Chapter 16

3.6K 49 0
                                    



I've been doing household chores when I received a call from Gemini. I don't why she suddenly called me. It's been three weeks since I left in my house and starting live in with Thaddeus.


Thaddeus has been busy in his intern for the passed weeks, minsan late na siyang umuwi sa bahay. I understand him because I'm the one who pushed him to focus on his study since he's graduating student.


[Hello ate?] Napangiti ako nang marinig ko ulit ang boses niya. Simula nang umalis ako sa bahay ay wala na akong balita sa kanya o sa kanila, hindi ko nga alam kong hinahanap nga ba ako ni Mommy.


"[Kamusta ka na Gemi? Napatawag ka?] Narinig ko ang paghinga niya nang malalim na para bang may gusto siyang sabihin sa'kin.


[Lately kasi ate, nagtatanong sa'kin si mommy kung nasaan ka. Naririnig ko din minsan na nag-aaway sila ni dad simula nang umalis ka sa bahay.] Natahimik ako sa sinabi niya. Nag-aaway sila ni mommy at ang asawa niya? Dahil ba ito sa'kin?



[I'm sorry ate for telling this to you, I think pinapahanap ka na ni Mommy at sigurado din ako na alam na ni dad kung saan ka ngayon.] Kinabahan ako bigla sa sinabi nang kapatid ko na alam na ni Alberto kung saan ako?



Bakit niya pa ako kailangan hanapin?! Umalis na nga ako sa kanila dahil gusto ko nang mamuhay nang tahimik!


[Ate, are still there?] Sabi niya dahil bigla akong natahimik.


"[Yes, Gemi. I'm sorry tatawag nalang ulit ako sa'yo. Bye, ingat ka palagi 'jan.] Sabi ko atsaka pinatay ang tawag.


Umupo ako sa sofa para pakalmahin ang sarili ko. Tuwing naririnig ko ang pangalan ni Alberto ay bumabalik sa'kin ang mga ginawa niya. Sobrang laki ang naging epekto niya sa'kin.



Hindi naman habang buhay ay na magtatago sa puder ni Thaddeus, dadating parin ang mga araw na haharapin ko si mommy at Alberto. Hindi ko nga lang alam kong kailan, basta kailangan ko lang paghandaan ang sarili ko.



Napatingin ako sa pinto nang may nag doorbell. Kinabahan pa ako nung una kasi wala namang naging bisita si Thaddeus sa mga nagdaang araw, simula nang tumira ako sa kanya.



Ilang beses akong napahinga nang malalim bago binuksan ang pinto, bumungad sa'kin ang isang magandang babae na familiar ang mukha sa'kin. Hindi man lang siya nagulat nang makita niya ako.



She's Thaddeus' mother, naalala ko na ang mukha niya na minsan na ding pumunta sa bahay.



Kinabahan ako sa klase nang tingin niya sa akin, hindi ko alam kung anong gagawin ko sa kanya kung papasukin ko ba siya o hindi pero in the end ay umatras ako para bigyan siya nang daan para makapasok.


"P-pasok po kayo Ma'am." Magalang na sabi ko sa kanya. Hindi niya pinansin ang sinabi ko dahil nakatingin lang siya sa'kin.



"So, it's true na may inuuwi ang anak kong babae sa penthouse niya." Kinagat ko aking labi dahil doon. Hindi ko alam kung bakit ako nasaktan sa klase nang pananalita niya at tingin sa'kin.



"Hindi na ako magtatagal pa dito, tiningnan ko lang kung totoo nga ba ang mga balita tungkol sa anak ko. Hindi na ako nagulat nang makita kita dito." Napayuko ako dahil doon. Hindi ko alam ang isasagot ko sa kanya.



"I'm sorry." Hinging paumanhin ko sa kanya. Naintindihan ko siya, nanay siya ni Thaddeus at karapatan niyang husgahan ako dahil tumira ako sa anak niya nang walang pahintulot niya.



The Beauty Of Paeoniaceae (Untamed Heart #1) ☑Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon