Kiss...
"Peony!" I heard his voice at my back. Mas binilisan ko pa ang paglalakad ko para maiwasan siya.
"Peony, wait!" Hinawakan niya ang kamay ko para pigilan ako. Kumunot ang noo niya ng makita niya ang pagngiwi ko.
He was holding my wrist kung saan ang mga sinugatan ko kagabi.
"Let me go!" Naiinis na sabi ko sa kanya at pilit na kinukuha ang kamay ko mula kanya. Mas lalo niyang hinigpitan ang paghawak niya sa kamay ko nang maramdaman niyang gustong-gusto kong kumawala sa hawak niya.
I close my eyes to endure the pain that he was giving to me.
"T-Thaddeus, w-what are you doing?" Ramdam ko ang bawat sakit na salita na lumalabas mula sa akin. Nagulat ako ng tinaas niya ang sleeve ng uniform ko dahilan kung bakit nakita niya ang sugat ko doon.
"What the hell is the meaning of this, Peony!" Ramdam ko ang galit sa pagkasabi niya. Umiwas ako ng tingin sa kanya dahil hindi ko alam kung paano ko ito sasabihin sa kanya.
"It's none of your business!" Maikling tugon ko habang hindi parin ako makatingin sa kanya. Ramdam ko ang paghinga niya ng malalim na para bang pinipigilan niya ang kanyang galit.
"You're my business my, Peony!" Mariing sabi niya. Tiningnan ko siya gamit ang mga matang nagtataka.
"Kailan mo pa ako naging business, Thaddeus?" Hindi makapaniwalang sabi ko sa kanya. Kung ano man ang binabalak niya ay mas mabuting tigilan na niya dahil wala akong panahon makipagbiruan pa sa kanya.
"The day when the first time I laid my eyes on you." Malamig na sabi niya sa'kin. Hindi ko alam kung bakit parang may humaplos sa dibdib ko.
Umiwas ulit ako ng tingin sa kanya dahil hindi ko kayang makipagtitigan sa maganda niyang mga mata. What the hell, Thaddeus!
"Thaddeus, let me go!" Mas lalo niya pang hinigpitan ang pagkahawak niya sa kamay ko na para bang ayaw niya na itong bitawan pa.
Nagulat ako ng hinila niya ako hanggang sa nakarating kami kung saan nakaparking ang sasakyan niya.
"What the hell are you doing, Thaddeus! Bitawan mo ako!" Galit na sabi ko sa kanya habang nagpupumiglas.
"What do you think you were doing to yourself, Peony!" Galit na galit niya akong binalingan. Hindi ko maiwasan titigan siya lalo na't ang mga mata niya na sumisigaw ng galit. Hindi ko alam kung bakit galit na galit siya, wala naman akong ginawa sa kanya.
"Sakay!" Malamig na sabi niya bago ako pinapasok sa sasakyan niya. Hindi na muli akong nag pumiglas pa sa kanya. Kahit ako ay hindi ko alam kung bakit naging sunod-sunuran ako sa lalaking 'to.
BINABASA MO ANG
The Beauty Of Paeoniaceae (Untamed Heart #1) ☑
Fiksi UmumPaeoniaceae Avisha Alcantara Thaddeus Haines Roblez