Flashback Continuation
LUMIPAS ang apat na taon, nagkatruma na si Francine sa mga ginagawa ng amain niya.
Ang kaibahan nga lang ay hindi ito magalaw galaw ni Amador, dahil patuloy din ang paglalagay ni Manang Gloria nang pampatulog sa tsaa nito sa tuwing sasapit ang pagtatangkang gahasain ito.Isang araw hindi na nagawa pangkontrolin ang sarili nina manang Gloria sa mga nakikita na pinagagawa ni Amador sa anak-anakan, kaya nang maganap ang pagkawala ng malay dahil sa pampatulog ay binalak nilang itakas si Francine kasabwat si Manong Ronnie. Hindi pa nalalapatan ng latigo si Francine nito, ay mawalan na ng malay si Francine at Amador. Kaya pumasok na sina ronnie at kinarga ni Ronnie si Francine habang si manang Gloria, naman ay bitbit ang kakaunting gamit nito. Palabas na sana sila ng bahay na iyon ng bigla na lamang nawalan ng malay si Manong Ronnie, kaya nabitawan nito si Francin na medyo nagising na.
"Mga walanghiya kayo, matapos ko kayong palamunin at ituring na kamag-anak tatraydurin n'yo ako." malakas na sigaw nito habang hawak ang baril sa kamay nito. Binaril pala nito si Manong Ronnie na natamaan naman sa kanang dibdib kaya nawalan ito ng malay. Tuluyang nagising si Francine at takot na takot na tumakbo ito patungo kay manang Gloria.
"Walang hiya ka talaga pati walang kasalanan sa iyo, dinadamay mo." natatakot na saad nito sa amain.
"Nay, umalis na kayo iligtas mo na ang sarili mo at maghanap ka ng makakatulong sa atin," mahinang utos nito sa matanda. Hinarangan naman ni Francine ang daan para hindi mapagtangkaan ni Amador ang matanda alam nitong hindi nito gustong patayin si Francine dahil obsessed ito masyado dito.
"Iyan wala nang tutulong sa akin, masaya ka na?" naluluhang tanong nito sa amain, ngumisi lang ang amain nito at unti-unti itong lumapit dito.
Malapit na ito kay Francine nang bumangon si Manong Ronnie, at sinakal nito si Amador sa leeg sa pamamagitan ng braso nito.
"Tumakas ka na Francine, gamitin mo iyong pick up sa labas 'di ba tinuruan na kita alam kong kaya mo 'yan," nakangiting sabi nito kaya Francine.
"P-pero paano kayo?" nagdadalawang isip ito sa gagawin. "Okay lang ako balang araw masusuklian mo din itong ginawa namin sa iyo. Kaya sige na iha, matagal mo na itong pinapangarap 'di ba, ngayon ay may pagkakataon kana kaya 'wag mong sayangin." si Ronnie, kaya dali-daling lumabas ng bahay si Francine at tumungo sa pick-up at pinaandar na nito ang sasakyan na may ngiti sa labi.
Nakita pa nito ang pagbaril kay manong Ronnie na matagal din niyang nakasama pero nawala rin dahil sa kanya.
"Balang araw mang Ronnie mapapasalamatan din kita." nakangiting usal ng panalangin ni Francine dito.
Sinubukan nitong paputukan ng baril si Francine at habulin ngunit, pinabilis pa nito ang pagpapaandar sa sasakyan at tuluyang nakalayo sa impyernong bahay na iyon.
Nadaan pa nito si Manang Gloria, na tuwang tuwa dahil nakatakas ang alaga niya ngunit, nalungkot ng malamang namatay si Ronnie dahil sa pagpapatakas sa kanya.
Pagkarating nila sa bahay ni Gloria ay masayang sinalubong sila ni Margo ng gabi din iyon ay umalis sila doon. Dahil alam nitong kanyang mahanap ng amain niya ang bahay ni Gloria. Kaya napapadpad sila sa Negros hanggang sa namasukan si Margo sa maynila at si Francine naman ay nag-apply ng sales lady doon.
Makalipas ng isang taon.
Siya'y napadpad sa Maynila, dahil may nakakita kay Amador na nasa Negros, kaya nagpaalam ito kay Margo na luluwas din siya, dahil nga sa amain nito. Hindi naman nag dalawang isip na bigyan ng sapat na pera si Francine ni Margo, para makapunta ng Maynila na imbenta din niya ang pick-up na nadala niya sa pagtakas. Ito siguro ang rason kung kaya siguro na trace siya ng amain nito.
BINABASA MO ANG
MADILIM NA KAHAPON (under revision) COMPLETE
Romance@WattpadStories SOON PHYSICALLY BOOK "Paano mabubuo ang pusong sugatan at pagkatao dahil sa nakaraan?" Francine Alcantara, isang dalagang ulila. Magbabagong buhay mula ng matakasan ang kanyang masamang nakaraan. Pagluwas niya ng Maynila ay lahat ng...