Chapter 15

2.5K 31 2
                                    

NAKAUPO lang ako sa isang sulok sa mga nakalipas na oras, hindi makayang tumayo. Ako lang ang mag-isa dito sa loob ng presinto. I'm now wearing the orange T-shirt and pants that symbolizes the dangerous people. Habang nakatitig sa kawalan.

They are out of my life already. She doesn't anymore needs me, and the thought of it keeps on killing me.

Hindi ko masisilayan ang anak ko, kahit sa huling sandali niya. Hindi ko siya makikita. Gusto kong humingi ng tawad, dahil ako ang naging tatay niya. Patawad dahil ang sama ko. Patawad dahil nagawa ko ang lahat ng 'yon.

Hinding-hindi ko mapapatawad ang sarili ko. Pero sana... anak, mapatawad mo si Daddy. Mahal na mahal kita, hindi ko ginusto ang nangyari. Hindi ko gugustuhin na makapatay ng isang tao, lalo na't anak ko pa.

May narinig na lang akong bumukas ng rehas kaya unti-unti akong napataas ng tingin.

"May bisita ka," sambit ng isang pulis. Ilang segundo pa bago mag-process sa isip ko ang sinabi niya.

Pinilit ko ang sarili kong makatayo at walang-ganang naglakad palabas. Hanggang sa nakapunta na ako sa may mga upuan at lamesa. Tinignan ko isa-isa ang mga ito, hanggang sa dumapo ang paningin ko sa upuang may nakaupong dalawang lalaki.

Galit na galit ang ekspresyon ng isa, habang ang isa naman, seryoso lang na nakatingin sa'kin.

Wala akong nagawa kundi ang lumapit sa kanila at nang makalapit na, agad na akong umupo. I lowered my head, waiting for him to say a thing.

"This is Atty. Zeon. He will help you get away with this case." Pigil na pigil ang galit niya, alam na alam ko 'yon.

"So, tell me, Mr. Felizar. Did you really do that on purpose?" tanong naman ni Atty. Zeon kaya napatingin ako sa kanya. Tsaka ako walang-ganang tumingin kay Dad.

"Bakit pa kailangang umabot sa korte? Kasalanan ko naman ta—" Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko nang bigla niyang hawakan ang taas ng damit ko. Mahigpit, sobra.

Pinandilatan niya ako, "Madudumihan ang pangalan ko. Ang pangalan ng kumpanya. Cooperate with me, or else, I will make you suffer inside this prison," bulong niya habang rinig ko ang diin sa bawat salitang sinasambit niya.

He's madly glaring at me. Nandidiri sa'kin ang sarili kong ama.

Binitawan niya lang ng kusa ang damit ko nang may dumating na pulis at humarap sa amin.

"Bawal violence dito, Sir. Paalala lang po," usal nito at agad nang umalis. Nang nawala na 'to, biglang nagsalita si Attorney.

"Answer my question, Mr. Felizar. Gusto mo ba talagang gawin ang bagay na 'yon?" tanong ulit nito. Wala sa sarili akong napasulyap sa ama kong seryosong nakatingin sa'kin.

"Say it, Apollo," aniya. At dahil doon, napasinghap ako. He's always controlling my life, and I can't do anything about it, because I'm just his son.

Tumingin akong muli kay Atty. Zeon.

"Anne, my ex-lover, visited me in our house. Hindi ko siya pinapasok noong una, pero nagpumilit siya. Kaya wala akong nagawa. Nagpapakalasing ako habang tumatakbo sa isipan ko kung nasaan ang mag-ina ko. Until she gave me a glass of beer. I drank it, then I immediately felt so high. Parang may inilagay siyang droga. Nabaliw ako, hindi ko alam ang ginagawa ko. Then, Trisha came. Binuhos ko bigla ang hindi ko makontrol na galit, hindi ko alam ang pumasok sa isip ko. Basta itinutok ko na lang sa kanya ang baril. Baril ko." Ramdam ko na ang mga luhang magsisilabasan habang inaalala ko ang pangyayari. "Until Liam, my son, s-suddenly embraced Trisha and that was the e-exact time I pulled the trigger."

At napaka-sama ko para gawin ang karumal-dumal na bagay na 'yon. Namatay ang anak ko nang dahil sa'kin.

Napa-baba ako ng tingin dahil isa-isa nang nagsisilabasan ang mga luha ko. Ramdam ko na lang ang pagtayo ng nasa harapan ko.

"Ayun lang muna ang kailangan ko, Mr. Felizar," saad niya sa Dad ko at ramdam ko ang paghawak niya sa balikat ko. "Apollo, just cooperate with us. Malalagpasan mo ang kaso mo," panghuli niyang saad bago niya tinanggal ang pagkakahawak. Rinig ko na ang pagpadyak nito papalayo kaya unti-unti akong napataas ng tingin.

Pero nandidito pa rin si Dad. Walang emosyon ang bumabalot sa mukha niya habang tinititigan ako.

"Don't disappoint me, Apollo," saad niya at lumabas na rin tulad ni Attorney.

Nakatitig lang ako sa kaniya hanggang sa unti-unti na siyang nawawala sa paningin ko.

Disappoint ba kamo? Ever since I was a child, I never did anything to disappoint him. I'm always doing my best just for him to notice my achievements, but the only thing he's noticing is my mistakes. Malaki na ako't lahat-lahat, hindi pa rin niya makita, ni-isa, wala siyang makita.

That's why... since I was a child, until now, I can't feel my father. I can't feel the love I'm longing for from my own father.

Sabagay, sino nga naman ang magmamahal sa isang tulad ko? Pati ang kaisa-isang nagmamahal sa'kin, nagawa kong saktan. Nawala tuloy. Sumuko na. Dahil sobra-sobra na.

Nakatikim ako ng sarili kong lason.

The Wife's Lament (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon