LUMIPAS ang araw at ang mga bagay ay ganap na maayos sa pagitan namin ni Nigel. Hindi ko pa siya sinasagot at hinayaan ko munang manligaw siya sa akin and yes! Nigel nalang kapag kaming dalawa lang at kapag nasa opisina naman ay pormal pa rin naman ang tawagan namin, ako ay Sir, si Nigel ay Miss Francine pa din.
Madalas seryoso pa rin ito lalo na kapag nasa trabaho at ganoon din ako pero kapag kami lang dalawa ay napakalambing nito. Sabay na rin kaming kumakain sa kanyang pahingahan, 'di ba nasabi ko na parang bahay din lang niya ang kanyang opisina dahil may kitchen at sala din. Doon kami sabay kumakain nagpapadeliver na lang siya doon kaya minsan ko na lang makasama si Miss Carol at Miguel.
Sa ngayon ay papunta kaming botique ni Manong Caloy, upang bumili ng damit na isusuot ko papuntang dinner meeting sa pribadong venue kasama si Nigel at ako. Ayaw ko sana dahil may mga binili naman akong dress kahit 'di kagandahan o mahal ay bagay naman sa akin.
Ngunit mapilit talaga ito kaya kesa magalit siya ay pinagbigyan ko na lang, kahit kailan talaga 'di ako manalo-nalo dito noong may sakit lang siya napasunod ko.
Pumasok na ako at sinimulang subukan ang mga damit ngunit wala sa kanila ang nababagay sa akin, sobrang mga elegante at kamamahal, bakit ba kasi dito ako pinadala ni Nigel.
“Wow, miss ang ganda ng damit at perpektong perpekto sa iyo.” narinig kong puri nang isang tinig mula sa likuran ko.
“Salamat po,” sagot ko nasa 50's na ang ginang pero mukha pa rin siyang classy at maganda, sa tingin ko ay mayaman ito.
“My name is Charmine, ang may ari ng botique na ito.” sabi niya at hinaplos ang kanyang kamay nito sa dress na suot ko at niyakap ako.
“Ako naman po si Francine.” sagot ko habang siya ay nakayakap pa rin sa akin.
“Susuotin mo ba ang dress na iyan, para sa isang date,” tanong niya.
“How I wish ma'am, buts its for a dinner meeting.” sagot ko pabalik dito.
“Well your so beautiful my dear, you shouldn't be worried about this dress, bagay na bagay sa iyo iha.” aniya.
“Salamat ma'am.” sagot ko at ngumiti sa kanya, ngumiti rin ito.
“Iyan na lang ang suotin mo tiyak na hindi ka mapapahiya iha. You look so gorgeous even with a make up huh, lalo na siguro kapag inayusan ka na.” sabi pa ng babae at nagpaalam at nag pasalamat naman ako dito.
“Ang bait naman niya.” naisip ko, pinapa-alala niya sa akin tuloy si Nanay, ngunit wala na siya.
Tumulo ang luha sa aking mga mata, mabilis kong ginamit ang aking palad upang punasan ang mga ito.
Nagbayad na ako matapos kong makapili ng iba pang mga damit at umalis na doon.
NAKAPAGBIHIS na ako tsinek ko muna ang sarili ko. Bakit pa kasi kailangan ko mag-ayos na ganito.
Binitbit ko na ang mga files na dadalhin ko.
Ang mga files na ito ay talagang importante kay Nigel kaya dapat ingatan ko.Dumating na ako sa lugar, kung saan kami magtatagpo ni Nigel. Sinalubong ako nito ng isang matipi na ngiti syempre may mga importanting tao doon.
Nagpalitan ng mga pagbati ang mga namumunuan doon at mga meyembro. Nagulat ako nang makita ko si Renan na isa sa kanila.
Alam kong mayroong tungkolin ito, pero 'di ko alam na isa pala siya matataas na member sa kompanya ni Nigel.
Ang pagpupulong ay mag-uumpisa na ibinigay ko na kay Nigel ang mga files na bitbit ko kanina at nag excuse muna ako kay Nigel at na pupunta sa banyo.
Pagbalik ko ay hinila ako ni Nigel at inutusan akong magsalita, napatanga ako dito at hindi ko alam ang gagawin ko.
BINABASA MO ANG
MADILIM NA KAHAPON (under revision) COMPLETE
Romance@WattpadStories SOON PHYSICALLY BOOK "Paano mabubuo ang pusong sugatan at pagkatao dahil sa nakaraan?" Francine Alcantara, isang dalagang ulila. Magbabagong buhay mula ng matakasan ang kanyang masamang nakaraan. Pagluwas niya ng Maynila ay lahat ng...