Chapter 21

3.6K 57 0
                                    




Nakatulala lang ako hanggang sa makarating ako sa penthouse ni Thaddeus. Kinagat ko aking labi at inikot ko aking mga mata sa buong kabahayan.



I'm going to miss this house. My memories here will remain forever in my mind and heart.



Hindi ko mapigilan sa paglandas ang aking mga luha habang inaalala ang lahat ng masasayang alaala namin ni Thaddeus sa bahay na ito.



But I have no choice but to let go. To let go my happiness just to save Thaddeus. Napakahirap pero kailangan kung tanggapin ang lahat ng ito.



Siguro nga hindi talaga kami ni Thaddeus para sa isa't-isa at kung kami man ay tadhana na mismo ang gagawa nang paraan para magkita ulit kami.



Sisiguraduhin kung pag nagkita ulit kami ay buo na ang buong pagkatao ko at hindi na muli ako masasaktan.



Nakakapagod sobrang nakakapagod na paulit-ulit ka nalang nasasaktan.



Pumunta ako sa kwarto upang kunin ang mga damit ko doon. Hindi ko alam kung saan ako pupunta, wala akong mapupuntahan ngayon pero wala akong magawa kundi ay umalis sa pamamahay niya.



Nang matapos ako sa pag-aayos sa aking mga damit ay muli kung tiningnan ang kabuoan ng kwarto. Mapait akong napangiti ng maalala ko ang unang gabi namin dito.



May hangganan din pala ang lahat ng kasayahan.



I'm sorry Thaddeus. Alam kung hindi mo ako mapapatawad sa oras na malaman mo ang lahat ng ito. I want you to save you Thaddeus. I don't want to take your happiness and your dream away from you, ayaw ko na ako ang maging dahilan ng pagbagsak mo sa bandang huli. Mas okay na kung ako ang masaktan huwag lang ang mga taong mahal ko.



Napatingin ako sa cellphone ko nang may nag send sa'kin nang video.



Tumulo ang mga luha ko habang tinitingnan ang video. It was Thaddeus and Gergenia again kasama ang mga pamilya ni Thaddeus. Kita ko kung gaano siya kasaya kasama ang pamilya niya at si Gergenia.


Nakapulupot ang mga kamay ni Gergenia sa braso ni Thaddeus at nakahilig din siya sa balikat ni Thaddeus.



From: Unknown

It was Thaddeus' father's birthday celebration, Peony. Can't you see? He's happy with me now, please let him go. His parents also happy for us, if you don't want us to destroyed please leave him alone. Hindi lang sa buhay ni Thaddeus kundi umalis ka na rin sa lugar na 'to!



Napatakip ako ng labi pagkatapos kung panoorin ang video at sa pagbasa ng text niya. Wala nang mas maisasakit pa sa nararamdaman ko ngayon. Siguro nga ito na ang patunay na kailangan ko ng umalis sa buhay ni Thaddeus maging sa kanila.



Kahit kailan ay hindi ako magiging sapat para kay Thaddeus. Mahal na mahal ko siya pero awang-awa na ako sa sarili ko.



Naluluhang umalis ako sa penthouse ni Thaddeus. Hindi ko alam kung saan ako pupunta ngayon. Wala akong pera at mas lalo wala akong kakilala kahit ni isang kamag-anak.



I need to talk to my mom. Siya nalang ang pwedeng makakatulong sa akin ngayon. Hindi ko alam kung papayag ba siya sa desisyon ko pero umaasa ako na sana ay matulungan niya ako kahit sa ganitong paraan nalang.



Nang makarating ako sa bahay ay kaagad kong hinanap si mommy. Pumunta ako sa mini office niya pero wala pa din siya. Walang ni isang tao sa loob ng bahay kahit si Gemini ay wala!



The Beauty Of Paeoniaceae (Untamed Heart #1) ☑Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon