Irah Beatrix POV
"Ilang beses ka na niyang sinabihang sasamahan ka niya. Ayaw mo talaga?"
Naglalakad na kaming dalawa ni Mikaela papasok ng room.
"Ayoko talaga saka gusto ko muna siyang iwasan" sambit ko.
"Iwasan? Akala ko naman iiwasan mo lang siya ng isang araw. Ayon pala umabot na ng ilang linggo 'yung pag-iwas mo sa kaniya" hinawakan niya ako sa braso habang naglalakad kami. "Hindi ko napansin na iniiwasan mo siya" mahina niyang sambit.
"Kasi hindi naman kami masyadong close kaya hindi mo talaga mapapansin" pagpapaliwanag ko.
Hindi ko alam kung bakit ko na siya iniiwasan. May guts kasi ako na anomang arae ay darating na ang kinakatakot ko. Ayun ay ang masaktan ng sobra dahil kay Zackary.
"Dahil ba sa iniisip mo na hindi kayo pwede?"
Napahinto ako sa paglalakad.
"Hindi naman talaga kami pwede" ngumiti ako na may kirot sa akin dibdib. "Kasi para siyang galing langit habang ako naman ay nagmula sa lupa"
"Tigil-tigilan mo na pagbabasa mo sa wattpad" napapa-iling niyang sabi sa akin.
Umiling ako. "Hindi ko sinasabi iyon dahil ayon ang sikat sa wattpad" pakli ko sa kaniya. "Kasi ayon naman ang nararamdaman ko sa tuwing kasama ko siya. Alam mo iyong piling na sobrang taas ng tingin ko sa kaniya to the point na nakikita ko na sa kaniya si Sir Omil"
"Ano?" tanging sambit ni Mikaela.
"Napaka-taas kasi ng tingin ko kay Zackary at sinasabi ko na hindi kami pwede dahil alam ko sa sarili ko na hindi naman kami pwede" lalong tumindi ang kirot na naramdaman ng aking dibdib.
"Paano mo nasasabi iyan? Sa tingin mo sino ba ang deserving na tao para sa kaniya?"
Nakita ko si Zackary na kasama 'yung Melody na English Major. "Sila, bagay silang dalawa kung tutuusin" naramdmaan kong gumalaw si Mikaela. "Sila 'yung masasabi kong match made in heaven"
Lumapit sa aming dalawa ni Mikaela si Zackary. "Sasamahan kita mamaya ah" naka-ngiti niyang sambit sa akin.
Pasimple kong tinignan 'yung babae at nakita kong kumunot ang noo niya.
"You don't need to do that. Malaki na ako at kaya kong mag-isa saka kung problema mo na baka maligaw ako kaka-ikot kung saan banda iyong New Frontier Theater. Huwag kang mag-alala dahil mag-a-angkas ako"
Ilang beses na niya kasi akong kinukulit na sasamahan niya raw akong pumuntang Cubao mamaya.
"Mapapamahal ka pa roon. Mabubutas lang 'yung bulsa at mauubusan ng bigat iyang wallet mo, Señorita" nag-isang linya ang kaniyang labi.
"Hindi na nga" pangungulit ko sa kaniya. "Saka baka mamaya may iba ka pang lakad. Ayokong maka-abala sa iyo"
Ayokong may umaway sa akin sa Lunes dahil lang sa inagaw ko sa kaniya si Zackary.
"Wala, basta mamaya aayain ulit kita"
Umalis na silang dalawa dahil bigla siyang tinawag nung Melody.
"Matatanggihan mo pa kaya siya mamaya kapag inaya ka na niya?" tanong ni Mikaela.
"Oo naman, tignan mo mamaya. Hindi niya ako masasamahan"
Pagkarating namin sa lobby ay nandoon pa ang mga kaklase namin.
"Akala ko nandito na si Ma'am"
"Sabi ni Nicoleen ay baka ma-late si Ma'am ng dating dahil hindi raw maganda 'yung pakiramdam niya"
BINABASA MO ANG
Lost in Love (Book 1 of Love)
AcakMay pag-ibig talagang dumarating kahit na hindi naman dapat. Parang 'yung pagmamahal ng bida sa lalaki.