Chapter 25

4K 63 1
                                    




I don't know where should I start talking to her. Hindi ko pinaghandaan ang araw na 'to na magkikita kami. Bakit naman masyadong maaga?


Who'll be next? My mom? Gergenia? Alberto? Or Thaddeus?


"Ahm" napatingin ako sa kanya nang tumikhim ito.


I invite her to my condo, I don't want to be rude at her just because of what happened years ago, after all she's still my sister. And she's out of what happened years ago.



Kung sino man dapat ang managot 'yon ay si Alberto lang. I suddenly remembered that Gergenia's saw us that night, but until now I've always wondered that, why she didn't help me that night?



Hindi ko alam kung bakit bigla na namang sumikip ang aking dibdib tuwing naalala ko ang gabing 'yon.



"Ate, okay ka lang?" Napatingin ako kay Gemini nang magsalita ito. Tipid akong ngumiti sa kanya. I miss her so much. God knows how much I missed my sister.



"Kamusta kana?" Tipid na tanong ko sa kanya, Saglit siyang yumuko bago ulit binalik ang tingin sa'kin.



"I-I'm doing goods now." Marahan akong tumango sa kanya. I'm happy that she was doing good, 'yon lang naman ang gusto ko sa kanya ang maging masaya siya at nasa maayos na kalagayan.



"I thought, I will never see you again." Nakita ko ang pamumula ng mga mata niya. Hindi ko alam kung paano ko siya patutunguhan ngayon.


Kinagat ko aking labi bago ko hinawakan ang kanyang kamay.


"I'm happy that we meet again." Nakangiting sabi ko sa kanya, hindi ko na malayan na kusa na palang tumulo ang aking mga luha.



"It's been a year, ate. We thought you were already dead." Humihikbi na sabi niya. "I didn't believe that you were dead because I know you're a strong woman, ate. That you'll never leave us alone." Niyakap ko siya para pakalmahin siya sa pag-iyak.



Ayaw kong nakikita siyang umiiyak sa harap ko, mas nasasaktan ako kapag ganito siya.


"I'm already here, Gem." Marahang sabi ko sa kanya.



"I'm glad that you're okay, ate. Masaya ako na nandito kana at yakap-yakap ako. I've been dying this for years." Nanginginig na sabi niya at mas hinigpitan ang pag-yakap sa'kin.



"I'm sorry." Thats the only what I can say to her. I know, sorry isn't enough her to forgive me.



"No ate, I'm sorry. I should be the one who'll be sorry for you. I'm sorry for my father's did to you, I'm sorry ate." Nanlaki ang mga mata ko dahil sa sinabi niya.



Kumalas ako sa yakap at tiningnan siya. "You knew?" Hindi makapaniwalang sabi ko sa kanya. Pinikit niya ang kanyang mga mata bago tumango sa akin.


Hindi ko alam bakit mas naninikip pa ang dibdib ko ngayon.


"We saw the CCTV that you were harassed by my father. We investigate after the accident happened to you. Gamit mo ang sasakyan ni Daddy nung naaksidente ka. Nung kinuha ang sasakyan sa dagat ay wala na ang katawan mo doon, pinahanap ka namin pero wala kaming natanggap na balita tungkol sa'yo. Akala namin patay ka na pero hindi ako naniwala doon. Hangga't walang bangkay na ipinapakita ay hinding-hindi ako maniniwala." Umiiyak na sabi niya.



"Kaya naisipan naming mag paimbestiga kung ano nga ba ang nangyari sa'yo nung gabing 'yon. And we saw that you were harassed by him, nakita din namin kung paano ka lumaban. At ilang beses din namin nakita na matagal ka na pala niyang hina-harassed, but you didn't tell us about that. " Kusang tumulo ang mga luha ko sa aking mga mata.



The Beauty Of Paeoniaceae (Untamed Heart #1) ☑Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon