Chapter 12

2.4K 35 2
                                    

"ETO, oh. Pinagbalat kita ng mansanas."

"Salamat."

Isa-isa ko nang kinuha ang mga piraso ng mansanas na hiniwa ni Lander sa platito. Tipid akong ngumiti sa kanya nang nakita ko itong nakatingin sa akin at nakangiti rin.

It had been a week, and I was still in the hospital. Naghihintay na lang ng Doctor na papasok sa kwarto ko at sabihing pwede na akong makalabas.

Isang linggo na, isang linggo na pero nandidito pa rin itong si Lander at hindi inaalis ang paningin sa akin. Palagi siyang nakaalalay, dahil tanging wheelchair lamang ang nagagamit ko kapag maglalakad ako, medyo hindi pa kasi magaling ang kanang paa ko. Pero mamaya kapag lumabas na ako, saklay naman ang gagamitin ko.

Si Elaine naman, nasa labas at kinausap ang Doctor kasama si Liam. Gusto daw kasi niyang makita kung paano magtrabaho ang mga Doctor, para daw handa siya sa future niya.

Si Ara ang nagsusundo at naghahatid kay Liam papuntang school, hindi naman daw nagpaparamdam si Apollo kaya wala naman daw problema. Pero pansin ko sa mga nakalipas na araw, parang may pinagkakaabalahan itong si Liam na araw-araw ginagawa pero tinatago niya sa akin, sa amin.

I sighed.

At sa mga nakalipas rin na araw, walang Apollo na dumating o dumalaw man lang. Marahil ay hindi nga sinabi sa kanya ni Ara. Pero hindi ko pa rin maiwasang masaktan dahil kada-titingin ako sa cellphone ko... wala ni-isang missed call o text message galing sa kanya. Palagi ko na lang inilalagay sa bulsa ko ang cellphone ko kapag wala akong natatanggap.

Gano'n na ba talaga ako kawalang-kwenta sa kanya?

"How's your foot?" biglang tanong ni Lander na nagpabalik sa akin sa ulirat. Tumingin ako sa kanya at mabagal na tumango.

"Medyo ramdam ko pa rin 'yung kirot, pero konti na lang naman," ani ko na agad niyang tinanguan.

"Basta, kung may nararamdaman kang masakit—"

Hindi na naituloy ni Lander ang sasabihin niya nang bigalng bumukas ang pinto. At nakita ko kaagad ang anak ko at si Ara, kasama na ang Doctor.

Agad tumakbo sa akin si Liam at umupo sa kama ko.

"Mommy, may konting alam na po ako. I'm so excited to work, Mommy. Gusto ko rin po ng sariling Hospital," sabik na sabik na aniya kaya hindi ko mapigilang mapangiti.

"I'm so excited to walk inside your own Hospital," tugon ko.

He's always making me proud.

May narinig naman akong tumikhim kaya napatingin ako sa Doctor. Inayos niya ang glasses niya at tumingin sa papel na hawak.

"Tapos na ang isang linggo mo, Mrs. Felizar. Pwede ka nang makalabas." He smiled, and it made me so excited.

Sa wakas! Makikita ko na rin siya. I miss him, so much. Hindi na ako makapaghintay pang makita siya.

"Thank you, Doc." I sincerely smiled at him.

"Pero kailangan mo pa ring tandaan na hindi pa masyadong magaling 'yang paa mo. Kailangan mo pa rin ng saklay. Maybe two to three days, ayos na kahit hindi mo na gamitin," dagdag pa niya at itinuro ang nasa gilid niyang si Ara, tsaka ko pa lang nakita na bitbit na pala ni Ara ang saklay ko.

"Makakaasa po kayo," ani ko.

"Maiwan ko na kayo," pamamaalam ni Doc at tumalikod na sa'min at lumabas na ng kwarto.

Tumingin ako kay Ara nang makalapit ito sa akin. Kita ko ang pagbaba ni Liam sa kama ko at ramdam ko ang pag-alalay sa akin ni Lander. Mabagal, unti-unti, at maingat nila akong pinwesto sa saklay ko hanggang sa naayos na at gamit-gamit ko na ang saklay.

The Wife's Lament (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon