New friend...
I look at my reflection in the mirror if something's wrong with my outfit. I decide to go to my favorite coffee shop. Doon ako palaging tumatambay kapag mayroon akong vacant or bored ako sa bahay.
I like to be there, dahil bukod sa maganda doon ay mayroon ding mga books na naka-display doon. Medyo nakasanayan ko na ding tumambay doon kaya doon ako palaging nagpapalipas ng oras.
Dahan-dahan akong bumaba nang hagdan para maiwasan na makagawa ako ng ingay. My mom have a visitors now at rinig na rinig ko ang tawanan nila mula sa sala.
Hindi ako makikita dito dahil masyadong tago dito banda sa aking kinatatayuan. I heard Gergenia's laugh, medyo nainis pa ako doon dahil masyadong maarte ang pagkakatawa niya na kung akala mo ay mala-anghel.
"You know, Haines. I've been busy for the whole week because of my photo shoots. Medyo mahirap ipagsabay ang pag-aaral at trabaho." Rinig kong sabi ni Gergenia.
"I'm so happy 'cause finally we met again after how many years, Haines. How's your life in Spain?"
"Fine." Malamig na sabi ng lalaki. Saglit na kumunot ang noo ko dahil doon. Masyadong mahaba ang sinabi ni Gergenia tapos iyon lang ang isasagot niya?
Hindi ako umalis sa pwesto ko at nanatiling pinapakinggan ang pinag-uusapan nila. Hindi ko alam kong bakit! Samantalang dati ay wala naman akong pakialam kung may mga bisita sa bahay pero ngayon ay gustong-gusto kong makinig sa kanila.
"You know my daughter is very loyal to you, hijo. Tinanggihan niya lahat ng mga manliligaw niya because of you. Ayaw ka niyang ma disappoint sa bandang huli." I bit my lower lip when I heard my mom's voice.
So Gergenia have a boyfriend na? Wala akong balitang may naging boyfriend siya pero ang daming umaasa sa kanya. She's pretty kaya hindi na ako magtataka doon.
"My son is graduating this year, Denia kaya masyado siyang naka-focus sa kanyang pag-aaral. Kaya lang nagkasakit si papa kaya napilitan kaming i-transfer siya sa La Salle." Rinig kong sabi pa nang isa babae. Kung hindi ako nagkakamali ay mommy niya iyon.
"Really? I'm also in La salle, Haines. What is your course, then?" She said happily while saying those words. Oh! I thought that's her boyfriend kaya nagtataka ako na hindi niya alam ang mga bagay na iyon sa boyfriend niya.
"Engineer." To my curiosity, unti-unti akong lumapit sa kanila para tingnan 'yong lalaki.
Hindi ko alam kong bakit ganito ang mga kinikilos ko. I'm just curious about him. Patago ko siyang tiningnan mula sa sala. Nakatalikod si Gergenia and mommy while the guy and maybe his mom ay nakaharap kila Gergenia and mommy. Mukhang masyadong seryoso ang pinag-uusapan nila.
Tiningnan ko nang mabuti ang lalaki. He looks bored here na para bang napipilitan lang siya na sumama sa kanila. Bumagal ang hininga ko ng mas tiningnan ko pa ang lalaki.
BINABASA MO ANG
The Beauty Of Paeoniaceae (Untamed Heart #1) ☑
General FictionPaeoniaceae Avisha Alcantara Thaddeus Haines Roblez