Chapter 7

2K 37 4
                                    

KINABUKASAN, habang naghahanda ako ng pananghalian, inaalala ko at kahit anong pilit ko, naaalala ko pa rin ang sinabi sa'kin ni Liam kagabi. Pilit kong hindi inaalala pero ang daming tanong at 'what if's' sa loob ng isipan ko.

Masama ang kutob ko. Anne is back, and I think, she's not back without a vengeance. Malakas ang kutob kong may pinaplano siyang hindi maganda.

At ang sinabi niya sa anak kong siya na ang magiging Mommy nito ay mas lalo pang mabilis na pinapatibok ang puso ko. Pero hindi ako papayag. She's evil. Kahit mawala na ako sa mundo, hindi ko hahayaang ipahawak sa kanya si Liam.

Alam ko din na sa pagbabalik niya... hindi na siya makakapayag na mawala ulit sa kanya si Apollo. Alam kong kasama si Apollo sa plano niya. But, no. I will not let that happen. Mananatili kaming kumpleto, kahit mahirap. Pangako ko 'yan.

"Mommy..." Bigla akong napalingon sa likod ko nang may magsalita. Agad kong nakita si Liam na bagong gising pa lang kaya agad akong lumapit sa kanya.

"Yes, anak?" I knelt down.

He yawned before continuing. "I overheard Daddy in his room, sniffing really hard. Para pong may sipon po siya. Can you go there to check? I'm worried, Mommy, please."

Sa sinabi ni Liam, doon ko pa lang napagtantong hindi pa pala lumalabas si Apollo sa kwarto niya hindi katulad ng dati na mas nauuna pa siyang lumalabas sa'kin. What happened to him?

I looked at Liam and nodded, "Mommy will be back," ani ko kaya agad siyang ngumiti at sunod-sunod na tumango.

Tumayo na ako ng maayos at naglakad na papuntang hagdanan. Nang nakaakyat na ako ay dumiretso kaagad ako sa room ni Apollo at sinubukang kumatok.

"Apollo?" pagtawag ko habang kumakatok. But he wasn't responding, making me worry even more.

I tried it again and again, knocking and calling his name, pero walang bumubukas o sumisigaw man lang.

Wala sa sarili kong hinawakan ang doorknob at pinihit ito. Nagbabakasakaling nakabukas. At laking gulat ko nang bigla nga itong nagbukas. Agad na akong nakapasok sa kwarto niya at nakita ko kaagad itong nakakumot dahil sa lamig na nanggagaling sa aircon.

I gently closed the door behind me and walked towards him cautiously. As I got closer, I finally saw Apollo with his eyes shut, looking pale and weak.

Lumuhod agad ako malapit sa mukha niya habang ramdam ko ang pag-aalala sa mukha ko. There was a chance that he would beat me when I woke him up, but there was no other choice. Kailangan niyang magising at makakain na para hindi pa lumala 'to.

I gently tapped his shoulder, "Apollo..." pagtawag ko. Pero mukhang hindi niya narinig.

I tapped him again, "Apollo, gising," pagtawag ko ulit kaya biglang nagsalubong ang kilay nito senyales na narinig niya na ako.

He slowly opened his eyes that made him look at me. Biglang napakunot ang noo niya at inis akong tinignan. "Anong—"

"May sakit ka, Apollo," pagputol ko sa kanya.

"So what?" aniya at tsaka biglang bumangon sa pagkakahiga. "It's not like, first time kong magkasakit," he continued as he sniffed.

I took a deep breath. Lumapit ako sa kanya at hinawakan ang dalawa niyang balikat at sinubukan siyang alalayan na makahiga sa kama. Pero galit niya lamang na itinulak ang mga kamay ko.

"Putcha, ano ba?! Umalis ka na! Hindi kita kailangan," singhal niya pero sa mga oras na 'to, hindi dapat ako magpatinag.

"No, Apollo. Kailangan mo ako sa sitwasyon na 'to, aminin mo man o hindi," saad ko. Marahan siyang napapikit sa sinabi ko at inis akong tinignan.

The Wife's Lament (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon