Kabanata labing dalawa

1.8K 88 5
                                    

FRANCINE

NAALIMPUNGATAN ako sa mula sa aking pagtulog, luminga ako sa paligid at napansin kong nasa loob pa rin ako ng opisina. Naalala ko bigla ang nangyari ka gabi, napansin kong umaga na at wala si Sir, Nigel sa kanyang kinahihigaan at siya ang pumalit dito, nagtataka siyang magtatanong kung paano siya lumipat sa sopang mahaba?

At saka saan kaya ito pumunta?
Magaling na kaya ito?
Tumayo ako at inayos ko ang hinigaan ko kinapkap ko sa aking bulsa ang aking cellphone at tiningnan ko kung anong oras na nakita kong ang daming miss call sa akin ni Miguel.

Tinext ko na lang ito.
Alas sais na nang umaga, may oras pa ako para makauwi, kaya dali-dali akong umalis sa kompanya at umuwi. Hindi ko na rin nakita si Sir Nigel doon.

Matapos kung makaligo ay nagbihis na ako okay lang na malate ako, dahil may dahilan naman ako kung bakit. Palabas na ako sa aking apartment ng may nagtext sa akin, tiningnan ko ito at nakakita kong galing ito kay Sir Nigel na huwag na daw ako pumunta sa trabaho at magpahinga dahil ipasusundo daw niya ako kay mang Caloy.

"Bakit kaya?" sa isip ko. Pero mabuti nga iyon para makapagpahinga ulit dahil napuyat ako kagabi.

Tumalon ako sa kama ko ng naka-unipormi pa, hindi ko na hinubad dahil inaantok pa talaga ako mabuti na lang at may konsiderasyon pa ito kahit kaunti.

Simpling dress lang na kulay asul ang aking suot at simpling light make up lang ang inilagay ko. Mag-a-alas sais pa lang naman ng gabi nasa labas na ako ng gate at hinihintay si Mang Caloy.

Maya-maya lang ay nandiyan na agad si Mang Caloy, bakit kaya ang text sa akin ni Sir Nigel ay mag-a-alas otso daw ng gabi niya ako ipapasundo pero inagahan ko lang dahil nagbabaka sakali akong bigla na lang sumulpot ito. Pero hindi ko inaasahan na tama nga ang naiisip ko. "Bakit nandito na agad kayo manong, 'di ba hindi pa oras ng pagsundo mo? Mabuti na lang at advance ako mag-isip." sabi ko sa kanya habang ngumiti lamang ito.

"Hiniling sa akin ni Sir na ibigay ito sa iyo. Suotin mo daw iyan. Bago tayo umalis hihintayin kita sa sasakyan iha." nakangiting sabi niya at ibinigay sa akin ang isang shopping bag at umalis habang ako ay nakatingin lamang sa shopping bag na hawak ko.

Natauhan ako ng bumusina si Mang Caloy, kaya nagulat akong napapasok sa loob binuksan ko ang shopping bag at ini-angat ko ito at nakita ko ang isang maganda bistida na kulay pula halatang mamahalin. Ibinaba ko ito at tiningnan kung meron pang laman ito at isang pares ng sandalyas ang nakuha ko itim ito at sobrang ganda din.

Mabilis akong naghubad at pinalitan ang aking damit na ibinigay sa akin ni Manong.

Tinignan ko ang sarili ko sa salamin at nagulat ako ng makita kung gaano kaganda at bumagay ang damit sa akin. Matapos ay nag-apply ako ng make-up at pinuyod ko ang aking kulot na buhok na pabun at may kaunting laglag ng ilang hibla ang buhok ko. Nilagyan ko din ng ipit na pabulaklak ang buhok ko sa likod. Umikot ikot ako sa harap ng salamin at hindi ako makapanilawa na may igaganda pa pala ako pagnabihisan.

Hindi nagtagal ay nakarating kami sa venue at pinagbuksan ako ni manong ng pintuan ng sasakyan. Kinakabahan akong lumabas agad ng sasakyan, Dahil sa dami ng mga camera na kumikislap sa aking paligid.

Humakbang ako at naglakad palapit kay Sir Nigel, ang gwapo nito sa suot na parang hindi ito nagkasakit no'ng nakaraang gabi.

Hinawakan niya ako sa aking kamay at ikinabit sa kanyang mga braso at bumulong.

"I-relaks mo lang iyang katawan mo at umayon ka na lang sa mga nangyayari." bulong ni Sir sa aking tainga. Tumango na lang ako kahit naguguluhan ako kung bakit isinama pa niya ako sa pagtitipon na ito.

Lumakad kami papasok sa loob, pagkatapos kaming kuhanan ng maraming mga larawan. Nakangiti lang ako matapos niyon. Karamihan sa mga bisita ay lumingon sa amin at nagsimulang magbulong bulungan, Panginoon hindi ako sanay sa ganitong atinsyon.

MADILIM NA KAHAPON (under revision) COMPLETE Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon