiz si Ma'am sa amin. Kapag kasi nagpapa-quiz si Ma'am ay laging malinis ang papel ko. Akala mo nga hindi ko nagamit sa sobrang linis.

Naguguluhan ako sa mga tags.

"Sige, pagbibigyan kita ngayon na huwag muna magkwenyo pero mamaya kailangan mong sabihin sa akin ang lahat"

"Oo na po, Madame"

"Nasaan na kaya si Nicoleen? Ang sabi niya malapit na raw siya diba?" pagbabago ko sa usapan namin.

Ang sabi niya kasi sa amin kanina nung nag-chat ako ay nasa Recto na raw siya. Hindi naman masyadong malayo ang Recto rito sa Taft at maaga pa masyado para magkaroon ng traffic.

Kinuha ni Mikaela ang cellphone niya. Natawa bigla si Mikaela habang nakatingin siya sa kaniyang cellphone.

"Nakatulog daw siya kanina tapos ayon, umabot siya ng PWU" natatawang kwento ni Mikaela.

"Ang hirap pala talaga kapag malayo ang tinitrhan 'no?"

Ako kasi sa may Intramuros lang ako naka-tira at walking distance lang ako kaya hindi ko kailangan mamroblema sa byahe. Ang pinoproblema ko na lang ay 'yung mabagal kong kilos.

"Nasa catwalk na raw siya"

Sabay kaming timingin ni Mikaela sa may lobby. Nakita namin si Nicoleen at nakasuot pa siya ng earphone niya.

Pagkapasok niya ng Library ay tumingin agad siya sa second floor at tila hinahanap kami. Nung nakita niya kami ay tumawa ito bigla.

"Asarin natin mamaya" tumango si Mikaela bilang pagsang-ayon sa suggestion ko.

Pagkatapos niyang mag-log-in ay dali-daling nagpunta sa hagdan. Pagka-akyat niya ay nag-peace sign muna ito saka umikot na akala mo nasa beauty pageant ito.

"Hindi ko alam na na-iba na pala ang pinapasukan mong school" pagbibiro kong sambit sa kaniya.

"Baka lumipat na siya hindi lang siya na-inform" pang-aasar ni Mikaela kay Nicoleen.

Humaba ang nguso ni Nicoleen at umupo siya sa bakanteng upuan na malapit sa aming dalawa ni Mikaela. "Hindi ko naman napansin na nakatulog ako" pangangatwiran ni Nicoleen.

"Baka naman kasi pogi 'yung nakatabi mo sa bus kaya nakatulog ka o kaya baka nagpanggap kang natutulog sa hanggang nakatulog ka talaga ng tuluyan"

"Oo nga, kung si Yeng ay may Jeepney Love Story. Ikaw naman ay may Bus Love Story" sinamaan ako ng tingin ni Nicoleen nung narinig niya ang sinabi ko.

"Alam niyo, mag-aral na lang tayo" inilabas niya 'yung reviewer niya. "Kabisado niyo na ba 'yung Second Level of Description of AACR2?"

Tumango kaming dalawa ni Mikaela.

"Ayon ang una kong kinabisado dahil 20 points daw iyon ulit. Ayoko maging betlog ang score ko" natatawa kong sambit. "Kahit na sa Second Level of Description of AACR2 na lang ako bumawi"

Lost in Love (Book 1 of Love)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon