Chapter 19

45 2 5
                                    

Irah Beatrix POV

Magkakatabi kaming nakaupo nila Mikaela at Nicoleen.

Umalis ako sa upuan ko dahil nandoon si Zackary kaya pinili ko na tumabi sa mga kaibigan ko. Hindi ko nga alam kung sinasadya ba ni Zackary na tumabi sa akin o sadyang wala lang talaga siyang maupuan.

Buti na nga lang talaga hindi niya napapansin na iniiwasan ko na siya. Hanggat maaari hindi ko kinakausap si Zackary pero kapag naman kailangan talaga naming mag-usap mas lalo na't kakausapin niya ako tungkol sa acads o kaya sa mga events na kailangan nila ng kukuha ng litrato. Kailangan ko siyang kausapin.

Nilulugar ko rin naman ang nararamdaman ko sa kaniya kaso nga lang hindi ko kayang pigilan ang sakit na nararamdaman ko sa kaniya.

"Okay ka lang ba talaga?" tanong ni Nicoleen.

"Oo naman" ngumiti ako.

Nakita kasi namin si Zackary na kasama 'yung babaeng English Major.

Ang sweet lang kasi nilang tignan kanina mas lalo na't naka-patong ang ulo nung babae sa balikat ni Zackary tapos kinakantahan pa ni Zackary iyong babae.

"Huwag kayong mag-alala dahil wala na tayong magagawa. Nandyan na, hayaan na lang natin"

"Hahayaan mo kahit na nasasaktan ka na?"

"Hindi ba, ganon naman talaga dapat? Kailangan ko lang maki-go with the flow dahil hindi ko naman pwedeng sabihan si Zackary na huwag niya akong saktan kasi hindi naman niya rin alam ang nararamdaman ko"

"Kapag nagmahal ka dapat handa kang masaktan. Ganon naman diba sa buhay? Hindi naman puro saya, may lungkot din naman tayong nadarama" sambit ko sa kaniya.

"Mali bang nagmahal ako?" malungkot kong tanong sa kanilang dalawa.

Grabe ako maka-emote ngayong araw. Hindi lang pala ngayong araw dahil ilang beses na akong nagmumukmok dahil nga sa sakit na nararamdaman ko kay Zackary.

"Hindi mali na nagmahal ka. Ang mali lang ay 'yung taong minahal mo" naramdaman kong nawarak ang puso ko dahil sa sinabi ni Nicoleen.

"Grabe ka manakit"

"Huwag mong sabihin na mali na nagmahal ka dahil kahit kailan hindi mali na nagmahal ka. Ang tanging mali lang ay 'yung taong minahal mo"

"Nagpapasalamat talaga ako na hindi kayo masyadong nagkaka-usap ni Zackary kapag nasa iisang room lang kayong dalawa kasi hindi niya nahahalata na iniiwasan mo siya"

"Hindi naman niya mahahalata iyon dahil hindi naman sila masyadong close"

"Ayon nga pinagtataka ko sa kaniya" inginuso ako ni Nicoleen. "Ano ba kasi ang nagustuhan mo talaga sa kaniya?"

"Siya kasi 'yung kauna-unahang lalaking nagparamdam sa akin na hindi mo kailangan ng kahit na ano sa mundo para lang sumaya" ngumiti ako. "Siya ang unang lalaking nagbigay ng kaligayahan sa akin pero siya rin ang lalaking nagbigay ng sugat sa puso ko"

"Umuwi ka na baka mamaya masaktan ka pa lalo ngayon" suggestion ni Mikaela.

"Kahit umuwi ako ngayon ay mararamdaman ko ang lungkot dahil mag-isa lang ako"

"Magsulat ka" suggestion ni Nicoleen. "Doon mo ituon ang atensyon mo. Maganda ka namang magsulat at ramdam na ramdam ang sakit"

"Sige, pero ayoko munang gawin. Baka mag-aya na lang ako uminom"

"Huwag hard drinks ah"

"Tignan natin" ngumisi ako sa kanila.

Tumayo na ako at lumabas na ng room.

Lost in Love (Book 1 of Love)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon