Chapter 1

160 6 2
                                    

Irah Beatrix POV

Naglalaro ako ng mobile legends habang breaktime namin. Wala naman kaming gagawin kaya naman na okay lang na maglaro muna. Minsan lang naman ako maglaro nito kaya sinusulit ko kapag may oras ako.

"Naglalaro ka na naman" nag-angat ako ng tingin. "Parang kanina ka pa dyan ah" sinilip naman niya ang cellphone ko. "Hindi ka pa ba tapos?" tanong niya sa akin.

Umiling ako. "Hindi pa nga eh. Gusto ko na ngang mag-out eh" ungot kong sabi. "Kaso ayoko naman na mabawasan ng star kaya tinuloy ko na lang" irita kong sabi.

"Ikaw" turo ko sa kaniya. "Himala hindi mo hawak ang phone mo ngayon, brother" sambit ko nung nakita ko na wala siyang phone na hawak. "Nakacharge ano?" tanong ko.

Tumango naman siya. "Yup" naupo siya sa tabi ko. "Kaya manggugulo ako sa iyo" sabi niya.

Ibinigay ko ang phone ko sa kaniya. "Si Miya 'yung hero ko kaya laruin mo. Kanina ko pa gustong tumayo" tinaggap naman niya ang phone ko at nilaro na nga ang game.

Tumayo ako sa kinauupuan ko at nag-inat. Kanina ko pa gustong gumalaw kaso ayoko namang matalo ang laro ko. Buti na lang talaga nandito itong kaibigan ko na taga-rescue ko kapag kailangan ko.

"Cr lang ako" paalam ko sa kaniya.

Huwag kayong mag-assume na may relasyon kaming dalawa dahil sadyang magkaibigan lang kaming dalawa. Hindi na hihigit pa sa pagkakaibigan ang relasyon namin kaya kumalma lang kayo.

Tumango naman siya. "Kahit tagalan mo pa" umiling naman ako sa sinabi niya.

Nag-excuse naman ako para makadaan. Umalis na ako sa pwesto namin at naglakad na ako palabas ng room. Pagkahawak ko pa lang sa door knob ay bumukas na ang pinto kaya naman tumama ang noo ko sa hamba ng pintuan.

"Ay, pasensya na Señorita" paghingi ng pasensya nung taong nagbukas ng pinto.

Imbes na magalit ako sa kaniya ay hindi ko nagawa. Hindi ko alam kung ano bang mayroon itong lalaki na ito bakit hindi ko magawang magalit sa kaniya.

"Okay lang iyon" ngumiti ako sa kaniya. "Wala lang ito" hinimas ko ang noo ko habang nagsasalita.

Hinawakan niya ang kamay ko na humihimas sa noo ko. Natulos naman ako sa kinatatayuan ko habang nakatingin sa kamay niyang hanggang ngayon ay nakahawak pa rin sa kamay ko.

"Namumula" sabi niya habang tinitignan ang noo ko.

Umurong naman ako. "Mamumula talaga iyan, tumama eh" kinakabahan kong sabi. "Sige, punta lang ako cr" nag giveway naman si Zackary para makadaan ako.

Lumunok ako nung naramdaman kong parang nanunuyo ang lalamunan ko. Ang tagal ko na itong nararamdaman pero bakit hindi pa rin ito mawala?

Pagkapasok ko ng cr ay tinignan ko ang sarili ko sa salamin. "Hindi mo yata kayang pigilan" mahina kong usal habang nakatingin sa sarili ko. "Matagal mo na itong nararamdaman pero hindi pa rin nawawala" inis kong sabi.

Wala akong pinagsasabihan ng nararamdaman ko kahit na ang taong isang pinaka-close ko sa room ay hindi ko sinabihan. Kasi akala ko ay paghanga lang itong nararamdaman ko sa kaniya pero hindi pala.

Napagpasyahan kong bumalik na rin sa classroom. Pagbukas ko ng pinto ay nakita kong magkatabi si Jefferson at Zackary habang nakatingin sa cellphone ko. Mukhang napansin nila ang presensya ko dahil sabay silang nag-angat ng tingin. Kahit na kinakabahan ako dahil sa paninitig nila–ni Zacakry lang pala ay naiilang ako.

"Marunong ka pala maglaro ng ml" namamangha niyang sabi sa akin.

Tumango ako tsaka umupo. "Oo naman, pampalipas oras ko lang" sagot ko sa kaniya.

Lost in Love (Book 1 of Love)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon