NAGISING akong maaga dahil oras na para maghanapbuhay.
Bumangon ako sa aking higaan at tumungo na sa banyo para gawin na ang lagi kong ginagawa kapag papasok na ako sa aking trabaho.
Alas kuwatro pa lamang ng umaga pero, kailangan ko ng gumising dahil hindi lang iisang trabaho ang kailangan kung gawin.Una sa kalye, nagwawalis ako ng kalsada sa isang barangay.
Pangalawa ay nagtatrabaho ako sa isang mall bilang isang janitress at
ang huli ay nagtatrabaho ako sa isang bar bilang isang waitress naman.Masama mang maging work caholic, pero kailangan dahil mahirap na ang walang perang pang-gastos sa araw-araw.
Ginagawa ko ang lahat ng gawaing ito araw-araw, dahil wala akong pagpipilian na trabaho na maganda ganda ang suweldo.
High School lang kasi natapos ko. Madami akong kailangan bayaran at kailangan ko din mag-ipon para incase na magkasakit ako ay may ipapanggamot ako sa aking sarili at para naman makapag-aral ako, kapag naka-ipon ako ng malaki-laki.
Matapos kong makapag-ayos ay isinukbit ko na ang aking bag at nagsimulang tumakbo palabas para makapagsimula na sa pagwawalis.
Makalipas ang dalawang oras ay natapos rin ako sa aking trabaho sa kalsada at nagpahinga muna at patuyo ng pawis.Bago ako tumakbo ulit para maabutan ko ang dyep na pang-alas syete 'y medya para pumunta naman sa mall.
Nang makarating ako sa mall ay dumiretso na ako sa locker ko, upang magbihis ng uniform na angkop sa aking trabaho.Dalawang oras din naman ako doon at sa wakas ay natapos ko na din at mabilis na naglunch upang makapagpahinga ng kaunti. Maya-maya lang ay lumarga na ulit ako para tumungo naman sa huli kong trabaho sa Bar.
Limang minuto na lang ay malalate na ako ang bagal kasi ng dyep, dapat pala nag MRT na lang ako.
Pagkarating ko sa Bar ay sa likod ako dumaan, para maiwasan ang moody kong boss pero pagbukas ko lamang ng pintuan ay siya ang nabungaran ko. Nakasalubong naman ang kilay nito at nagsalita.
"Your Late again." saad ni Mr Cheng.
"I'am sorry sir my aunt got had accident thats why im late," baliko kong inglis sa kanya na sinandya ko para magpaawa sa kanya na may halong kasinungaligan.
"Lagi ka na lang may katwiran. Dadating ang panahon na ang buong miyembro ng iyong pamilya ay patay na lahat, para lang may masabi kang dahilan kahit alam kung hindi naman totoo. Hala sige na magumpisa kana." saad nito at tinalikuran na ako.
Napakamot na lang ako sa aking ulo sa sinabi nito.
"Mag dilang anghel ka sana Sir. Dahil isa na lang ang pamilya ko, demonyo pa kaya, okay lang na mamatay na siya." Bulong ko ng maalala ko na naman ang hudas na iyon.
"Mapagtrabaho na nga lang at baka kung ano lang maisip ko na kasalanan sa Diyos."
Nagsimula na akong magtrabaho, naghahain ng mga inumin sa customer at naglilinis ng kalat nilang mabaho pa sa kanal. Dahil naghalo ang mga pawis, usok ng segrilyo at alak.
Kung mayroon lang akong ibang pagpipilian na trabaho ay hindi ako magtiyatiyaga na pumasok dito sa bulok na bar na ito.
Nagsimula na nga akong magtrabaho, nonestop ito pero kere pa naman, nang biglang may tumawag sa akin na isa kong katrabaho.
"Bakit," tanong ko habang nakangiti.
"Frans, ako lang ba nakakakita o gumaganda ka ata ngayon." sabi naman nito sa akin na may halong panunukso.
"Ewan ko sa iyo, puro ka biro. Anong kailangan mo at pinupuri mo pa ako kahit 'di naman totoo." sagot ko dito.
"Heto naman totoo naman, sinasabi ko. Pero nga pala, may order sa table four, pasuyo naman." sabi niya sabay bigay sa akin ang isang maliit na papel.
BINABASA MO ANG
MADILIM NA KAHAPON (under revision) COMPLETE
Storie d'amore@WattpadStories SOON PHYSICALLY BOOK "Paano mabubuo ang pusong sugatan at pagkatao dahil sa nakaraan?" Francine Alcantara, isang dalagang ulila. Magbabagong buhay mula ng matakasan ang kanyang masamang nakaraan. Pagluwas niya ng Maynila ay lahat ng...