Irah Beatrix POV
"Parang nung kailan lang kapapasok lang natin ng 3rd term tapos ngayon nasa kalahati na tayo ng 3rd term"
At parang kailan lang din nung nasaktan ako dahil kay Zackary.
"Kinakabahan ako sa cataloging 2 natin"
"Bakit ka naman kinakabahan?"
"Eh, hindi naman na ipapasulat sa atin ni Ma'am 'yung Second Level of Description of AACR2" natatawa kong sambit.
Pagmagkakasama kaming tatlo nila Mikaela at Nicoleen nakakalimutan kong nasa paligid lang pala 'yung taong nanakit sa akin.
"Sa Development ba, nirebyu niyo lahat ng lesson?"
"Oo, baka kasi mamaya may isali si Ma'am na wala sa binigay niyang pointers to review"
"Eh, ikaw ba ano ang nirebyu mo maliban sa pag-move-on mo kay Zackary?"
Hindi ko inaasahan na sasabihin ni Nicoleen iyon kaya na hampas ko siya ng malakas.
"Tigil-tigilan niyo na nga ako. Hindi kayo nakakatulong sa pag-move-on ko eh"
"Sayang wala na tuloy kaming pag-uusapan ni Nicoleen kapag naaasar kayong dalawa ni Brother Jefferson mo"
"Ah. So, kaya pala tinitignan niyo 'yung gawi namin dahil pinag-uusapan niyo kami"
"Oo. Sabi ko nga kay Nicoleen, kung alam lang talaga nila kung sino ang gusto mo baka hindi ka na nila asarin"
"Nakakatawa lang na sa iba ka naasar at doon pa sa taong hindi mo naman talaga gusto" natatawang sambit ni Nicoleen.
"Paano tayo makakapg-rebyu kung aasarin niyo lang ako?" iritado kong tanong sa kanila.
Simula kasi nung sinabi ko sa kanila na kailangan ko ng mag-move-on kay Zackary ay wala na silang ibang ginawa kundi ang pag-usapan ako at si Zackary.
Wala namang masama kung tulungan ko ang sarili ko na kalimutan si Zackary diba? Kaysa naman umiyak ako dahil lang sa nakikita ko siyang may kasamang iba at mas masaya pa siya roon.
"Hindi mo makakalimutan si Zackary kung hindi mo sasabihin sa kaniya ang nararamdaman mo"
Umiling ako. "Makakalimutan ko siya" bumuntong hininga ako. "Nagawa ko nga sa mga una kong minahal at sa isang matagal kong naging crush. Hindi ko sa kanila sinabi na may gusto ako sa kanila. Nung nalaman ko lang na may nagpapasaya na pala sa kanila ay pinilit ko ang sarili ko na kalimutan sila"
"Iba naman ang sitwasyon ngayon, Beatrix"
"Hindi, parehas lang naman ang naging sitwasyon eh. Nasasaktan lang din ako dahil sa pagmamahal. Hindi ba pwedeng tulungan ko ang sarili kong maka-ahon sa pagkalunod ko sa pagmamahal ko kay Zackary?"
“Mas makakatulong sa iyo kung sasabihin mo sa kaniya ang nararamdaman mo dahil ikaw lang ang magiging kawawa" may himig na pagka-inis na sambit ni Mikaela.
"Hindi, nakayanan ko namang mag-move-on sa mga dati kong nagustuhan na hindi ko sinabi sa kanila ang nararamdaman ko"
"Alam mo, hindi ka totally makaka-move-on kapag hindi mo sinabi sa kaniya ang nararamdaman. Tignan mo ngayon, walang kaalam-alam si Zackary na iniiwasan mo na pala siya. Buti na lang hindi kayo masyadong nagkaka-usap sa classroom"
"Nicoleen, nasanay na ako na mag-move-on sa mga taong nagustuhan ko na hindi sinasabi sa kanila ang nararamdaman ko"
"Kasi, hindi naman malalim ang pagkagusto mo sa kanila at doon naman sa una mong minahal kaya ka mabilis naka-move-on dahil hindi naman kayo nagkaroon ng moments na kayo lang" bumuntong hininga si Nicoleen. "Unlike kay Zackary. Ang dami mong moments na nagawa kasama siya. Ang dami mong first experience na siya ang kasama mo sa bagay na iyon" hinawakan ni Nicoleen ang kamay ko. "Alam nating tatlo na mas malalim ang nararamdaman mo kay Zackary"
BINABASA MO ANG
Lost in Love (Book 1 of Love)
RandomMay pag-ibig talagang dumarating kahit na hindi naman dapat. Parang 'yung pagmamahal ng bida sa lalaki.