Kabanata Siyete

2K 75 10
                                    


FRANCINE

PUMASOK na ako papunta sa aking silid at sinara ang pinto.
Kadarating ko lang galing party, inihatid ako dito ni Miss Carol, inuna akong ipahatid sa taxi driver kaysa kay miss Carol.

Tinanggal ko ang lahat ng aking damit at pumasok sa shower. Pagkatapos kong magpatuyo ay napaharap ako sa salamin nandoon pa rin ang mga marka pero hindi na gaanong kita kasi pumapantay na ang kulay nito sa balat ko.

Ang lahat ng aking buhay simula pagkabata ay nabuo sa sakit, kalungkutan at mga luha. Kung minsan noon ay nakatitig ako sa ibang mga bata at iniisip ko kung buhay pa sana ang aking mga magulang magiging masaya ba ako tulad nila?
Hindi ko ba mararanasan ang pagmamalupit sa akin. Makakapaglaro ba ako noon ng mapaya na walang sisinghal sa akin. Tandang tanda ko pa hanggang ngayon kung paano naging masalimuot ang buhay ko.

Flashback

Namatay aking ama sa akisedente noong nadisgrasya ito habang angkas ng aming tricycle. Ilang buwan lang ang aking ina ay nag-asawa ulit sa isang lalaki, noong una mabait naman ito pero 'di nag tagal ay naging demonyo na ang hayop na iyon
Ilang buwan lang nang mag kasakit ang aking nanay dahil nasobrahan sa trabaho kaya nang hina ito at kalaunay sumunod na kay tatay sa langit.

At iyon ay ang naging simula kung paano ang aking buhay ay tuluyan ng nagbago.

"Nang dahil sa iyo namatay si nanay." sigaw ko dito na kahit nasa murang edad pa lang ako ay namulat na ako sa realidad ng buhay.

"Hindi ko kasalan na mahina pala ang nanay mo, kaya 'wag mo ako sumabatang bata ka, pumasok ka sa iyong silid Francine at baka masamain ka sa akin." sigaw nito sa akin.

"Ayoko ibalik mo sa akin ang Nanay ko, pangit." ngunit hindi ko ito sinununod.

Sa galit nito dahil siguro na kulitan na ay sapilitan ako nitong ipinasok sa silid ko.

Tinulak niya ako sa kama at hinila ang aking buhok kaya napatingala ako sa kanya. Nagsimulang tumulo ang mga luha sa aking mga mata.

"Wala ka ng magagawa patay na ang nanay mo, kaya sa ayaw at sa gusto mo pag-aari na kita at simula ngayon ay pagsisilbihan mo ako maliwanag." pagsabi nito sa akin ay sinampal pa ako nito kaya na padapa ako sa higaan.

Iniwan ako nitong nasa ganoon ayos, umiiyak at tumatangis sa pagkawala ni nanay. Sinubukan kong tumakas mula sa kanya noon, ngunit mahirap dahil palaging naka-lock ang bahay sa tuwing aalis ito at nakabantay naman sa akin kapag nasabahay lang ito.

Naalala ko pa noon isang linggo pa lang ang nakakalipas buhat ng mamatay ang nanay ay umuwi ito isang gabi na lasing at sinubukan ako nitong gahasain, mabuti na lang at nagawa kong sipain ang kanyang hinaharap kaya nabitiwan ako nito.
Tinanggal niya ang kanyang sinturon at hinataw sa akin hanggang sa mawalan ako ng malay.

Napabalikwas ako ng bagon hinihingal ako napa-naginipan ko naman ang mga iyon. Pinunasan ko ang aking pawis at bumaba na ng higaan ng makita kong aalasais na ng umaga. Nagmamadali akong pumasok sa banyo, upang maligo maya lang ay nakapagbihis na ako, hindi na ako nagkape doon na lang pagdating sa opisina. Salamat sa Diyos at wala pa ang kotse nito kaya wala pa ito roon.

Papunta kami ngayon sa meeting kasama ako na pupunta doon dahil ako ang nagdala lahat ng kanyang mga gamit.

Pumasok ako sa board room at umupo sa tabi ni Miguel habang nagsimulang magsalita si Sir Nigel.
Kaya ako ngayon ay nakikipaglaban nang hindi ako makatulog doon dahil mahirap na. Pero 'di ko parin napigilan.

"Miss Alcantara." narinig kong may tumawag sa akin kaya binuksan ko ang aking mga mata upang makita ang higit sa 15 pares ng mga mata na nakatingin sa akin kasama si Sir Nigel, at ang hitsura nito ay hindi ma maipinta.
"Tapos na ang pagpulong ." anito.
"Sumunod ka sa akin Francine." galit na sabi niya at umalis na doon napatayo naman ako at nakayokong lumabas na rin doon.

"Why does it make you want to sleep every time we're in a meeting?" tanong nito sa akin sa galit na tuno.

"Pasensya na Sir, masama lang talaga ang pakiramdam ko para akong lalagnatin." nakangiwi kong sagot dito at pinatamlay pa ang aking mga mata na para bang masama na ang pakiramdam ko.

"Are you telling the truth." saad nito at mabilis itong tumayo at idinaiti ang likod ng palad nito sa aking leeg.
Napansin kong napalapit siya sa akin. Kaya napalunok ako.
Napatingin naman ito sa akin at mabilis na inilayo ang sarili sa akin.

"Y-you can go home now, k-kung masama ang pakiramdam mo, uminom ka agad ng gamot dahil ayoko na absent ka bukas

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Y-you can go home now, k-kung masama ang pakiramdam mo, uminom ka agad ng gamot dahil ayoko na absent ka bukas." Pagalit na naman na saad nito bago ito bumalik sa kanyang table.

"Ahm. . .sige Sir Nigel, salamat." namumula ko ditong saad at mabilis na lumabas sa kanyang opisina na sobrang lakas ng tibok ng puso. Sa wakas ay makakatulog na ako nang ayos, umalis na ako doon at sumakay sa taxi at umuwi sa bahay.





Kinabukasan ay pumasok na ulit ako, nagsimulang na akong magtrabaho sa araw na iyon. Hindi naging maganda ang araw ko, dahil lahat ng ginagawa ko ay mali sa mata ni Sir, Nigel. Kahit alam ko naman okay naman ang performance ko, ininsulto niya din ako sa bawat ginagawa ko.

Ang sakit na rin ng aking ulo at iba na rin ang aking temperatura at nagiging mataas na rin, nakakaramdam na rin ako ng paghihina at pagod. Sa palagay ko ay talagang nagkasakit ako ng tunay. Karma ko na ata ito dahil sa pagsisinungaling ko kahapon.

Nakayuko ako sa aking kinauupuan dahil wala naman akong ginagawa talagang sumasama ang pakiramdam ko. Maya-maya lamang ay biglang tumawag si Sir Nigel sa entercom.

"Miss Francine sa office ko." angil nito sa kabilang entercom.

"Bakit ba ang bagal mo 'di mo ba mapabilis ang kilos mo?" sigaw nito sa akin kaagad pag-kapasok ko palang sa kanyang opisina.
Pero bago pa ako makasagot sa tanong nito ay natumba na ako sa sahig at nawalan ng malay.

















MADILIM NA KAHAPON (under revision) COMPLETE Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon