MAKARAAN ang maraming oras ay wala pa ding Apollo na dumadating. Sinundo ko na si Liam pero pagkarating namin sa bahay, wala pa rin siya.
Nag-aalala na ako. Alas-syete na ng gabi pero ni-anino niya wala akong nakikita.
Ngayon ay naghahanda na ako ng makakakain. Inilagay ko na ang isang bowl ng Adobong Manok sa lamesa habang si Liam ay nakaupo na.
Umupo na rin ako nang mailagay ko na ang kanin. Pinagsandukan ko si Liam pero napatigil ako nang magsalita siya.
"Nasaan po si Daddy?" tanong niya kaya sinubukan kong ngumiti sa abot ng aking makakaya.
"Nag-over time lang siguro, anak," ani ko. Tumango naman siya dito at kumain na.
Nasaan ka na ba kasi, Apollo? Hindi ka ganito umuwi. Sa ilang taon na pagsasama natin, hindi ka nale-late ng uwi. Unang beses ngayong gabi. Anong nangyari sa'yo? Saan ka ba pumunta?
Alalang-alala na ako. Ni-hindi ko magalaw ang pagkain na nasa harapan ko. Pabalik-balik ang tingin ko sa wall clock na nasa sala tsaka sa anak kong abala sa pagkain niya.
Hanggang sa... natapos na kaming kumain, at wala pa ring Apollo na nagpapakita. Tumayo na ako at binitbit ang dalawang plato namin. Pero kita ko kung paano humikab si Liam ng napakahaba.
"Mommy, I want to sleep," mahina niyang saad.
"Sige na, 'nak. Go ka na upstairs. I'll just do the dishes," tugon ko.
Lumapit ito sa akin habang kinukusot-kusot na ang mata niya. Mahina akong napatawa ng bigla itong ngumuso sa harapan ko. Agad naman akong yumuko sa kanya at dinampian siya ng isang halik sa labi.
"Goodnight, Mommy."
"Goodnight. Sweet dreams."
Tumalikod na siya sa'kin at naglakad na. Pinagmasdan ko muna siyang umakyat sa hagdanan bago ako dumiretso sa lababo at nilagay na ang lahat ng pinagkainan namin doon.
Sinabunan ko na ang mga plato namin pati ang bowl doon sa Adobong Manok. Pati na rin ang mga kaldero na ginamit ko para sa pagluluto no'n. Habang nagsasabon ay hindi ko maiwasang tumingin sa pinto. Nagbabakasakaling magbubukas at biglang papasok si Apollo.
Pero, wala.
Natapos na akong magsabon at ngayon ay nagbabanlaw na ako. Inuna ko ang mga baso at kutsara, pagkatapos ay ang dalawang plato na pinagkainan namin.
Pero napatigil ako sa pagbabanlaw sa isang kaldero nang may narinig akong makina ng kotse.
Nabuhayan bigla ang loob ko at awtomatikong gumuhit ang ngiti sa labi ko.
Natutuwa ako sa kaisipang siya na ito. Kaya agad akong nagwisik ng kamay at pinunasan ang kamay ko gamit ang damit ko. Naglakad na ako papuntang pinto at hindi na nagdalawang isip pang buksan ito.
Pero gano'n na lamang kabilis ang pagkawala ng ngiti ko nang makita ko kung paano nakaakbay si Apollo sa isang babaeng kulang na lang ay maghubad na sa sobrang revealing ng suot.
Mabuti't tulog na si Liam kundi... masasaksihan niya kung paano magdala ng babae ang ama niya.
"Ew," sambit no'ng babae na animo'y diring-diri habang tinitignan ako. Tumingin ito kay Apollo na hanggang ngayon ay walang emosyon ang mukha. "Who is she, baby?" tanong niya na nagpakunot ng noo ko.
Baby? Ni-hindi ko nga matawag ang asawa ko ng ganiyan, tapos ikaw pa ang may lakas ng ganang tawagin siya sa endearment na 'yan?
Napatingin ako kay Apollo nang bigla itong napasinghap at bagot na bagot akong tinignan.
BINABASA MO ANG
The Wife's Lament (COMPLETED)
RomanceTrisha had grown up surrounded by the thought that marriage was the ultimate destination for love, a fairytale ending where two souls lived happily ever after. But reality had a different plan for her. The wedding bells had pealed, the vows had been...