Francine
UMAKYAT ako sa taas sa silid na sinabi sa akin ni Nelina, upang magbihis. Hanggang ngayon ay nahihiya pa rin ako kay Nigel dahil sa mga nagawa ko at nasabi ko kagabi.
Pumasok na ako at lumapit sa isang dressing room na kulay pink at may mga iba't ibang nag gagandahang mga damit ang naroon. Kailangan ko raw na magbihis ng maayos at comportable dahil aalis daw kami, kung saan ay hindi ko alam.
Pinili ko na lang ang isang pants na kulay berde at isang blouse na kulay puti at tinirnuhan ko ng rubbershoes na kulay puti rin. Simple pero halatang mamahalin ang mga naroon kaya nakakahiya naman kung sobrang maganda ang susuotin ko.
Fifty minutes lang ang itinagal ko sa pag shower pero naramdaman ko, kahit papaano ang kaginhawaan at nawala rin ang pananakit ng ulo ko. Hindi ko pa naramdaman ang ganito sa tanang buhay ko. Kaya 'di na talaga ako iinom.
Nagbihis na ako at thirty minutes lang ay tapos na ako. Lumabas na ako ng silid na iyon at bumaba na sa sala para hintayin ang dalawa.
'Saan nga ba kami pupunta?' tanong ko sa isip ko. Umupo ako nang maayos at inalis ko ang pagkakapuyod ng mahaba kong buhok para matuyo habang hindi pa bumababa sina Nigel.
Nang biglang may kumatok sa pintuan, kaya naglakad ako papunta sa pintuan doon, dahil wala naman akong nakitang maid na naaligid aligid sa sala.
Binuksan ko ito at si Miguel ang napagbukasan ko,"Miguel, come may kailangan ka ba kina Nigel?" bati at tanong ko rito.
"Oh God Franz, are you okay you're not hurt?" He asked worriedly.
"Ayos lang ako," sabi ko, sa tuno nito ay parang may alam na ito sa mga nangyari sa akin.
"Alam mo na ba ang lahat tungkol sa nakaraan ko?" balik na tanong ko rito.
Tumango naman ito at tumingin sa akin ng ilang saglit at malungkot itong ngumiti sa akin."Sigurado ka bang okay ka na?" sabi niya at tumingin nang malalim sa aking mga mata.
"Yes, Salamat sa concern, halika aalis kami mabuti't na abutan mo pa kami," ako at niluwagan ko ang pag kakabukas ng pintuan.
"No need. I just came here to say goodbye to you. I'm going to leave," aniya.
"Ah, bakit papasok ka na ba sa opisina?" ako at umiling ito.
"No, aalis na ako papuntang Korea upang ihandle ko ang isa pang negosyo doon," Aniya kaya nagulat ako.
"Ah, bakit?"
"Dahil kailangan, ngayong alam kong magiging okay ka na sana maging happy kayo ni Nigel." malungkot na saad nito.
"And Listen to me, kahit ano matuklasan mo or if ever you find out about Nigel, please, accept him or believe him, if you really love him." mahabang paliwanag nito.
Tumango na lamang ako sa mga sinabi niya, alam ko na rin naman ang nakaraan ni Nigel, nasabi na sa 'kin ni Neline. Ayaw ko lang pangunahan ko si Nigel na sabihin sa akin nito ang nakaraan. Alam kong balang araw ay magkukwento ito tungkol doon.
"Promise, tatandaan ko 'yang sinabi mo. Mamimiss kita, Miguel, mag-iingat ka roon anuman ang dahilan mo sa pag-alis mo 'wag mo ako kakalimutan, ah?" ako at niyakap ko ito na ginantihan naman ng yakap nito.
"Sige, hindi talaga kita makakalimutan." He said and kiss me on my forehead matapos naming magyakapan ng pamamaalam.
"Alam na ba ni Nigel na aalis ka?" ako,
"Off course, (siya pa nga ang nagpapaalis sa akin)." sabi niya may sinabi pa ito pero hindi ko na narinig binitawan na kasi nito ako at naglakad na paalis.
BINABASA MO ANG
MADILIM NA KAHAPON (under revision) COMPLETE
Romance@WattpadStories SOON PHYSICALLY BOOK "Paano mabubuo ang pusong sugatan at pagkatao dahil sa nakaraan?" Francine Alcantara, isang dalagang ulila. Magbabagong buhay mula ng matakasan ang kanyang masamang nakaraan. Pagluwas niya ng Maynila ay lahat ng...