Chapter 3

2.1K 46 5
                                    

NAGISING ang diwa ko nang may marinig akong malakas at sunod-sunod na kumatok sa kwarto. Napakamot pa ako ng mata pero nang sumigaw ito ay kumabog bigla ang dibdib ko.

"Tangina, Trisha! Buksan mo 'to!" ramdam ko ang pagkagalit sa tono niya kaya agad na akong bumangon.

Naalala kong ayaw na ayaw niya pala ang mag-lock ako ng kwarto ko.

Kahit ang lakas ng kabog ng puso ko ay mas minabuti ko nang buksan ang pinto. At hindi nga ako nagkakamali. Isang malakas na sampal na naman ang natanggap ko.

Mahigpit niyang hinawakan ang buhok ko dahilan para mapatingala ako sa kanya. Kitang-kita ko kung paano niya ako pandilatan ngayon ng mata.

"Ano bang sabi ko sa'yo, ha?! Huwag na huwag kang maglo-lock ng pinto! What now, trisha?! May tinatago ka?! Sagot!" sunod-sunod nitong sigaw habang ang mga kamay ko ay nakahawak sa kamay niyang sumasabunot sa buhok ko.

"Apollo, w-wala... bitawan mo—"

"Sinungaling!" pagputol niya sa'kin at malakas akong itinulak kaya tumama ang bewang ko sa bakal ng kama.

Napadaing ako sa hapdi na nararamdaman ko. Hindi ko kaya ang sakit! Kahit anong pilit ko ay hindi ko kayang indahin 'to!

Agad niyang mahigpit na hinawakan ang panga ko at kung nakakamatay lang ang titig, siguradong nakalibing na ako.

"I'll let you go this time, pero kapag nagsarado ka pa kahit isang beses... hindi lang 'yon ang matatanggap mo." Inis niyang binitawan ang panga ko.

Tumayo na siya. "Ihatid mo na si Liam," aniya at pinagsaraduhan na ako ng pinto.

As I stood there, tears began to escape my eyes. Kahit ramdam ko pa rin ang hapdi ay hindi na ako nagdalawang isip pang tumayo para mahatid na si Liam sa school. Pinunasan ko ang luha ko at mabagal na hinilot ang bewang ko para mawala kahit kaunti ang kirot.

Pumunta na akong banyo at ginawa na ang aking mga personal hygiene. Pagkatapos ay nagbihis na ako ng simpleng T-shirt na kulay dilaw at jeans. Lumabas na ako at bumaba na ng hagdanan.

Nang makababa na, doon ko pa lang nakita si Liam na nasa balikat na ang bag at halata kong hinihintay niya na lamang ako.

"Good morning, mommy!" nakangiting bati niya.

"Good morning, baby," saad ko at yumuko para mahalikan siya sa labi.

Hinawakan ko na ang kamay niya at binuksan na ang pinto para makaalis na. Medyo hindi kabilisan ang byahe dahil may kaunting traffic. Pero hindi naman kami na-late at on-time kaming nakapunta sa school niya. Nang nasa gate na kami ay lumuhod na ako sa kanya at hinawakan ang buhok niya.

"Tulad ng nakagawian, be good. Eat your lunch and always raise your hands if you know the answer, okay?" pagpapaala ko sa kanya na agad niyang tinanguan.

"Yes, Mommy. I already know that. I'm the classroom's rank 1, I should know that." Hinalikan ko siya at iwinagayway na ang kamay ko.

"Babye na. I love you."

"I love you, too, Mommy," tugon niya at pumasok na ng school.

I watched him as he walked towards his classroom, and as soon as he disappeared inside, I was about to leave when I suddenly froze upon seeing someone in front of me. Nanlaki ang mga mata ko nang mapagtanto ko kung sino ito.

"Trisha..."

Napakunot ako ng noo. "Why are you here?"

"Hinatid ko 'yung pamangkin ko," pagpapaliwanag niya pero hindi pa rin ako mapakali.

The Wife's Lament (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon