INILAPIT pa sa akin ni Miguel ang mukha na para bang gusto niya akong halikan ng biglang may tumikhim na nagpalingon sa aming dalawa.
"M-Magandang umaga sir." nagulat kung sabi sabay tayo. Kinakabahan ako dahil sa seryosong mukha nito.
Hindi man lang ako nito sinulyapan at deritso lang nakatingin kay Miguel
"Come to my office, now!" madiing sambit nito bago naglakad papasok sa opisina nito.
"Patay baka akala ni Sir. Nakikipagharutan ako, sa'yo, ikaw kasi." saad ko dito at hinampas ito sa noo para umalis na ito sa pagkakalapit sa akin.
Natatawa lang itong nagpaalam sa akin. Para sundan si Sir Nigel. Habang ako ay 'di ko alam kong paano ko ipapaliwanag na wala lang iyon kay Sir. Pahamak ka talaga Miguel.
Ano kayang sinasabi na ni Sir Nigel kay Miguel pinapagalitan kaya ito. Kaya lang pinsan niya iyon, kaya mas matatakot ako sa sarili ko dahil empleyado lang niya ako.
Hindi ako mapakali kaya palakad-lakad ako dito sa lawak ng koridor. Ngayon ko lang naalala na day-off nga pala ni Miss Carol kaya wala ito ngayon. Kinakabahan na talaga ako, kaya gumawa ako ng paraan para malaman kung ano ba ang sinasabi ni Miguel sa aking boss. Kinuha ko 'yong papeles na binilin sa akin ni Miss Carol.
Iyon na lang ang aking gagawing alibi para makapagmapakingan ko ang pag-uusapan nila sa loob.Pagkarating ko ay kakatok na lang sana ako kaya lang naisip ko, kung kakatok ako mahihinto sila kaya ang ginawa ko na lang ay pilit ko na lang pinakinggan ang pinag-u-usapan nila. Subalit sa kasamaang palad ay wala man lang ako marinig kahit anong mga salita sa loob ng opisina ni Sir. Sumandal ako sa pinto at nakinig ng mataman pero wala talaga ako marinig.
Nakasandal pa rin ako, kaya hindi ko na malayang biglang bumukas ang pinto. Malapit na akong bumagsak nang mahawakan ako ng isang tao sa baywang ko bago pa ako makipag halikan sa sahig.
Nagkatinginan kami ng taong iyon bago ito nagsalita ay napalunok pa ito.
"Sir, Nigel. . .!" sabi ko habang kinakabahan at naramdaman kong lumapag na lang bigla ang puwetan ko sa sahig. Binitiwan na pala ako nito. Kaasar wala man lang ka gentle-gentleman sa katawan.Tsk.
"Next time don't be clumsy and 'wag na 'wag kang makikinig sa usapan na may usapan." sabi niya at iniwan ako sa sahig at lumabas ng wala man akong natanggap na tulong
Tinulungan naman ako ni Miguel na nakasunod lang pala sa paglabas ni Sir. Inabot ko ang kamay ko sa kanya at inayos ko ang aking palda at pinagpagpag.
"You okay?" tanong niya at marahang tumango ako.
"Just be patient with my cousin. You're just so used to his behavior." Miguel added.
"Yeah, sanay na ako." I answer and I roll my eyes.
Nagpaalam na ito pagkasabi niya sa akin, pumasok na ako sa opisina ni Sir at tinipon ko ang mga files sa ibabaw ng mesa nito. At nagpapadyak.
Sayang hindi ko man lang narinig pinag-usapan nila. Sabay himas ko sa nasaktan kong puwetan.PAGLABAS ko sa C.R ay pumunta ako sa upuan ni Miss Carol at kinuha ko ang aking bag. Pauwi na ako medyo na late ako, dahil hindi nga pumasok si Miss Carol kaya lahat sa akin nakaatang ang trabaho nito 'wag lang ang pag-cocomputer at sa mga presentation dahil 'di ko naman iyon trabaho.
Pasara na ang elevator kaya dali-dali akong tumakbo at sumingit papasok doon, may nabangga ako 'di ko na kita dahil patagilid akong pumasok sa loob ng elevator. Malawak na balikat at mabagong amoy ang sumalubong sa akin, kaya napatingala ako sa nagmamay-ari ng amoy na iyon. Matangkad ito at nakakaakit ang guwapong mukha nito. Naputol ang pagpupuri ko dito ng bigla itong sumimangot at biglang salubong ang kilay.
"He he, Good evening Sir." nakangiwi na kong bati dito at umayos ng puwisto.
"Walang maganda sa gabi miss Francine kung ikaw ang nakikita ko." sabi niya sa akin.
"Huh!" napatanga ako sa sinabi niya habang ito ay lumabas na agad ng elevator.
Natauhan naman ako agad at lumabas na rin at nakasunod pa rin kay Sir. Nigel dahil pauwi na rin ito.
Huminto bigla si Sir Nigel sa paglalakad kaya agad akong napasadsad sa malapad nitong likod. Dali-dali naman ako lumayo sa kanya. Mabuti na lang at hindi niya ako naramdaman. May tumawag pala dito sa kanyang cellphone kaya siguro huminto ito.Samantalang ako naman ay umiba ng linya na dadaanan. Naglakad ako ng dahan-dahan, para makalabas na ng lobby na hindi napapansin nito.
Sana hindi ako nito mapansin dahil para akong magnanakaw sa galaw ko na naka-tingkayad ang mga paa.Nang makalayo ako kay Sir, Nigel ay
nagtago ako sa likod ng pinto sa lobby at sinuri ang buong kapaligiran, bago ako sumubok lumabas ng tuluyan sa building na ito. Iiwasan ko muna si Miguel at baka nag-a-abang na naman iyon, mahirap na makita kami ni Sir na magkasama baka ano naman isipin n'on.Nang makita kong walang bakas na nasa labas si Miguel ay lumabas na ako para umabang ng taxi. Aalis na sana ako sa aking posisyon nang bigla akong makita si Miguel.
Patay!
KINABUKASAN ay wala pa din si Miss Carol dahil kaarawan nito
nagpaalam itong mag diday-off ulit.
Pagkatimpla ko ng kape niya ay nagsimula na ako sa aking gawain. Lalabas na sana ako sa opisina nito dahil sa opisina naman ako ni Miss Carol magbubutingting. Pero bigla ako napahinto ng bigla na lang tumakbo ito sa C.R nito sa opisina at nagsusuka. Kaya nilapitan ko ito at hinagod ang likod nito, para kumalma ito kaya lang tinabig niya ang kamay ko at nagsabi."I don't need you Here, Get out." Pagalit na utos nito sa akin. Kaya wala ako nagawa kundi lumabas na lang at baka samain pa lalo ito ng pakiramdam.
I can't stop it anymore. Lumakad ako papunta sa kanyang office nang hindi kumatok, bahala na kong magalit na naman siya sa akin, alam kong may dinaramdam ito basi sa itsura nito kanina. Sa totoo lang hindi ko na obligasyon ang nararamdaman nito kaya lang sa kaibuturan ng puso ko ay malaki ang pagalala ko sa kanya, kaya kahit lagi niya ako sinusungitan. Binuksan ko ang pinto at nakita ko siyang nakahiga sa couch ng opisina nito. Bakit siya dito nakahiga e, ang ganda at ang laki ng kama niya sa kanyang pahingahan.
Idinantay ko ang aking kamay sa kanyang mukha, tulog na tulog ito kaya hindi man lang ito nagmulat . Ang taas ng lagnat nito at pawis na pawis at nanginginig pa.
"Omg! anong gagawin ko ngayon?"
"Sir, Nigel kong dito ka mamatay sa opisina mo, dahil sa sama ng ugali mo, kung kakarmahin ka. Ano na lang sasabihin ko sa mga empleyado mo." sabi ko sa aking sarili, umiling ako sa mga iniisip ko, bakit ba puro ako negatives vibes pinagana ko nang utak ko? Agad akong tumayo at lumabas ng opisina, saglit at maya-maya lamang ay may dala na akong palangganita na may lamang maligamgam na tubig. Kahit 'di pa ako nakakapasok sa pahingahan nito ay naglakas loob akong pumasok sa kanyang kuwarto na naroon. Nagmamadali akong naghanap sa kanyang aparador upang kumuha ng bimpo na ipupunas ko sa kanya, pumunta rin ako ng banyo niya at doon ko na kita ang medicine kit at naghanap ako ng gamot sa lagnat nito at alcohol.
Sinimulan ko na itong punasan at bihisan dahil basang basa na ito ng pawis. Napalunok ako ng tumabad sa akin ang maganda nito katawan, inisip ko na lang na bata si Sir Nigel sa mga oras na iyon, umungol lang ito sa mga pinaggagawa ko dito.
Bumili ako ng sopas na mainit sa canteen at tiyak na hindi gugustuhin ni Sir na makita siya ng kahit na sino sa ganitong kalagayan. Ganoon pa din ang posisyon niya nang iniwan ko siya, hinawakan ko ulit ito medyo humupa na ang lagnat nito pero nilalamig pa rin ito kahit nakapatay na ng aircon.
Ang problema ko ngayon ay kung paano ko siya gigisingin. Kahit na may sakit siya ay guwapo pa rin, este kailangan niyang kumain para makainom ng gamot.
ITUTULOY
BINABASA MO ANG
MADILIM NA KAHAPON (under revision) COMPLETE
Romance@WattpadStories SOON PHYSICALLY BOOK "Paano mabubuo ang pusong sugatan at pagkatao dahil sa nakaraan?" Francine Alcantara, isang dalagang ulila. Magbabagong buhay mula ng matakasan ang kanyang masamang nakaraan. Pagluwas niya ng Maynila ay lahat ng...