Chapter 28

4.1K 69 1
                                    




It's already one AM when I saw mama and Crocus out of the airport. I wave my hand to them so they can see me here.


When Crocus sees me, he immediately runs towards me. Kaagad ko siyang niyakap ng mahigpit nang makalapit siya sa akin.


"Mommy" Masayang sabi niya nang mayakap niya ako. Binuhat ko siya at hinalikan ang buong mukha niya. Suminghap naman siya doon.


"I miss you so much, anak." Malambing na sabi ko sa kanya. Ginulo naman ni Archer ang buhok ng anak ko kaya napasimangot si Crocus doon.


"Tito, don't ruin my hair!" Galit na sabi ng anak ko.


Humalik ako sa pisngi ni mama nang makalapit siya sa'min.


Hinatid kami ni Archer sa Condo namin. Gusto sana ni Archer at mama na doon muna kami sa bahay nila matutulog pero hindi ako pumayag. Sinabi ko nalang na pupunta kami bukas doon dahil doon ko din naman iiwan si Crocus sa kanila habang naghahanap pa ako ng magbabantay sa kanya.


Napangiti ako nang makita ko ang anak kong naglalaro sa mat habang inaayos ko ang mga gamit niya. It's already two AM na pero gising na gising parin ang anak ko.


Nang matapos ako ay binuhat ko siya at dinala sa kwarto ko. Dito muna siya sa kwarto ko matutulog dahil sobrang namiss ko talaga ang anak ko.


"Mommy, story." Ani Crocus. Hinalikan ko siya sa noo bago ko tinapik-tapik ang paa niya para makatulog.

"I'm sorry, baby. I forgot to buy your storybook. Promise I will buy you a story tomorrow." Napangiti naman ako nang makita kong ngumuso ang anak.



Alas onse na ng umaga ako nagising dahil madaling araw na ako nakatulog kanina. I saw my son peacefully sleeping on my bed. I kiss his forehead before I went out of my room to cook our lunch.



I cooked Adobo because that was Crocus' favorite food in Filipino dish. Nang matapos ako sakto namang lumabas si Crocus sa kwarto ko habang kinukusot ang mata niya.



Kaagad ko siyang pinuntahan at binuhat papunta sa kitchen. Nilagyan ko ang plato niya ng kanin at Adobo pagkatapos ay sinubuan ko siya.


After we eat, I bathed him because we're going to Archer's home. As much as I want to spend my time with my son now, but I can't do it now dahil absent si Allen ngayon, may emergency lang sa kanila kaya magha-half day nalang muna ako sa trabaho ko ngayon.



Pagkalabas namin nang condo ay sakto namang nasa pintuan si Gemini na mag do-doorbell na sana kung hindi lang kami lumabas.



Nakita ko ang malapad niyang ngiti habang nakatingin sa'kin pero unti-unti ding nawala nang bumaba ang tingin niya kay Crocus. Naka kunot ang noo ni Crocus habang nakatingin sa tita niya na para bang nangingilala pa ito.



Napabuntong hininga ako at muling tiningnan si Gemini na ngayon ay nagtataka nang nakatingin sa akin.



"Ahm, Gem this is Crocus, my son." Napaawang ang kanyang labi doon. Pabalik-balik ang tingin niya sa amin ni Crocus na para bang hindi parin nagpo-proseso sa utak niya ang mga sinabi ko.

"Y-your son?" Nauutal na sabi niya. Tipid akong ngumiti sa kanya bago tumango.


"A-ate" nanginginig na sabi niya sa pangalan ko. Tumulo ang mga luha niya habang nakatingin na ngayon kay Crocus.


Yumuko siya at niyakap ang anak ko. Kinagat ko aking labi para pigilan ang mga nababadyang luha ko. Umangat ang tingin ni Crocus sa'kin na para bang humihingi siya ng tulong sa akin. Tipid kong nginitian ang anak ko habang hinahaplos ang buhok niya.


The Beauty Of Paeoniaceae (Untamed Heart #1) ☑Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon