Francine
ANG saklap ng sinapit ni mama sa kamay ni Amador, ayoko mang isipin pero sa palagay ko ako ang may kasalanan ng lahat na nangyari sa buhay namin.
Siguro kung hindi ko kamukha ang asawa nito hindi niya rin babalaking mapasakamay niya ako.
Masamang tao siya pero nagmahal lang naman siya sa maling paaraan nga lang pero kahit unawain ko siya ay hindi nito maibabalik ang buhay ng mga magulang ko.Sana sa mga ipinagtapat ko sa kanya na nagkaanak siya kay mama ay usigin na ito ng kanyang konsensya at kahit kailanman ay hinding hindi niya makikilala si Gina. Lalo na ngayong magkahawig kami nito ayoko man isipin baka pagnakita niya si Gina ay mas lalo itong gustuhin na makuha niya ang anak nito.
Alam kung ma-emluwensya siyang tao pero mas kaya ni Nigel na maprotektahan kami nito kaysa kay Amador, kaya hindi na ako matatakot kung sakaling may binabalak ito ngayon, lalo na't alam niyang may anak siya kay mama, sana dito na matatapos ang lahat ng bangungot ko.NAGISING ako dahil sa sakit ng ulo dahil sa hangover. Mabilis kong naabot ang baso ng tubig na malapit sa akin at ininom ito.
Inihiga ko ulit ang sarili ko sa higaan at napapikit ako inalala ko ang lahat.
Matapos ko kasing dumalaw kay Amador ng umaga ding iyon ay uminom ako at nang nasa kalagitnaan na ako ng pag-iinom ay tinawagan ko at niyaya ang magkapatid na uminom, maya-maya lang ay na sa tabi ko na ang dalawa na walang kibo.Habang ako ay nilalabas ko ang sama ng loob ko sa sarili ko at sa lahat na nangyari. Sinisisi ko lang naman ang sarili ko walang ibang dapat sisihin kundi ako at wala ng iba pa.
Pero ipinapaunawa nila sa akin na wala akong kasalanan at si Amador lang ang may kasalanan ng lahat at 'wag daw akong maguilty. Inabot ako sa pag-iinom ng six thirty ng gabi at hinayaan lang talaga nila akong mag-isang uminom. Hanggang sa akayin na ako ni Nigel pasakay sa kanyang sasakyan at hanggang doon na lang ang naalala ko.
Tumayo ako upang hanapin si Nigel. Bumababa ako papuntang sala pero wala sila doon, kaya hinanap ko sila sa kusina nandoon na silang magkapatid at halatang hinihintay talaga nila akong magising.
Mahinhin akong umupo sa tabi ni Nelina nakayuko ako at hindi makatingin kay Nigel, nakakahiya ang ginawa ko kagabi kahit 'di ko na maalala ang lahat alam kong may ginawa akong nakakahiya.“Kagabi ang lakas ng loob mo uminom, ngayon naman ay para kang tupang maamo kung kumilos, 'di ba sabi ko sa iyo 'wag kang aalis na hindi ako kasama paano kung may ginawa sa iyong masama si Amador?” seryosong tanong nito sa akin.
“Ayoko lang na maka-abala pa ako sa inyo, wala naman nangyari sa— Naputol ang pagpapaliwanag ko nang maramdaman kong may yumakap sa akin, napatingin naman ako sa gawi ni Nelina na pinipigilang matawa.
Kaya napatingala ako kay Nigel na siyang yumakap sa akin. “‘Wag mo na ulit gagawin iyon, pinag-aalala mo ako ng sobra.” saad nito habang mahigpit niya akong niyayakap. Nagtataka ako sa ikinikilos ni Nigel, ano ba talaga ang nanyari kagabi?
“Bakit ka ba ganyan sa akin, may ginawa ba ako kagabi?” tanong ko dito.
“Wala ka ba talagang matandaan?” tanong ulit sa akin ni Nigel kaya umiling ako.
“Wala!” ako.
Sige na nga! Nelina ikuwento muna nga sa kanya. Para makaalis na tayo.
Tumango naman ito at natatawa itong isinalaysay ang lahat
FLASHBACK
MABIGAT ang pakiramdam ni Francine nang makalabas ito ng kulungan kaya dumeritso ito sa isang beerhouse na una niyang nakita at nagpakalasing.
BINABASA MO ANG
MADILIM NA KAHAPON (under revision) COMPLETE
Romance@WattpadStories SOON PHYSICALLY BOOK "Paano mabubuo ang pusong sugatan at pagkatao dahil sa nakaraan?" Francine Alcantara, isang dalagang ulila. Magbabagong buhay mula ng matakasan ang kanyang masamang nakaraan. Pagluwas niya ng Maynila ay lahat ng...