Irah Beatrix POV
BORED NA BORED NA AKO!
Wala kasing sinasabi sa amin ang Prof namin kung papasok ba siya ngayon. Kaya ito kami namumuti na ang mga mata habang naghihintay ng anino ng Prof namin ngayong araw.
Katabi ko si Jefferson na ngayon busy sa kaniyang nilalaro. Nakailang laro na nga ako ng ml ngayon, tumigil ako sa paglalaro dahil biglang bumagal ang connection namin. Kaya naman ngayon, tinitignan ko na lang ang kaklase ko na busy sa kanilang buhay.
Tumayo ako saka ko nilapitan si Mikaela na ngayon ay nagsusulat ng mga notes niya. Umupo ako sa tabi niya at tumigil naman siya sa ginagawa niya.
"Malapit na akong mabaliw" ungot kong sambit.
"Gusto mo bang bumili ng makakain?" tanong niya sa akin.
Umiling ako. "Gusto mo bang bumili? Samahan kita pero magdadala pa rin ako ng pera baka sakaling magbago isip ko eh" tumayo ako at nagpunta sa pwesto ko saka ko kinuha ang pera ko.
Pagkabalik ko kay Mikaela ay nakaayos na ang gamit niya, nakatayo na siya habang nakahawak sa door knob. Binuksan ni Mikaela ang pintuan at lumabas kami. Ako na ang nagsara ng pinto.
"Hagdan na lang tayo"
Tumango naman siya dahil sa sinabi ko.
Habang naglalakad kami ay hindi ko napigilan ang sarili ko na isipin kung kailan ko sasabihin sa kaniya ang tungkol kay Zackary.
"Alam mo bang may gusto akong sabihin sa iyo pero hindi ko alam kung paano at kailan ko sasabihin" sabi ko na ikinatigil naman ni Mikaela sa paglalakad.
"May gusto ka talaga kay Jefferson?"
Nanlaki naman ang mata ko sa sinabi niya at hindi ko na rin napigilang tumawa ng malakas dahil sa narinig ko. Napaupo pa ako sa sahig habang hawak ko ang tyan ko. Nang makabawi na ako sa pagtawa sinubukan kong tumayo at harapin siya. Pagkatingin ko pa lang sa kaniya bigla na naman akong natawa.
"Hindi ba iyon sasabihin mo?" nagtataka niyang tanong.
Umiling ako. "Hindi ka pa rin ba makalimot tungkol sa amin?" natatawa kong sambit sa kaniya.
Umiling-iling siya. "Akala ko kasi ayon ang gusto mong sabihin eh. Wala namab akong maisip na pwede mong ilihim sa akin"
"Sasabihin ko kapag handa na akong harapin ang takot ko"
Nagpatuloy na ulit kami sa paglalakad at bigla namang naningkit ang mata ko nung may nakita akong nagtatawanan sa may gilid ng fountain.
Kalma lang tayo heart. Hindi ka dapat masaktan.
"Si Zackary" nanlamig naman ako dahil sa pagbanggit ng pangalan niya. "Sa tingin mo ba, sila na nung babae?" tanong niya sa akin.
"Hindi ko alam" buti na lang hindi niya napansin ang panginginig sa boses ko.
"Lagi ko kasi silang nakikita na magkasama" gusto ko tuloy umiyak dahil sa sinabi niya.
Bigla akong nakaramdaman ng kirot sa puso ko.
Pa-simple kong tinignan si Zackary.
That should be me making you laugh, Zackary. But I know I can't make you laugh the way you laughed right now."Saka piling ko bagay naman sila ni girl" tukuyan ng nawarak ang puso ko.
Inalis ko ang tingin ko kina Zackary dahil nakita ko kung paano maging sweet silang dalawa. Ganito ba dapat kasakit kapag nagmamahal? Gusto kong hilahin si Zackary palayo sa babaeng kasama niya kaso wala naman akong dahilan para gawin iyon.
BINABASA MO ANG
Lost in Love (Book 1 of Love)
AcakMay pag-ibig talagang dumarating kahit na hindi naman dapat. Parang 'yung pagmamahal ng bida sa lalaki.