Kabanata Otso

2.1K 90 6
                                    

FRANCINE

NAMULAT ko ang aking mga mata at napansin kung nasa isang hindi pamilyar kuwarto ako. Lahat puti inilibot ko ang tingin ko may nakakabit sa kaliwa kong braso na suwero at may oxygen sa aking ilong. Nasa ospital pala ako saka ko lang naalala ang mga nangyari.

Bumukas ang pinto pumasok si Miss Carol.

“Salamat naman at gising ka na!” sabi ni miss Carol.

“Bakit po ako nandito sino nagdala sa akin sa ospital?”  paos kong tanong dito.

“Si Miguel ang nagdala sa iyo dito.” Sagot naman sa akin ni Miss Carol sa tanong ko.

“Bakit daw po ako na himatay?” tanong ko ulit.

“May sinat ka daw at sa sobrang pagod at dahil na rin sa puyat, kaya ka na estress at nagcolaps. Bakit ka naman napupuyat iha, 'di ba wala ka na sa bar at maaga ka na rin nakakauwi? Bakit napupuyat at na i-stress ka parin?” ito naman ang nagtanong sa akin, umiwas lang ako ng tingin dito at hindi sinagot ang tanong niya.

“Ano pong sabi ni Sir Nigel, Miss Carol?” pag-i-iba ko dito ng topic.

“Nang mahimatay ka agad niyang pinatawag si Miguel, para ipagmaneho kayo ni Sir Nigel, papuntang ospital. Dahil day-off ng driver ni Sir, kahapon.
Pagkadala niya sa iyo ay si Miguel na ang pinaasikaso niya at ipinaubaya ka na sakanyan.” saad nito na nakatingin sa akin na may halong panunuri. Napatango naman ako sa paliwanag ni miss Carol.

“B-bakit po ganyang kayo makatingin sa akin?” nagtataka kung tanong dito.

“Alam mo bang sa limang taon kong pagiging secretary ni Nigel ngayon ko lang siya na kitaan ng concern sa ibang tao, maliban sa akin at kay Miguel.” nakangiti nitong saad sa akin.

“Baka po dahil sanay na siya sa kakagalit sa akin, kaya ganoon. Mawawalan na raw siya nang kagagalitan pagnagkataong mawala ako.” pagbibiro ko dito para naman mabawasan ang kakaibang nararamdaman ko kapag naririnig ko ang pangalan ni Sir, Nigel.

“Bahala ka kung iyan ang paniniwalaan mo, by the way sabi nga pala ng doctor ay ipagpahinga mo lang daw iyan at inumin mo ang vitamins na iniresita sa iyo, at 'wag ka na daw magpupuyat at iwasan mong ma-stress. Maliwanag! Magpahinga ka na muna ng isang linggo sabi ng doctor, alam na iyan ni Sir, Nigel, kaya 'wag ka ng mag-alala.” Bilin ni Miss Carol sa akin.

Tumango lang ako sa mga bilin niya. Pinalabas na din naman agad ako sa ospital kinahapunan lang noon. Sinamahan din ako ni Miss Carol hanggang sa apartment nina Margo.







MAKALIPAS ang isang linggo ay balik naulit ako sa trabaho, bihira na rin akong managinip, dahil iniiwasan ko ng makita ang mga piklat ko sa tuwing nakikita ko kasi ang mga iyon ay lagi ako binabangungot ng nakaraan ko. At ngayon ay papasok na ako sa AC, building madami ang bumati sa akin ng ‘Welcome back frans, francine o Miss Alcantara.’ Taray sikat na ako, hehe.

Tumungo ako sa tanggapan ni Sir Nigel at nagsimulang gawin ang gawain ko araw-araw. Kanina pa hulog ng hulog ang ilang mga pirasong buhok sa aking pagkakapusod kaya inayos ko ito at itinali ko pataas. Tiniklop ko din ang aking mangas na sleves at tinanggal din ang aking sapatos para makapaglinis ng ayos.

Hindi naman umiimik sa kanyang mesa si Sir Nigel, at patuloy lang itong
nagtrabaho. Wala rin akong naririnig na utos nito at hinayaan lang ako nito sa aking ginawa. Nakakakapagtaka!

“Shit, hindi ko man lang namalayan na lagpas na sa oras ang pagtatatrabaho ko, dahil busy ako sa mga papeles na pinapatas ko.

Mabilis kong na impake ang mga gamit ko at nag-ayos na para umuwi.
Pagkababa ko sa building ay nag-abang ako ng taxi ngunit walang taxi man lang akong nakikitang dumaraan. Mag aalas nuwebe y medya na ng gabi at malapit na ring ma-alas dyes. Mabuti na lang ay malapit lang ang apartment ni Margo, kung saan ako nagtatrabaho. Pero syempre kapag nilakad medyo malayo. Pero no choice ako kundi maglakad kaysa abutin ako dito ng hating gabi.

MADILIM NA KAHAPON (under revision) COMPLETE Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon