Kabanata Dalawampu't tatlo

1.5K 67 6
                                    

Nigel

DINALA namin si Francine sa mansyon at inihiga namin sa kama ko. Dumating na rin ang doktor makalipas ang ilang minuto matapos naming mai-uwe ito sa Mansyon at nagsimulang check up-in ng Doctor.

Sinabi sa akin ni Nelina ang lahat tungkol kay Francine, at kung anong nangyari rito kanina.

"Bakit hindi niya sinabi sa akin?" napa-upo ako nang dahan-dahan dahil sa mga nalaman ko. Naiiyak ako sa lahat ng nalaman ko sa nakaraan nito. 'God, please help, Francine with her condition. Pinapaubaya ko na po sa iyo ang lahat. AMEN.'

Dalawang araw ding walang malay si Francine at hanggang ngayon ay 'di pa rin ito nagigising.

Hinatid ko ngayon si Doctor dahil tiningnan niya ulit si Francine, okay na naman daw ito. Kumulaps lang daw ito dahil sa takot at dahil dati na itong nagkaroon ng depression at truma kaya neresitahan nito sa Francine na mga gamot na angkop sa kanyang condition, matagal na raw nitong nararanasan iyon, ayon pa rin kay Doctor Ong. Nagpasalamat naman ako rito. Umakyat na ako sa silid ko ng makita kong gising na ito.

Salamat sa thank God, she's okay. Patakbo kong niyakap siya at naiiyak akong kinumusta siya.

Tinanong ko sa kanya ang dahilan kung bakit hindi niya sinabi sa akin ang lahat nang pinagdadaan niya, ngunit nanatili itong nakayuko at hindi nagsasalita.

Siguro hindi pa siya nagtitiwala sa akin o natatakot siya sa maaari kong maging reaction or magiging pagtingin ko sa kanya.

Magsasalita na sana ito ng tumunog ang aking cellphone, kaya nagpaumanhin ako sa kanila at sinagot ko ang tawag.

"Hello boss?" sabi ng isa sa mga tauhan ko.

"Anynews?" tanong ko.

"Yes, boss nahuli na namin siya, hawak na namin siya." sabi nito kaya na pangiti ako.

"Mabuti, siguraduhin ninyong hindi makakatakas 'yan, pupunta ako diyan mamaya." sagot ko at ini-off ko na ang cellphone ko.

Sa wakas na huli ko na ang walang hiyang amain ni Francine, makikita ng taong iyon at magbabayad sa lahat nang ginawa nito kay Francine, 'I swear to God.'

Would I tell Francine that I had caught that demon?

Or

Should I give that person to police?









NAKARATING na kami sa isang building matapos ang halos thirty minutes na biyahe, tahimik lang kami ni Nigel sa halos buong biyahe.

Pumasok kami sa isang Police Stations. Kinausap lang saglit ni Nigel ang isang pulis at inaya na niya akong pumunta sa loob patungo sa isang pintuan, hindi naman ito selda dahil sa kabilang side ng hallway ang daan papuntang mga selda. Kaya nagtaka ako pero hindi pa rin ako nagtatanong.

Nagulat ako pagkapasok namin ni Nigel at ng isang pulis sa loob ng isang kuwartong naroroon. Naka-upo sa isang silya si Amador, bugbog sarado at naka gapos ang dalawang kamay patalikod, punit ang suot na damit at may mga bakas ng latigo sa may braso at sa dibdib para tuloy itong kinalmot ng aswang doon. Napatayo ako nang ayos, naglakad ako papalapit dito. Imbis na awa ay lalo akong nagalit dito at pinadapo ang kamao ko sa kanyang mukha. Oo na suntok ko siya sa kanyang mukha, kaya napadura sito ng dugo.

Masasabi kong lahat ay nagulat sa aking ginawa maliban kay Nigel na seryoso at nakakuyom ang dalawang kamao. Nararapat lang sa kanya iyan wala pa sa kalahati ang naramdamang kong paghihirap at pasakit na natamo ko rito.

Umupo ako sa harapan niya at pareho kaming nakatitig sa isa't isa, wala ka ng mababakas na takot sa aking mga mata. Pero dito ay malungkot iyon at hindi ko makita na namumuhi siya sa akin. Nakapapagtataka?

MADILIM NA KAHAPON (under revision) COMPLETE Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon