Chapter 23

3.8K 66 0
                                    



I woke up that Crocus isn't already beside me. Hindi na ako nagtaka pa doon dahil mas maaga talaga siyang nagigising kaysa sa'kin.



Bumangon ako at pumunta sa CR para maligo. I still have a work today. Mag-oover time ako kasi hindi ko natapos ang mga dapat kong gawain kahapon.



I fixed myself before I go out of my room. Pagkalabas ko palang ng kwarto ay rinig na rinig ko na ang boses ng anak kong tumatawa.



Bumaba ako para tingnan kung sino ang kalaro niya at napangiti ako nang makita ko si Archer na buhat-buhat ang anak ko.



"Mommy, help..." Sigaw ng anak ko nang makita niya ako kaya napangiti ako doon.



"Good morning anak ko." Kinuha ko siya kay kuya at hinalikan ang mapupulang labi niya.



"How about me? You didn't greet me!" Inirapan ko siya dahil doon.



"Mommy, Papa is trying to kill me." Nakangusong sabi ni Crocus sa'kin. Ginulo naman ni Kuya Archer ang buhok ni Crocus.



"Gustong-gusto mo naman." Pang-aasar ni kuya sa kanya. Sumimangot naman ang anak ko dahil doon at binaon ang mukha niya sa aking leeg.



He used to call Papa to kuya Archer. Nagulat nalang ako na tinatawag niya itong papa pero hinayaan ko rin naman kalaunan. Hindi ko tuloy maiwasan ang hindi isipin si Thaddeus. What if Thaddeus' will found out about Crocus?



Ilang years na din ang nakalipas at panigurado akong nakalimutan niya na ako. Siguro ay may sarili na din siyang pamilya.



"You're going to your restaurant now?" Tanong ni kuya sa'kin. Tumango naman ako doon.



"Yeah, hindi ko natapos ang mga gawain ko kahapon dahil kay Kelsie, kaya mag-oover time ako ngayon."



"Don't work too much, it's not good for your health." Ngumiti ako sa kanya. Hanggang ngayon ay hindi ako makapaniwala na kuya ko siya.



Kaya pala nung unang tagpo namin ay may kakaiba akong nararamdaman sa kanya. Nagtataka din ako noon kung bakit sobrang protective niya sa'kin, 'yon pala ay gusto niya akong protektahan laban sa mga taong gusto akong saktan.



Hindi ko alam kung hanggang kailan ako magpapasalamat sa kanya. Utang ko ang buhay ko kay kuya, he save my life nung akala ko wala na akong pag-asa para ma buhay pa sa mundong ito.



He also save my baby, my Crocus Theodore. Hindi ko alam na buntis na pala ako noon. Kung alam ko lang ay  hinding-hindi ko ipapahamak ang anak ko.



"Good morning, people." Parehas kaming napatingin nang sumigaw si Kelsie na kakapasok lang sa bahay.



"Tita ganda..." Sigaw ni Crocus at nagmamadaling bumaba sa pagkakabuhat ko sa kanya para puntahan si Kelsie. Kaagad naman tumakbo si Kelsie para salubungin siya ng yakap.



"I miss you my crocodile." Ani Kelsie bago binuhat si Crocus at hinalikan.



"Ah, tita I'm not crocodile." Nakangusong sabi nang anak ko. Napailing nalang ako sa kakulitan ng dalawa.



"But I want to call you with that name, baby." Nakangusong sabi ni Kelsie. "Aren't you miss me?"



"Of course, I miss you." Saad ng anak at binigyan ng halik si Kelsie sa pisngi at labi. Tumili naman si Kelsie doon.



The Beauty Of Paeoniaceae (Untamed Heart #1) ☑Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon