Dalawampu't kabanata

1.8K 72 4
                                    

NAKARATING ako sa bahay at nahiga ako saglit para makapagpahinga bago ako kumain ng dinner. Hindi ko na binuksan ang ilaw dahil sanay naman na ako sa dilim at kabisado ko na ang pasikot sikot ng apartment na ito.

Maya lang ay bumangon na ako at pumunta sa kusina, pero hindi ko pa rin binubuksan ang ilaw.

Tapos na ako sa pagluluto kaya naghain na ako at binuhat ko ang pinggan at dinala sa sala, upang manood ng TV.

"My Princes!" Tawag sa aking ng pamilyar na boses kaya, nabitiwan ko ang plato na hawak ko sa aking kamay, nahulog at nabasag ito.

Unti-unti akong umangat nang tingin sa taong iyon at nanginginig ako sa takot na nasalita,

IKAW!

Doon siya nakaupo sa isang sopa, ang binti nito ay nakapatong sa lamesa at nakangiti sa akin na nakakatakot.

Ang taong sumira sa buhay ko noon ay nandito sa aking harapan.

Tumayo ito at naglakad palapit sa akin, amoy alak at sigarilyo ito.

"Kaytagal kong hinintay ang sandaling ito. My princess," sabi niya at hinaplos ang aking buhok. Habang ako ay kukulaps na sa sobrang takot.

Sa sandaling iyon ang aking mga binti ay unti-unting nanghihina, hindi ko maigalaw ito na para bang nakapako at nakadikit ako sa kinatatayuan ko.

"Nagbago ka na, pumuti at napakaganda, tulad ng iyong ina," sabi niya at ang kanyang palad ay lumapag sa aking mukha at sinampal ako ng malakas.

Agad namang namula ang aking pisngi dahil sa sampal na iyon, agad ding tumulo ang mga luha ko sa natatakot kung mga mata.

Hinawakan niya nang mahigpit ang aking buhok at itinulak ako sa sopa. Pinatingala niya ako sa kanya at sinibasib nito ng halik ang aking mga labi. Iyak ako ng iyak at nadidiri sa mga ginagawa niya.
'Lord please help me, please.'

Nagawa kong maabot ang isang plorera at inihampas ko ito sa kanyang ulo habang siya ay lalong nagalit, ang tigas ng ulo nito dahil 'di man lang niya ininda ang ginawa ko.

Nagpupumiglas ako ng malakas kaya nabitiwan niya ako kaya pagkakataon ko na para tumakbo palabas ng apartment na sira na ang blouse na suot ko.

Tumakbo ako nang mabilis habang naalala ko na naman ang hindi magandang alaala na patuloy na kumakawala sa aking memorya.

Hinahabol din niya ako tulad ng dati, ng unang maganap ang pagtakas ko sa kanya. Bumalik lahat ng nangyari sa buhay ko sa aking alaala ang sakit at takot ko noon ay bumalik din lahat.

Ngunit ang oras na ito ay iba, ako ay nanghihina na at pagod na, ang aking katawan ay nagsimulang gumiwang, dahil nahihilo na ako.

Ang puso ko ay mabilis na kumakabog at masakit na rin aking mga paa, dahil sa high heels na suot ko, basang basa na rin ng luha ang buong mukha ko at naghalo na yata ang sipon at pawis ko.

Hindi ko na kaya pa nanlalabo na rin ang aking paningin at unti-unti nang pumipikit ang mata ko, hanggang sa mawalan na ako ng malay sa kalagitnaan ng kalsada.





FLASHBACK

Year 2005

Namatay ang ama ni Francine sa isang akisedente noon, nadisgrasya ito habang angkas ng kanilang tricycle. Ilang buwan lang nang magpakasal ang ina nito sa isang lalaking maykaya at isang businessman at may isang laundery shop na may iba't ibang branches na sa Pilipinas.

Ang nanay niya ang namamahala nito kaya naging maalwan naman ang buhay nila dahil sa kanyang amain, nakalimutan nilang unti-unti at nakamove on sa pangungulila nila sa kanyang tunay na ama.

MADILIM NA KAHAPON (under revision) COMPLETE Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon