Chapter 8

61 4 3
                                    

Irah Beatrix POV

Nagtititili ako nung nakita ko sa newsfeed ko ang concert ng isang soloist Singer na gusto ko.

Tinignan ko ang paligid ko. Mabuti na lang at wala pa masyadong tao dahil maaga akong nakarating ngayon dito sa school.

"Mukhang masaya ka ah" nag-angat ako ng tingin at nakita ko ang isa kong kaklase na fangirl din.

Pinakita ko sa kaniya ang screen ng cellphone ko. "Pupunta si Eric Nam dito sa Pilipinas next year!" sobrang saya kong banggit sa kaniya.

Ilang taon ko na rin kasing iniidolo si Eric Nam. Una ko siyang napanood nung nag Host siya sa We Got Married. Sa hanggang isa na rin siya sa mga naging Husband at naka-partner niya roon si Solar ng Mamamoo.

"Oy, pupunta siya!" tiling sambit niya.

Tumango-tango ako sa kaniya. "Oo, gusto kong pumunta!" parang baliw kong sambit sa kaniya.

"Pambawi mo dahil hindi ka nakapunta sa concert ni IU?" nang-aasar niyang sambit sa akin.

Pinanliitan ko siya ng mata.

Alam niya kasi na hindi ako naka-habol sa pagbili ng ticket dahil pagdating ko pa lang sa SM mahaba na ang pila at naubusan na rin ako kaya kahit na masakit sa dibdib ay tinggap ko na lang na hindi ako makakapunta.

"Inaasar na naman ako, Kayla" angil ko sa kaniya.

Tinawanan niya ako. "Sige na, pogi naman 'yung pupuntahan mo kaya hindi ka na talo roon" ibinalik niya sa harap ko ang screen ng cellphone ko. "Bumili ka na ng ticket para hindi mawalan ng ticket" excited niyang sambit sa akin.

Kaya naman kinalikot ko na ang cellphone ko para makabili na ako ng ticket.

Pagkita ko sa venue ng concert ni Eric Nam ay pinili ko na lang ang GA dahil maliit lang naman ang lugar at sigurado akong makikita pa rin siya. Kailangan kong maging practical sa bagay, hindi pwedeng ibigay ko lahat. Saka marami pa kaming pagkakagastusan kaya kailangan kong maging matipid.

Matipid pala iyong gagastos ka ng 2,700 para makita mo Idol mo? Nang-aasar na sambit ko sa sarili ko.

Nang matapos ko nang ma-place ang ticket ay may nag-email na sa aking personal email account.

And my inner me is screaming right now!

"Bakit todo ngiti ka na ngayon?" takang tanong ni Kayla sa akin.

Tinaasan ko siya ng kilay at may ngiti pa sa aking labi nung pinakita ko sa kaniya ang screen ng cellphone ko. "Sorry girl, magkikita na kami ng jowa ko" kinikilig kong sambit.

Ikaw ba naman na dati nakikita mo lang siya sa screen ng cellphone at laptop mo tapos ngayon makikita mo siya sa personal. Sinong hindi kikiligin doon? Wala!

"May pasok tayo nyan. Paano iyan?"

"Edi, deretso ako uwi sa bahay tapos magpapalit ng damit" masayang sambit ko. "Saka malakas pakiramdam ko na maaga tayo makakauwi ng araw na iyon"

Dumating na ang iba naming mga kaklase at naupo rin sila sa bench na inuupuan namin.

"Oy, Trix nakita ko na nag-going ka sa isang concert"

Tumango ako. "Oo, alam niyo na kailangan kong magpaka-fangirl mode para lang sipaging mag-aral" binuntunan ko pa iyon ng tawa.

"Ano iyang pinagkakaguluhan niyo?" tumigil kami sa pagbibiruan nung narinig namin ang boses na iyon.

Nakita namin si Zackary na naka-suot ng black cap na may Adidas na tatak.

"Mukang pogi ang pinag-uusapan niyo" bigla na lamang umupo sa may tabi ko si Zackary.

Lost in Love (Book 1 of Love)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon