Chapter 13

3.8K 56 0
                                    



Kinabahan ako nang pinatawag ako ni mommy sa mini office niya dito sa bahay. Alam ko na dahil ito sa mga nangyari kanina.



Kumatok muna ako bago pumasok sa loob. Mariin siyang nakatingin sa akin. Unti-unti akong lumapit sa kanya at umupo sa harap niya.



"Kailan pa?" Unang tanong niya sa akin ng makaupo ako sa harap niya.


"Matagal na" Mahinahong sabi ko sa kanya. Hindi makapaniwalang tiningnan niya ako.



"And you didn't tell us about this?" Kunot-noo ko siyang tiningnan. Why do I need to tell them? Pati ba naman 'yon ay issue sa kanila?



"Why do I need to tell you, mom? May mali ba para kilalanin ko si Thaddeus? Tao din naman ako, may karapatan akong kilalanin sila o kahit sino pa man!" Pinikit niya ang kanyang mata at muli akong tiningnan.



"Alam mo naman ang sitwasyon 'di ba? I'm trying to save your reputation here, Peony! Pero ikaw lang mismo ang sumisira!"



"No, mom! You're not trying to save my reputation dahil reputasyon niyo lang ang iniingatan niyo at hindi sa'kin!" Galit na sabi ko sa kanya. Saglit siyang nagulat doon bago ulit sumeryoso.


"Peony!"


"No, mom. Kung sasabihin niyo na layuan ko siya? My answer is no! Hindi ko lalayuan ang mga taong nagparamdam sa akin ng mahal ako. Kahit hindi ko sinabi kay Thaddeus ang tungkol sa akin ay alam na niya! He knew me for a long time. He knew about my existence and what life I have! " Nagulat siya sa sinabi ko.



" Yes, mom. You heard me, right? He knew me for a long time! Bakit pa ako magsisinungaling sa kanya kung kilala na din naman niya ako?"



"But you knew that he's for Gergenia, Peony!" Hindi makapaniwalang tiningnan ko siya. How could she say that words! Hindi isang bagay si Thaddeus para ibigay kung kani kanino lang!



"Hindi siya para sa kanya o para kung kanino, Mom! Hindi mo hawak ang buhay nang tao para pangunahan siya sa mga desisyon niya. Kung gusto ni Thaddeus si Gergenia dapat matagal na silang dalawa, but no! He's with me trying to catch my attention!"



"How dare you say that word!" Galit na galit na sabi niya. Umiling ako sa kanya dahil kahit anong gawin niya ay hindi niya ako mapapalayo kay Thaddeus.



Parehas kaming napatingin nang bumukas ang pinto at galit na galit na mukha ni Gergenia ang sumalubong sa'min. Sinampal niya ako ng malakas ng makalapit siya sa amin.



"Gergenia!" Galit na sabi ni mommy sa kanya na nagulat din dahil sa ginawa ni Gergenia.



"How dare you! You bitch! Mang-aagaw ka talaga kahit kailan!" Galit na galit na sabi niya at sinampal ulit ako. Tumayo si mommy at pumagitna sa amin.


"Gergenia, stop it!" Mommy.


"Mom, she seduced, Haines! Alam niya naman na kami!" Tiningnan ako ni mommy.



"Get out, Peony. Ako na ang  bahala dito!" Tumango ako sa kanya bago lumabas. Dinig na dinig ko pa ang sigaw ni Gergenia na halos patayin na ako sa galit niya.



Nakita ko kaagd si Alberto pagkalabas ko nang office ni mommy. Nakangisi siyang nakatingin sa'kin. Masama ko siyang tiningnan bago pumunta sa kwarto ko at nilock.



Napatingin ako sa cellphone ko nang may tumawag doon. I saw Thaddeus' name kaya sinagot ko kaagad.



[Hey, you okay?] Bungad niya kaagad sa'kin. Napangiti ako dahil ramdam na ramdam ko ang concern sa kanyang pagkasabi.


The Beauty Of Paeoniaceae (Untamed Heart #1) ☑Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon