"BAKIT ka nandidito, Ara?"
"Why? Masama bang bumisita sa bahay ng best friend ko?"
Napabuntong-hininga ako. Nandidito kami ngayon sa dining area at nakaupo habang nakaharap sa isa't-isa. Maya-maya pa, biglang may nilagay siya sa harapan ko kaya napatingin ako doon.
"Really? Yahoo?"
Napa-iling na lamang ako nang may nilagay siyang sampong pirasong yahoo sa harapan ko. Ano na namang trip nito?
"Bakit?" wika niya. "Buti nga biskwit 'yan at hindi sitsirya 'yong binili ko. Payat ka na nga, magpapayattos ka pa," dagdag pa nito at biglang tumawa.
"Gets mo?" Aniya pa na tuwang-tuwa sa sariling joke.
I faked a smile, "Kailan ka pa natutong mag-joke ng ganiyan?" Kaibigan ko ba talaga 'to?
"Come on, nakakatawa kaya. Huwag mo nang pigilan tawa mo." I rolled my eyes. "By the way, where's Apollo? And Liam? I haven't seen that kid na lately," tanong niya. Kumuha ito ng isang yahoo at binuksan.
I sighed. Dahil medyo nagugutom na rin ako ay kumuha na rin ako ng isa at binuksan. Tsaka ko tinignan si Ara na kumakain na.
"Nag-gala 'yung mag-ama. At sigurado akong maya-maya pa sila makakauwi," paliwanag ko pero napakunot ako ng noo sa biglang pumasok sa isip ko.
"How's Arabella and Arabelle? Sinong nagbabantay sa kanila?" tanong ko.
Arabella is her 1 year old daughter and Arabelle is her 9 year old daughter. Pagkakaalam ko, sila lang tatlo ang nasa bahay niya at wala silang katulong. Paano 'yung anak mga niya doon?
"Nag-hire ako ng kasambahay kanina lang. Don't worry, I inspected her already and she's harmless. Hindi ko ipagkakatiwala ang mga anak ko sa alam kong hindi mapagkakatiwalaang tao," aniya kaya agad akong tumango.
"How about you? Nagpadala ka na naman sa 'pretend' thingy niya, 'no?" pabalik na tanong niya sa'kin kaya kunot-noo akong napatingin sa kanya.
"How did you know?"
"Nakita ko sila Tita at Tito kanina no'ng paalis pa lang sila, and I also saw how your husband smiled at them na parang hindi ka niya tinatrato ng masama dito," tugon niya, pero wala akong masabi at nanatiling nakatingin lamang sa kanya.
"How was it?" biglang tanong niya, at batid ko na ang pag-aalala sa tono ng boses niya.
I took a deep breath.
Masakit, sobra. Nagpadala na naman ako. Those sweet lines of him, the soft and warm kiss of him, and him waking me up this morning... ang lahat ng 'yun ay saktong-sakto sa mga gusto kong gawin niya sa'kin araw-araw. Pero kahit isa, hindi man lang niya magawa-gawa ng totoo.
"Okay lang." I half-smiled.
"Alam ko ang tono ng totoo sa hindi. Don't pretend. Hindi ikaw si Apollo. Kailan ka pa nagka-nota?" pabirong saad pa niya kaya napairap na lang ulit ako.
Kahit kailan talaga 'to.
"Just leave it with me, please. I don't want to talk about it," pakiusap ko na nagpabuntong-hininga sa kanya.
"Okay, I give up." She raised her hands as a sign of giving up. "But you have me, okay? As well as Land—"
"I have you. But not him." Stop bringing that name up, Ara. Tapos na kami.
Nagpatuloy na lang kaming kumain ng mga yahoo habang nagkwekwentuhan. We talked about a lot of things. 'Yung hindi tungkol sa asawa't nakaraan ko, kundi sa mga nakakatawa naming mga pinaggagagawa noong kabataan. Hanggang sa naubos na ang mga yahoo.
BINABASA MO ANG
The Wife's Lament (COMPLETED)
RomantikTrisha had grown up surrounded by the thought that marriage was the ultimate destination for love, a fairytale ending where two souls lived happily ever after. But reality had a different plan for her. The wedding bells had pealed, the vows had been...