NAGISING akong masakit ang ulo ko. Bumangon ako at pumunta sa banyo at pumasok upang magshower.
Paano ako napunta dito sa aking silid at nag-iba na rin ang suot kong damit.Paano ako nakauwi dito sa bahay ng hindi ko alam?
Bakit parang may nararamdaman ako sa aking labi ng“Arg, nagkiss kami ni sir, Omg?” Tili ko ng maalala ko na ang lahat.
“Hinalikan niya ako? No, no, no!”
“Ano na lang mukhang ihaharap ko sa kanya mamaya?” patuloy akong nakikipag-usap sa aking sarili at naglulupasay sa sahig ng banyo.
Flash back
Halos two minute din ang halikan namin sa wakas ay pinakawalan na ako ni Sir!
Nagkatinginan kami sa isa't isa. Saka ko lang narealise ang ginawa naming dalawa, sa hiya ko ay pinatong ko ang aking ulo sa kanyang balikat.Alam ng Diyos na sobrang kinakabahan ako ngayon at nalilito, nag-iba rin ang pakiramdam ko. Para akong na uuhaw at na iinitan, marahil ay epekto iyon ng spirito ng alak. Hindi ko namalayang nakatulog ako sa kanyang balikat kung hindi pa niya ako niyugyog o ginigising ay hindi ko na alam.
Kakahiya!
NANDITO na ako sa opisina, kinakabahan ako pati ang aking mga palad ay pinagpapawisan at nanginginig habang hawak ko ang files na iniutos sa akin ni Miss Carol na ibigay ko kay Sir, Nigel.
Nanalangin ako habang kumatok,
pumasok ako sa kanyang tanggapan ngunit imbis na si Sir Nigel ang nabungaran ko ay isang magandang babae ang nakita ko para itong manika sa ganda, alon-alon din ang buhok nito na kulay itim, sexy din ito.Naka-upo ito mismo sa kandungan ni Sir, Nigel. Nawala ang panginginig ko at napalitan ng panghihina at nararamdaman, na hindi ko maipaliwanag.
Pero nagpatuloy pa rin ako sa paglapit sa kanila at binaba ko ang mga files sa ibabaw ng mesa nito. Umalis na ako sa kanyang opisina na hindi ko man lang tinitingnan ang dalawa, nagseselos ba ako ng makita ko sila?Umiling ako at napabuntong-hininga, hay naku! Hindi ako naniniwala na nagseselos ako. Siguro na bigla lang ako sa nakita ko, kasi first time ko makita na may kasama si Sir na babae, saka wala akong gusto sa kanya, hindi ako dapat magkagusto rito. Napakamapagmataas at mayabang ito kaya hindi ako magkakagusto sa isang tulad nito. ‘Pero guwapo. . . opps! hindi ko sinabi ang huli, hindi siya guwapo.’
UMUPO ako sa coffee area at malalim na nag-iisip kung ano ang maaaring ginagawa nila sa mga oras na ito.
Isang oras din akong naghintay, bago bumalik sa opisina ng Sir. Nigel at nakita kong nag-iisa na lang siya doon, sabagay 'di ko nga makikita ang paglabas nito kasi medyo likod na kinapupuwestoluhan ko kanina.Sino kaya ang babaeng manika na iyon at kaano-ano siya ni Sir?
“Francine!” tawag niya.
“Sir!” tugon ko habang kunyari busy sa mga files na nakakalat sa sofa na naroon.
“M-May natatandaan ka ba kagabi?" tanong niya na medyo kinakabahan.
“Wala naman Sir. Bakit sir anong nangyari kagabi?” sagot ko na kinakabahan, muntik na akong mautal mabuti na lang at napigilan ko.
“Ah, okay. Wala naman, sige na ipagpatuloy mo na ang ginagawa mo at bumalik ka na sa trabaho.” sabi nito pero bakit malungkot ang mga mata nito.
Bumalik na ako sa ginagawa ko hindi ko na lamang pinansin iyon, oo nagsinungaling akong hindi ko na aalala ang lahat.
Maya-maya lang ay may biglang kumatok sa pintuan pinagbuksan ko ito at tinaasan nang kilay, ito 'yong lalaki na nagbastos sa akin sa event kagabi.
“IKAW!?" sigaw ko dito ngunit ngumiti lamang siya.
BINABASA MO ANG
MADILIM NA KAHAPON (under revision) COMPLETE
Romansa@WattpadStories SOON PHYSICALLY BOOK "Paano mabubuo ang pusong sugatan at pagkatao dahil sa nakaraan?" Francine Alcantara, isang dalagang ulila. Magbabagong buhay mula ng matakasan ang kanyang masamang nakaraan. Pagluwas niya ng Maynila ay lahat ng...