FRANCINE
ANG Problema ko ngayon ay paano ko siya gigising? Bahala na!
Tinapik ko siya ng marahan ng ilang beses ko iyon ginawa. Maya lang ay nagmulat ito ng kanyang mga mata at ngumiti ng kunti, Namamalikmata ba ako? o ngumiti nga siya. Gosh.
Muntik na akong mapa-atras dahil sa pagkagulat. Kaya lang baka akala ko ngiti iyon, 'Yon pala ay ngumiwi lang? Bumalik ulit ito sa pagkakapikit kaya tinapik ko ulit ito.
"Sir, kailangan mong kumain ng kaunti bago uminom ng gamot." sabi ko dito
"'Di ba sabi ko sa iyo, u-umalis ka dito." he said in a lower voice, ngunit umiling lang ako.
"Hindi kayo gagaling kong magmamatigas kayo, sa ngayon po ay ako muna ang masusunod saka mo na lang po ako singilin. Kapag magaling ka na." madiin kong sabi dito at pinilit kong pa-upuin ito.
Sa una ay ayaw niya hanggang sa ma-i-upo ko ito ng tuluyan, pinadilatan ko din ito ng mga mata ko."F-Fine!" sabi niya at umupo habang binigay ko sa kanya ang sopas, ngunit nanginginig ito at hindi maisubo kaya kinuha ko dito ang bowl ng sopas at ako ang sumubo dito. Aangal pa sana ito pero isinungalngal ko na este isinubo ko na agad ang medyo ang medyo mainit init pangsopas sa bibig nito.
"Maaari ka ng umalis ngayon, iwan mo na ako dito. Tatawagan na lang kita kapag kailangan kita." sabi niya pero 'di ko siya pinakinggan at pina-ubos ko sa kanya ang sopas. Inabot ko sa kanya ang dalawang piraso ng gamot sa lagnat at sakit katawan.
Wala na itong imik at reklamo matapos kung pandilatan ulit ng mga mata. Marunong naman pala ito makinig kahit papano. Tsk! Ipinahiga ko siya muli at niligpit ko ang mga pinagkainan nito at gamit sa pagpupunas ko dito para lang palitan.
Kumain mo na rin ako at para matapos ko na ang natitira kong gawain, alas kuwatro na pala ng hapon. Bumalik ako sa kanyang tanggapan at nakita kong nakahiga pa rin ito at tulog pumasok ako at nilibot ko ang buong opisina at nilinis ko ito.
Napatingin ako sa kanyang mesa at nakita ko mga files na inilagay ko kahapon nandoon pa rin ito at hindi man lang naibo, siguro kahapon pa masama pakiramdam nito hindi lang nagpapahalata.
Nandoon na rin naman ako kaya itinuloy ko na ang paglilinis ng mga nakakalat na mga papeles sa bawat pasamano.
Itinali ko ang aking buhok ko para walang maging sagabal sa gagawin ko. Nalibang ako kaya hindi ko namalayan na gabi na pala mabuti na lang at naka-order na ako ng kakainin namin, oo namin wala na akong balak umuwi dahil hindi pa magaling ito.
Natutulog pa rin si Sir Nigel, normal na ng temperatura ng kanyang katawan, ngayon ay hihintayin ko na lang ito magising para mapakain ko na ito at mapainom ko ulit ng gamot.
Umupo ako sa isang maliit na sopa na katabi ng hinihigaan ni Sir at nagpahinga hanggang sa 'di ko na namalayang nakaidlip din ako dahil sa pagod at pasado alas otso na ng gabi iyon.
MIGUEL
NAGHINTAY akong lumabas si Francine, subalit hindi pa rin ito lumalabas o baka naka-alis na ito ng hindi ko namamalayan. Tulad na lang kahapon, kung hindi ko siya nakita na tumago sa likod ng entrance door ay 'di ko malalaman na pinagtataguan niya ako. Natatakot na siguro itong makita kami ni Nigel na magkasama. Wala pa din ito sa mga oras na iyon, dalawang oras na akong nagbabantay sa kanya nang napagpasyahan kong puntahan ito sa kanyang tinatambayan kapag wala siya sa opisina ni Miss Carol o ni Nigel. Ngunit wala siya doon.
Lumakad ako papunta sa office ni Nigel upang tingnan siya kong naroon ito, pag bukas ko nang pinto ay nakita kong naka-upo ito sa isang cough pero tulog.
Ang buhok nito ay magulo na sa pagkakapusod, pumasok ako para gisingin ito nang mapansin kung may nakahiga sa mahabang sopa sa katabing ng kina-u-upuan nito. Si Nigel na tulog na tulog din at balot na balot ng kumot na para bang may dinaramdam ito. Nakakatuwang ang isang napakataas na tao at laging nakataas noo ay nagkakasakit din pala. Naalala ko tuloy ang pinag-usapan namin kahapon.
Flash back
"Ano na naman ba ang ginagawa mo Miguel lalo na sa P.A ko pa? " sigaw ni Nigel na ikinagulat ko
"Bakit ka protektado sa kanya na parang, she's your girl." natatawa kong saad dito.
"Dahil nagtatrabaho siya sa akin at hindi siya tulad ng mga babaeng na ikakama mo at saka opisina ito, hindi kabaret para mamakyaw ng mga babae, cousin. Pinapagpasyensahan lang kita noon pero ngayon sumusobra kana pati matinong tao pinapatulan mo." sagot niya pabalik
"Huwag kang mag-alala bro sa susunod na gagawin ko ito sa kanya sa banyo na o sa aking apartment." nakakaluko kung sagot na may ngisi habang siya ay galit
na galit."Bakit protektado ni Nigel si Frans? Dati naman ay wala siya pakialam sa akin kahit naki-kipag-flirt pa ako sa harapan niya. Mapasaan man o opisina as long na ginagampanan ko ang work ko at hindi pinapabayaan. Saka may dahilan ako kaya ko ginagawa ito.
"Binabalaan kita Miguel, get away to my Personal Assistant, Okay kundi mananagot ka sa akin. Sige na sumunod ka na sa akin, at may meeting pa tayo." sabi pa nito sa seryosong tinig nito na halata pang nagagalit pero pinipigilan lang nito at lumabas na ito ng opisinang iyon.
Nang maalala ko ang eksinang iyon ay hindi ko maiwasang matawa sa mukha nito, first time sa buhay namin na nakitaan ko siya ng ganitong damdamdamin. Bumalik ang tingin ko kay Francine at inayos ko siya sa pagkaka-upo nito. Paniguradong sasakit ang batok nito dahil sa pwesto nito. Iniwan ko na ang dalawa doon at lumabas na nagng opisina ni Nigel at umuwi na. Bukas ko na lang tatanungin si Francine. Pagkababa ko sa lobby ay may tinawagan ako. Pupunta ako ngayon sa bar para magpalamig.
Samantalang napabalikwas ng bangon si Nigel, at nagtataka itong inilibot ang mata nasa opisina parin siya at nakahiga sa sopa na mahaba, inalala niya ang nangyari at nakita niyang nasa isang side na sopa nakatulog si Francine na buong magdamag na inalagaan siya nito.
Napapangiti siyang lumapit dito at inayos niya ang pagkakahiga nito sa hinigaan niya kanina at ito ang ipinalit niya dito. Ilang sigundo niya itong pinagkatitigan at hindi maiwasang haplusin niya ang magandang mukha nito at saka nagwika.
“Thank you for caring me, I'll appreciate that.” Nakangiting wika niya at dinampian ng halik ang noo ng babae.
ITUTULOY
BINABASA MO ANG
MADILIM NA KAHAPON (under revision) COMPLETE
Romance@WattpadStories SOON PHYSICALLY BOOK "Paano mabubuo ang pusong sugatan at pagkatao dahil sa nakaraan?" Francine Alcantara, isang dalagang ulila. Magbabagong buhay mula ng matakasan ang kanyang masamang nakaraan. Pagluwas niya ng Maynila ay lahat ng...