Kabanata labing pito

1.7K 71 5
                                    




“FRANCINE, gumising ka, Francine.” nagising ako sa isang tawag at iminulat ko ang aking mata sa una ay malabo, ngunit kalaunan ay luminaw na ang aking paningin.

Napabalikwas ako ng bangon at inilibot ko ang paningin ko at nakita ko si Nigel na nakatunghay sa akin. Inilibot ko ang aking tingin sa paligid, nasa isang hospital ako naalala ko ang nangyari kagabi.

“Nigel?” ako

“Are you okay?” tanong niya na may pag-a-alala.

“Bumalik ako kagabi, upang makita ka kung na kauwi ka ng ayos pagpasok ko ay nakarinig ako na parang may nabasag, kaya dali-dali kong binuksan ang pintuan mo. Nasira ko pa ata ang lock dahil isang banga ko lang ay nabuksan ko agad ito. Hinanap kita sa sala at sa kusina mo. Ngunit wala ka roon ang tanging nakita ko lang doon ay ang nabasag na plorera tapos natagpuan kita sa silid mo. Ano bang nangyari sa'yo?” si Nigel pa rin.

“Paano ako nakarating dito?” tanong ko sa kanya.

“Itinakbo kita agad dito ng makita kong nakahandusay ka sa sahig sa loob ng silid mo. Patiwarik kitang na kita, dahil nasa taas ng kama ang mga paa mo habang ang ulo mo naman ay nasa sahig. Natakot ako na baka na paano ka na. Kaya dinala kita dito.
Ano ba talaga nangyari, bakit ganoon ang ayos mo? Okay ka lang ba, wala ka bang sugat? Please honey, tell me I can listen to you?” tanong ulit nito at hinaplos ang pisngi ko.

“I'm Fine Nigel, thank you for bring me here. I'm totally fine now, nahilo lang ako, kanina.” sagot ko dito at ngumiti ayoko nang malaman pa ng iba ang sitwasyon ko lalo na si Nigel busy itong tao, kaya wala akong karapatang dagdagan pa ang pasanin nito.

Bumangon ako ng tuluyan at nagpumilit na umuwi na lang, alam kong nagtatampo pa ito sa akin. Kaya bukas na lang ako mag papaliwanag total okay naman talaga ako siguro dahil lang sa takot ko, kaya ako nahimatay.

“Saan ka pupunta magpahinga ka muna, bukas ka na lang umuwi.” sabi pa nito.

“Uuwi na, ayoko dito sa hospital Nigel, please take me home na lang,” sagot ko.

Wala siyang nagawa kundi iuwi ako sa apartment ko kahit medyo takot pa ako doon ay kailangan para 'di makahalata si Nigel.

Pina-uwi ko na ito dahil may pasok pa kami bukas. Ayaw pa sana ako nito akong iwan, pero pinakita ko dito na nagtatampo pa rin ako dahil pina-uwi ako nito na hindi man lang inimikan.

Hinanap ko ang papel na naroon, ngunit 'di ko na iyon nakita nakapagtataka?

Pagkauwi nito ay isinara ko ang lahat ng dapat isara at natulog ulit 4:30 am pa naman may kaunti pa akong oras para matulog.










KINABUKASAN papunta na ako sa trabaho. Matamlay akong pumasok at wala sa mode, ang mga mata ko ay malungkot at medyo maputla, dahil wala ako sa mode mag-ayos.

Tumungo ako sa opisina nito. Hindi ako umiimik at patuloy lang akong gumagalaw na parang wala sa sarili.

“Francine!” medyo malakas na tawag ni Nigel sa akin habang napatalon naman ako sa gulat.

“Anong na nangyayari sa iyo?
Kanina pa kita tinawag, bakit 'di ka na imik? Hindi mo rin ako dinalhan ng kape.” tanong niya.

“Sorry!” sagot ko at dali-dali akong kumuha ng kape. Pagkalapag ko ng kape ay bumalik ulit ako sa dati.

Nailuwa nito ang kape at napangiwi, “Bakit ganito ang lasa ng kape mo ang pait.” Nagtitimping saad nito para hindi ako masigawan.

“Are you okay? Whats wrong with you? May problema ka ba?
Bakit ka nagkakanyan, tell me?” tumayo ito at nilapitan ako.

MADILIM NA KAHAPON (under revision) COMPLETE Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon