Enroll
Jamaica's POV
"Stable ang lagay ng babaeng sinapak mo."
Hinihilot ni papa ang sintido nya dahil sa stress.
Stress sa akin.
"Hindi naman ako ang nanguna eh,sya tong sumugod saakin dahil sinapak ko raw ang boyfriend---"
"Oh,see? Sinapak mo pati lalake. Explain!" napaatras ako sa sigaw ni papa.
"E-eh kase binastos nya a-ako." nakayuko kong tugon.
Ewan ko ba kung bakita ako ang sinisi nila,mga one sided kase eh.
Biglang nag-ring ang cellphone ni papa kaya lumayo muna sya.
Nakahinga ako ng maluwag dahil nawala ang kaba na nararamdaman ko. Nakakainis lang kase ibang tao pa ang kinakampihan ni papa.
Ako si Jamaica Mitch Macario,katutungtong lang nung nakaraang buwan ng disi-syete.
Isang buwan pa nga lang ako sa school na pinapasukan ko may nasapak na agad ako. Kasalanan naman nila yun.
Buti nga sa kanila.
Kung pwede ngang hilingin na mamatay na sila ginawa ko na,pero baka pati ako makulong.
Nasayang pa ang pagkain ko dahil bigla nya nalang ako'ng sinabunutan.
Napaayos ako ng upo ng bumalik si papa na kunot na kunot na ang mga noo.
"My secretary called me," bungad nya at umupo sa harapan ko habang hinihilot ang sintido nya. "Walang school ang gustong tumanggap sayo..."
"Walang school ang gustong tumanggap sayo!" Napa-pitlag ako sa sigaw ni papa.
Napalingon kami sa pintuan sa maid na nagmamadaling lumapit sa amin.
Nakahinga ako ng maluwag ng sinabi ng maid na may bisita.
Ligtas ako!
Gusto ko sana na isigaw yan kaso baka bigla akong pingutin ni papa. Masakit yun!
Napatayo ako nang makita na si Ninong ang dumating.
Tekaaa, si ninong?
Kung walang school ang tatanggap sa akin,edi sa school na lang ni ninong.
"Tanghaling tapat parang ang init ng ulo mo pare." Bati ni ninong kay papa.
Lumapit naman ako sa kanya para mag-mano, "Oh,ikaw na ba si Jm?"
Tumango ako habang nakangiti, "Ako nga po,hehe"
"Ang laki mo na ah, ikaw ba ay may nobyo na?"
"Wala." Lumingon kami kay papa nang bigla syang sumingit, "Hindi na ako aasa na mag-kaka-apo ako kay Jamaica dahil may sinapak na naman syang lalake."
Tumawa si ninong at umupo sa kabilang sofa, "Sinapak? Lalake? Hahahaha! Baka layuan ka na nang lalake nyan iha."
Tumawa lang ako dahil wala akong ma-say.
"Hindi lalake ang lalayo,kundi school! Walang eskwelahan ang gustong tumanggap sa kaniya." Hinihilot na naman ni papa ang sintido nya.
Napangiti si ninong, "Baka nakakalimutan mo pare kung anong kumpanya ang meron ako."
Agad na nag-liwanag ang muka ni papa dahil sa sinabi nya, "May eskwelahan ka nga pala."
"Oo,at bukas na bukas pwede na syang pumasok sa school."
BINABASA MO ANG
The Princess of Boy Academy High School (High School Series #1)
Teen Fiction[ON-GOING] Sabi nila basagulera daw ako,totoo naman. Wala ngang gustong tumanggap sa akin na school sa amin. Pero salamat nalang kay Ninong dahil may school sya---pero! Boy School! Pero ano pa bang choice ko?! Eh wala na. Sana lang talaga dito na ak...