Kabanata Dos

2.7K 78 5
                                    




NAKA-UPO kami ngayon sala nang may tumawag kay Alfie kaya nagpaalam ito sa amin ni Margo.

“Ang suwerte mo naman sa boyfriend mo?” sabi ko kay Margo, kinikilig naman ito ng humarap sa akin.

Kaya nga akala ko noong una badboy siya, pero ng makilala ko ang bait niya kahit anak mayaman siya ay napadown to earth niya, friend.” pagmamalaki naman nito, ngumiti lang ako sa sinabi niya.

Sa totoo lang nakakaingit siya dahil may maganda na siyang trabaho, at may kasintahan pa siya na sobrang bait.

Nagpatuloy lang kami sa pagkuwentuhan ng umupo na ulit si Alfie, pero mukhang sambakol ang mukha nito.

“What wrong love, any problem?” tanong naman ni Margo sa kanya.

“Kilala mo naman siguro si Kurt ang may-ari nang Agoncillo Corp. 'di ba Hon?” sagot naman nito kay Margo, tumango naman ang huli.

“Oo, bakit Hon?” tanong ni Margo kay Alfie.

“Naghahanap siya ngayon Personal Assistant, at ako ang kinukulit ng isang iyon. Ayaw ko nga dahil alam naman natin ang ugali ng malayong pinsan ko na iyon, 'di ba?
Pero mapilit pa rin ito at kapag 'di raw ako nakahanap alam mo na ang mangyayari sa akin.” malungkot na sagot ni Alfie kay Margo.

“Parang pamilyar sa akin ang kompanyang iyon.” saad ko sa kanila na ikinalingon naman nila sa akin. Mataman naman akong pinagmasdan ni Alfie na para bang inaarok nito ang pagkatao ko.

“Ano bang natapos mo Frans?” tanong nito sa akin na pinagtaka namin ni Margo.

“Highschool lang e,” nahihiya kong amin dito.

“'Wag mo sabihin, Hon, na balak mong e-apply si Francine sa taong iyon.” gulat na tanong nito sa kasintahan. Tumango naman ito, at tumingin ulit sa akin at nag salita.

“300.000 amount, kasama na lahat ng benefits na kakailanganin mo at may allowance ka pang matatanggap doon Fran, kaysa nagtitiis ka sa tatlo-tatlo mong work. Bakit hindi ka na lang sa AC mag-apply.” Napasinghap naman kami ni Margo sa narinig namin.






















NANDITO na ako sa tapat ng AC Building at papasok na ako sa loob nito, kinakabahan ako dahil first time ko magtatrabaho sa isang taong ni sa panaginip ay hindi ko pa nakikita. Kahit maraming possitive issue's tungkol sa kanya ay hindi pa rin nawawala ang mga negatibong issues na basa ko. Mag-i-isang linggo na ang nakakaraan ng dumalaw ako kina Margo. Bukas na ulit ang balik nito sa Japan kasama ang kasintahan nitong si Alfie.

Kinabukasan lang noon ng magresign ako sa aking dalawang trabaho sa Bar lang ang itinira ko, encase na hindi ako matagap ay may babalikan akong isa pang trabaho.

Pumasok na ako sa lobby, namangha ako sa sobrang ganda ng ayos nang loob. Napakilinis din ng paligid kahit ang dumi ay matatakot makapasok.

Tinanong ko ang guard kung saan akong building pupunta kung patungong opisina ni Nigel Kurt Agoncillo ako tutungo. Tinanong naman ako ng guard kung may appointment ako sa kanilang boss. Tumango naman agad ako, umiling-iling lang ito at itinuro ang isang elevator sa may kanan ko at sinabi niya din ang numero ng building napupuntahan ko.

Nagpasalamat na ako rito at naglakad na ako patungong elevator. Pinidot ko ang open button at saka pumasok na sa loob, wala akong makakasabay. First time kong makakasakay doon. Kaya okay lang at baka kung anong katangahan lang ang magawa ko atleast walang makakakita sa akin, pinindot ko na ang numero kong saang palapag ako tutungo.

Dahil nakatungo ako ay 'di ko namalayan na may sumakay pala at may narinig akong may pumindot kaya umangat ang  tingin ko. Nakita kong pinindot rin niya ang number na pinindot ko kanina.

MADILIM NA KAHAPON (under revision) COMPLETE Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon