Kabanata kuwatro

2.3K 76 1
                                    





“FRANCINE sa office ko ngayon din.” Sigaw nito sa akin sa may pintuan, patay parang iba yata ang pagkakatawag nito sa akin wala ng miss. So may nagawa akong hindi niya nagustuhan.

“Sir, Nigel bakit po?” tanong ko dito.
Bigla na lamang nito ibinato sa akin ang mga files na pinaghirapan kong ayusin.

“Ikaw ba ay walang sariling utak at hindi mo man lang nagawa ng ayos 'yang mga 'yan?” Aniya hindi naman iyon sigaw ngunit nakakagulat pa din.

“I-I am sorry sir, pero sinunod ko lamang ang sinabi mo kanina.” malumanay ko pa rin sagot dito.

“Ayusin mo ulit 'yan, magpatulong ka na lang kay Mrs. Malco." galit na sagot niya sa akin, “ano kaya ang mali sinunod ko lang naman sinabi niya." sa isip ko.

“By the way, my lunch meeting ako ngayon sa baba ng canteen, tawagan mo na i-prepaire na ang VIP room kung saan gaganapin ang lunch meeting ko. Faster within 1 hours baka nandyan na ang mga kameeting ko.” utos pa nito sa akin.

“Kasama ka kaya umayos ka at ikaw ang magdadala ng mga gamit ko.” dagdag pa nito. Habang itinatabi ko ang mga files na nagkalat sa sahig. Mabilis naman akong lumabas at sinabihan si Miss. Carol, upang sabihin ang pinapasabi ni Sir. Nigel sa kanya.








ORAS na nang-luch meeting ni Sir. Nigel. Bitbit ko ang dalawang breifcase habang sakay kami ng elevator ay wala man lang itong kaimik-imik. Matapos ang ilang segundo lang ay nakarating na kami sa silid na kung saan doon gaganapin ang lunch meeting.

Nag-umipsa na silang mag-usap tungkol sa mga bagay-bagay about company. Habang ako ay naka-upo sa isang maliit na sofa na naroroon, hindi ko pala na malayan na nakatulog ako. Kung hindi pa ako ginising ng isang waiter ay hindi pa ako magigising at 'di ko pa mamalayan na wala na pala sina Sir. Nigel at ang mga ka-meeting nito.

“Lagot ka miss, siguradong mapapagalitan ka ni Sir. Nigel.”  sabi nito bago umalis.

“Ano hindi man lang niya ako ginising napakawalang puso naman pala talaga ng isang iyon. Tsk."
Napa-ungol ako at patamad na tumayo mula sa kinauupuan ko.
Sinuri ko ang oras at 1:30 pm na halos isang oras mahigit akong nakaidlip dito at wala man lang itong kina-usap para gisingin ako.

Nagmadali na akong umakyat sa opisina nito nakasalubong ko si Miss Carol na papalabas ito sa opisina ni Sir. tabingi ang ngiti ko rito. Tumango lang ito sa akin at sinabi,

“Inayos ko na ng mga files na pina-u-ulit sa iyong ayusin. Hinihintay ka na sa loob.” sabi nito tumungo na ito sa puwisto nito. Kinakabahan naman akong pumasok sa loob ng opisina nito.

“What are you doing here?” sabi nito sa akin sa malalim na boses.

“I'm sorry Sir, kung nakatulog ako sa meeting n'yo 'di ko naman sinasadya.” napakagat labi kong sagot dito.

“Sa susunod na makatulog ka kapag kasama mo ako, lagot ka sa akin. Understood, limang-mali mo pa your fired.” gigil na saad nito bago ito umalis sa pagkaka-upo at pumasok sa isang pintuan na sala ang laman. Magpapahinga siguro ito. Dahil iyon daw ang oras ng paghinga nito, bago ulit ito magsimula sa trabaho.

“Mabuti na lang at hindi niya ako pinaalis sa kompanya."













IKALAWANG pasok ko na ito sa AC COMPANY. Sinuri ko ang oras at 5:00 am na kahit papaano may natitira pa akong tatlong oras. Nag-asikaso na ako ng sarili ko. Pagkatapos ng isang oras ay lumabas na ako sa apartment nina Margo, dahil wala na sila ay dito na rin ako pinatira nila. Umalis na ako doon sa apartment ko sa pasay dahil medyo malayo iyon kaya dito na din ako sa makati tumira iyon nga ay sa apartment nina Margo ako pinalipat.

Umalis na din ako sa Bar na pinagtatrabahoan ko pero anytime ay puwede pa din daw ako bumalik.
Dahil medyo maaga pa ay na isipan kong dumaan cellphone shop, upang bumili ng maganda-gandang Cellphone dahil pasira na itong ginagamit ko, matapos kong makabili ay sumakay na ako ng taxi dahil malapit na rin naman ito sa kompanya ni Sir Nigel.

Pagkarating ko ay agad akong nagtimpla ng coffee ni Sir Nigel, dalawang cubes lang ng asukal ang nilagay ko pumasok na ako sa kanyang opisina. Wala pa rin ito, sabagay 7:25 am pa lang naman, nagpatuloy na ako sa aking gawain habang hinintay siyang lumabas o dumating.

Natapos na ako sa paglilinis at pagliligpit ay wala pa rin si
Sir. Nigel, 8:30 na nang umaga, pero bakit kaya wala pa siya?

Patuloy akong tumingin sa kanyang pintuan at umaasang papasok ito. Ngunit hindi talaga ito dumating nilinis ko na buong opisina nito ay wala pa rin talaga ito.

“Hoy babae, ano pang ginagawa mo diyan tara ng kumain 'wag muna hintayin si Sir. Nigel, baka hindi na iyong dumating.” narinig kong sabi ni Miss. Carol.

“Kaya nga po, ano kayang nangyari sa kanya?” tanong ko dito.

“Hindi ko din, alam wala siyang nabanggit sa akin. Ayaw mo noon isang araw kang pahinga sa utos niya." nakangiting sagot sa akin ni Miss, Carol at saka baka may importanting pinuntahan iyon." dagdag pa ni Miss Carol.

“Sana hindi na siya pumasok,” sabi ko sa isip ko sabay ngisi.

“Lets go for lunch!” sabi ni Miss Carol at hinawakan ang kamay ko at hinila ako patayo. Lumabas na kami sa opisina ni Sir Nigel. Tumungo kami sa Cafeteria, nag-order si Miss Carol ng makakain at sinimulan naming kainin. Maya lang ay may kinawayan siya ng isang lalaki.

Ang lalaking iyon ay ito iyong nakasabayan ko ng mag-apply ako kay Sir Nigel. So dito din pala siya nagtatrabaho.

“Miguel meet Francine, bagong P.A ni Sir.” pakilala ni Miss Carol doon sa lalaki na Miguel pala ang pangalan.

“Frans meet Miguel Chen Eun.” pakilala naman ni Miss Carol sa akin

“Nice to meet you, again. So your name is Francine.” sabi niya sa akin.

“Nice to meet you too Sir Miguel.” sagot ko pabalik dito.

“Miguel, na lang itawag mo sa akin.” nakangiti nitong saad pinasadahan pa ako nito ng tingin.

“Okay M-Miguel.” saad ko.

“Nagkakilala na kayo?” tanong naman ni Miss Carol sa amin.

Umiling kami pariho at sinabing nagkasabay lang kami ni Sir Miguel sa elevator noong nag-apply ako.

Tumango lang si Miss Carol at kumain na kami, paminsan-minsan ay nag-u-usap ang dalawa. Hindi nagtagal ay natapos din kaming kumain at bumalik na kami sa aming iba't ibang tanggapan.

Ginawa ko na ang lahat ng kailangan kong gawin, oras na ng uwian kaya binitbit ko na ang mga gamit ko at lumakad palabas sa opisina ni Sir Nigel. Nauna na ako kay Miss. Carol dahil may gagawin pa raw ito since hindi pumasok si Sir Nigel kaya maaga ako umuwi.

Hindi na talaga pumasok si Sir, palaisipan tuloy sa akin kung bakit.
Nag-a-abang na ako ng taxi nang may humila sa akin pagkaharap ko ay si Sir Miguel pala iyon.

“Sir Miguel?” taka kong tanong dito.

“Uuwi ka na? Sabay ka na sa akin." tanong niya.

“Hindi na po, magtataxi na lang ako.” sagot ko naman dito at medyo lumayo ng kaunti.

“Don't be afraid of me, hindi kita sasaktan. Ihahatid lang kita." nakangiting dagdag niya.

“Ihahatid lang kita kung saan ka man uuwi.” Saad pa nito at binigyan ako ng nakakaakit na ngiti guwapo din pala ito chinito at parang may lahing korean. Matangkad maputi at gwapo ito na pinapangarap ng ibang mga kababaihan.

Hindi na ako nag-alangan at pumayag na akong makisakay sa kanyang kotse. Ibinigyan ko kay Sir. Miguel ng direksyon ng aking tinutuluyan.
Ang sarap nito kasama, pala biro at nakakatawa lahat ng mga banat nito sa akin. Hindi ko tuloy namalayan na nakarating na kami sa apartment. Nagpasalamat ako dito sa kanyang paghatid hindi na rin ito bumaba.

Hinintay ko lang itong maka-alis bago ako tuluyan pumasok sa loob ng bahay.

ITUTULOY

A/N:
Ano kayang magiging papel ni Miguel kay Francine..

ABANGAN..

MADILIM NA KAHAPON (under revision) COMPLETE Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon