FRANCINE
NAGISING ako kina-umagahan na maganda na ang panahon. Meron palang bagyo kahapon kaya umulan ng malakas. Nakatulog pala ako, kami sa sopa ni Sir. Nigel, nakasandal kami ng magkayakap.
Nakasandal ako sa dibdib ni sir at naka-akbay naman ito sa akin habang hawak niya ang dalawa kong mga palad na na magka-salikop.
Napatingala ako dito ang guwapo nito kapag tulog parang anghel. Napangiti ako at dahan-dahan kong inalis ang kamay niya.Dahan-dahan ko siyang pinahiga ang katawan nito sa sopa para kumportable itong makahiga.
Pumunta ako ng banyo at naghilamos at nagtootbrush na din. Na alala ko ang mga nangyari kagabi matapos kaming magtawanan. Hanggang ngayon ay natatawa pa rin ako sa ayos niya kagabi.Flashback
Matapos kaming matawa ay niyaya ko siyang kumain ng tanghalian, mabuti na lang at hindi siya nagalit sa akin ng pagtawanan ko siya bagkos ay natawa rin ito.
Hindi pa rin ito naka-uwe kahapon dahil ang taas na raw ng tubig sa kalsada kaya napagpasiyahan kong 'wag mo na siyang pa uwiin na hindi naman nito tinanggihan. Dahil wala kaming magawa ay niyaya ko na lang siyang manood ng cd.
Ang pinanood namin ay nakakatakot na palabas ang 'train to busan'
Hindi ko mapigilang tumili at mapayakap sa kanyang sa bawat salakay ng mga zombies sa mga bida.
Pinanood namin ito hanggang sa nasundan ito ng tatlo pang palabas kaya inabot na kami ng hatinggabi na hindi ko na namalayang nakatulog na pala ako sa kanyang balikat.
End of flashback
NALIGO na rin ako pagkatapos ay tumungo ako sa kusina upang maghanda ng agahan. Malapit na akong matapos ng may bumati sa likuran ko.
"Hi, Morning!" narinig kong tawag nito kaya medyo nagulat ako.
"Sorry, nagulat ka ba?" sabi ni sir Nigel.
"Sorry, Sir hindi lang ako sanay." sagot ko na may ngiti sa labi.
"I will serve the breakfast in a second. Wait nyo lang Sir," dagdag kong saad habang tumango na lamang siya.
Maya-maya ay nag-agahan na kami ng itlog, cornbeef at black coffee saka fried rice. Kahit hindi ako sanay mag-agahan na gutom na rin kasi ako, dahil nakalimutan na naming mag dinner kasi nabusog kami sa tuna sandwich at mga sitserya at drinks habang nanonood kami ng cd.
"Thanks for breasfast masarap ka pala magluto," sabi nito na may kislap ang mga mata, hindi ko na lang iyon pinansin at tumango lang ako dito. Nahihiya pa rin kasi ako sa kanya kagabi dahil pinagtawanan ko ito at pinatulog ko pa sa sopa lang tapos dinaganan ko pa sa bigat ko.
"Okay, Francine kita na lang tayo sa opisina kahit ma-late ka okay lang. I have to go," sabi ni Sir at tumayo na upang lumabas.
"Okay po sir, bye po, salamat." sagot ko at hinatid ko na ito sa labas.
Malungkot ko siyang pinanood na umalis bago ako pumasok sa loob para mag-ayos na din, sayang hanggang dito na lang siguro itong naramdaman kong kasiyahan na nakasama ko siya. Dahil kahit baliktarin mo man ang sitwasyon ay babalik pa rin kami sa dati na siya ay boss ko at P.A niya lang ako.
Nakarating na ko sa trabaho, medyo na late nga ako ngunit okay lang may abiso naman ako kay sir Nigel.
Narinig ko ang mga yapak mula sa likuran ko kaya umupo ako ng maayos. May kumatok sa pintuan kaya, mabilis akong tumingin doon, si Miguel lang pala napatayo ako at nag-umpisa na akong ipagpatuloy ang naudlot kong trabaho kahapon medyo 'di na ito gaanong kadami dahil nagawa na ito ni Miss Carol kahapon. Binati ko si Miguel.
BINABASA MO ANG
MADILIM NA KAHAPON (under revision) COMPLETE
Romance@WattpadStories SOON PHYSICALLY BOOK "Paano mabubuo ang pusong sugatan at pagkatao dahil sa nakaraan?" Francine Alcantara, isang dalagang ulila. Magbabagong buhay mula ng matakasan ang kanyang masamang nakaraan. Pagluwas niya ng Maynila ay lahat ng...